Share

Chapter 4.1

Stacey's POV

Pagkarating na pagkarating ko sa kalsada, isang van ang biglang huminto sa harap ko.

"Hurry up and get in, Virgo!"--hoarse voice of Zach.

Walang lingon-lingon akong pumasok sa loob ng van at umupo sa tabi ni Denver. Hinihingal akong napasandal.

Thanks God! I'm safe now.

Napahawak ako sa dibdib na tila ba mababawasan nito ang malakas na kabog ng aking dibdib.

"Okay ka lang ba, Virgo?" Tanong ni Thirdy dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Tumango ako bilang tugon.

"Sobra kaming nag-alala sa'yo." Sunod nitong turan.

"Salamat." Pinilit kong ngumiti ng bahagya.

"I'm sorry. I failed you this time,"sunod kong turan. Galing iyon sa aking puso; sinsero.

"Hindi mo kasalanan 'yon. Panira kasi ang bar manager na 'yon eh," turan ni Thirdy.

" I should be the one to say sorry. Ako naman ang nagplano at nagpumilit nito. Muntik ka na tuloy mapahamak," sinserong turan ni Denver na nakayuko.

"Ano ka ba? Danger is a part of our job. So, don't blame yourself, okay?" turan kong bahagyang ngumiti at tinapik siya sa balikat.

"Ano na nga pala ngayon ang gagawin natin. We already lost the oppurtunity," sunod kong turan kasabay ng pagseryoso ng ekspresyon ng mukha ko.

"Two weeks from now, he will be attending an event. Susubukan naming makapasok," turan ni Red habang nasa kalsada pa rin ang atensiyon niya.

"I'll be busy on that week. Sayang naman!" 

"Let's just trust them. I know kaya na nilang tatlo 'yon," turan ni Zach. Agad akong napalingon sa kanya. Ngayon ko lamang naalala na may importante rin pala siyang aayusin. 

"By the way Stacey, sino 'yong lalaking nakabili sa'yo? Hindi kasi siya nakuhanan ng camera. Paano ba naman kasi, kinuha ng bar manager ang mask mo," saad ni Thirdy.

"That pervert!" Agad akong napairap nang maalala ko ang mukha ng lalaking manyak na 'yon.

"I haven't given the chance to know his name. All I want that time is to escape," sunod kong turan habang inaabot ang bottled water na nasa bandang harapan ni Denver.

Ang mga mokong na 'to, wala man lang sa kanila ang nakaisip na mag-offer ng tubig.

"May ginawa ba siya sa'yo?" Zach asked coldly.

"Wala naman," saad ko bago buksan ang tubig.

Sayang nga eh. Mukha pa naman siyang yummy.

Nasamid tuloy ako dahil sa naisip ko.

 Ang halay mo, brain. Errrr... Maghulos-dili ka nga!

"Ako ang may ginawa sa kanya," sunod kong turan nang makabawi ako sa pagkasamid.

"Whoa! 'Yan ang baby girl namin!" Red yelled. Tumawa naman si Thirdy. Nag-high five pa sila pagkatapos.

"Sana nga mabaog siya para magtanda siya," turan ko dahilan para magtawanan muli sila. Si Zach lang yata ang kill joy. Mataman lamang itong nakatingin sa'kin at nakakunot-noo.

Nakakainis din minsan 'tong lalaking 'to eh. Parang robot, hindi yata marunong ngumiti. Pero kahit may KJ na kasama sa biyahe, sa sarap ng usapan, halos 'di namin namalayan na nasa hide out na kami. Pagkarating namin, agad akong nagbihis at pumunta sa parking area at dumiretso ng uwi. Gano'n din silang apat, nagsiuwi na sila sa sari-sarili nilang pamilya. 

Pagkagising ko kinaumagahan, at pagkaupo ko palang sa harap ng hapag-kainan, nangyari ang inaasahan ko.

"Belle, anak. Pagbigyan mo na kami ng daddy mo, okay? Para din naman ito sa pamilya natin. Hindi naman masamang tao ang mapapangasawa mo. Sila na lang makakapagsalba sa nalulugi nating kompanya," mahinahong litanya ni mommy.

 Sa loob ng ilang buwan, para siyang sirang plaka na sa tuwing uuwi ako ng bahay, ito ang linyahan niya.

I rolled my eyes.

"Okay, mom. Kikilalanin ko siya."

Iwas ako ng iwas kaso heto na yata ako sa puntong kailangan ko na talagang sumunod sa kanila.

"Good to hear that. Finally, anak!" segunda ni Dad.

Bigla tuloy akong nawalan ng gana sa pagkain. Ang aga-aga pero ito ang bumungad sa'kin.

"May picture nga pala sa'kin ang future husband mo." Nagtipa si mommy sa kanyang cellphone. "Nandito rin ang basic info tungkol sa mapapangasawa mo, anak." Akmang iaabot niya ang hawak niyang cellphone ngunit bigla akong tumayo at magsalita.

"Busog na ako!" Naging dahilan iyon upang matigil siya sa pag-abot ng phone niya.

"Anak, akala ko ba----"

"Don't worry, Mom! Magpapakasal  ako sa kanya," maagap kong saad bago pa siya magsimulang maglitanya na naman.

"Hindi mo man lang ba aalamin ang mga basic information tungkol sa kanya?"

"I'll just discover that personally. Mas magandang kilalanin ko siya ng personal," turan ko bago tumalikod  at pumanhik sa kwarto ko.

Sa halip na magmukmok ay binuksan ko na lang ang TV sa kwarto ko. Naglabas na lang ako sitsirya at isinawalang bahala ang nararamdaman ko.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang bumukas ang pinto at pumasok mula roon si mommy.

Hindi ko siya pinansin ngunit naramdaman ko ang paglapit niya sa kinaroroonan ko.


"Tumawag ang future-mother-in-law mo, tinatanong niya kung kailan sila pwedeng bumisita rito para makilala ka ng personal." Malumanay niyang saad.

Sumandal ako sa sofa at saka ipinatong ang paa ko sa center table.

"Masyado ba silang nagmamadali, mom?" turan kong hindi man lang siya nilingon. Nakatuon pa rin sa TV ang atensiyon ko.

Hindi siya umimik pero hindi nakaligtas sa'king pandinig ang pagbuntong-hininga niya.

"Hindi ba pupunta rin naman tayo sa bahay nila next week dahil birthday ng FUTURE-FATHER-IN-LAW ko. Doon niyo na lang ako ipakilala sa kanila." Pinagdiinan ko talaga ang salitang future-father-in-law. Naaasar kasi talaga ako.

Dapat sana,  sa week na iyon, si Mr. Guo ang inaasikaso ko at hindi ang kung sinumang pilato na 'yan.

Muli kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Mommy.

"Sana naman, kapag nakaharap mo sila, ayusin mo ang pakikitungo mo sa kanila." Nahagip ng paningin ko ang pag-upo niya sa tabi ko.  Tumagilid din siya at hinarap ako.

"I know what to do, mom. I won't do things that will ruin your reputation." Hindi ko naiwasang sumimangot.  

"I know we are giving too much burden to you. I'm really sorry, anak." Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

Magmamaldita sana ako kaso kapag ganito ang tono ni mommy, nakokonsensya ako. Buong buhay ko, lahat ng gusto ko ibinigay nila. Sa lahat naman, itong arrange marriage na 'to lang ang pinakapangit na nangyari sa buhay ko.

Paano ako after the wedding? Magiging housewife ba ako? Naku naman! Hindi ako pang-housewife material. Higit sa lahat, ang pinaka ayoko ay ang makulong sa loob ng bahay.

Pa'no ang trabaho ko? Tuluyan ko na bang iiwan? Totoong nakapagpaalam na ako sa grupo kaso parang hindi pa ako handang umalis.

Masaya ako sa trabahong iyon.

"Hindi namin ginusto ng daddy mo ito, anak. Pasensya kana." Napalingon ako kay mommy at kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya.

"You don't need to say sorry, mom. And please, don't worry too much about me, I can handle this."

Ang mga misyon nga naming buwis-buhay nakaya ko, ito pa kaya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status