Share

Chapter 27.2: Pakiusap

last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-10 21:57:41

SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ng Ginang. Noon lang niya nakita si Everly na binulyawan ang kanyang anak. Dati-rati naman ay tatahimik lang ito at walang pakialam kung ano ang ginagawa o ang mga sinasabi ni Roscoe. Ngunit iba ang araw na ito. Nakita niya ang galit na nakabalandra sa mukha ni Everly. Nakita ng Ginang ang kabilang side ng manugang na ‘di niya alam na palaban din naman pala.

“Bakit pa natin patatagalin at ililihim? Kalat na kalat na nga ang larawan niyong dalawa ni Harvey. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, malalaman pa rin naman niya di ba? Dapat kasi, hindi ka nakipag-date sa Harvey na iyon. Hinintay mo na lang sanang mag-divorce na muna tayo bago ka lumabas, di ba?!”

Napakurap na ang mga mata ni Everly. Marami siyang gustong isumbat, ngunit ayaw na niyang humaba ang usapan nila. Isa pa nakakahiya sa mother-in-law niya.

“Media ang nagpakalat noon. Hindi maniniwala si Lola sa kanila lalo na kung walang proof. Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin na ilihim na lang m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 65.2: Pasalubong

    HINAHAGOD ANG LEEG ni Everly habang papalabas siya ng pintuan ng hospital noon. Napagod siya buong maghapon dahil sinamahan niya sa loob ng operation room si Doctor Santibaniez. Hiniling nitong sumama siya at i-assist niya siya na di niya natanggihan. Sa mga sandaling iyon ay nais na niyang bumulagta sa kama at ipikit ang kanyang mga mata. Dama niya ang panghihingi na ng pahinga ng katawan na ilang araw na niyang pinapagod nang sobra at hindi binibigyan ng maayos na pahinga. Saglit na natigilan si Everly sa kanyang paglalakad nang may matanaw na pamilyar na sasakyan.“Everly!” Itinaas pa ng lalaking may-ari noon ang kanyang kamay upang kumaway lang sa kanya. Kinurap-kurap ni Everly ang kanyang mga mata upang sipatin lang kung sino iyon. Si Harvey. Matingkad na ang ngiti ng lalaki sa kanya. Sabagay, matagal na rin noong huli silang nagkitang dalawa. Hindi na rin niya ito magawang makumusta pa. As usual naka-tuxedo pa rin ang lalaki noon na halatang galing sa mahalagang meeting o okasy

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 65.1: Patient

    PAMARTSA NA SILANG iniwan ni Everly na ilang segundong tiningnan ng tahimik si Lizzy na hindi na makatingin sa kanya nang diretso, nang makita naman iyon ni Lorenzo ay agad na itong tumayo upang sundan lang ang babae. Nagpang-abot sila sa labas na ng VIP room ni Lizzy. Hindi siya napansin ni Everly na nakasunod, napapitlag na lang ito nang bigla na lang tawagin ni Lorenzo ang kanyang pangalan.“Everly!” Nilingon siya ni Everly na puno na ng katanungan ang mga mata. The atmosphere between the two of them was a little subtle, as if they were confronting each other silently. Hinintay niya ang karugtong na sasabihin ni Lorenzo na alam niyang mayroon pa kaya siya tinawag.“Pwede bang layu-layuan mo na ang kapatid ko? Hindi naman na kayo magkaibigan di ba? Malamang kaya siya nagkakaganyan ay nang dahil sa’yo. Tell me, anong ginawa mo kay Lizzy?!” lantarang akusasyon pa ng lalaki na akala mo ay alam nito ang buong katotohanan.Hindi makapaniwalang napaawang na ang bibig ni Everly. Pareho n

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.3: Anxiety

    GAYA NG KANYANG anunsyo ng umaga sa mga kasama, binisita ni Everly sa kanyang silid si Lizzy bandang tanghali. Suot pa rin niya ang kanyang white coat. Magalang na kumatok siya sa pintuan ng silid. Hindi siya basta pumasok doon dahil naisip niya na malamang ay baka may bantay ang babae ng sandaling iyon. “Tuloy…” boses iyon ng lalaki mula sa loob. Binuksan ni Everly ang pintuan matapos na ayusin niya ang kanyang sarili. Tumambad sa kanyang mga mata kung sino ang kasama ni Lizzy doon, si Lorenzo na may iba ng tingin agad.“Nabalitaan ko kung ano ang nangyari kay Lizzy nang nagdaang gabi—” Tumayo na si Lorenzo at sinalubong na si Everly. Alam niyang hindi sila good terms ng kapatid. “Hindi porket nabalitaan mo ay pwede mo na siyang bisitahin dito kung kailan mo gusto.” “Bakit? Masama ba? Narinig ko sa usap-usapan na binabanggit niya ang pangalan ko noong unconscious siya, kaya naisip ko na baka sakaling makatulong ako sa kanya kung sakaling—” “Please leave.” malamig ay may diin na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.2: Laki ng Inggit

    KULANG NA LANG ay lumuwa ang mga mata ni Lizzy nang makita niyang maputla ang mukha ni Everly na parang naaagnas, iyong tipong nangingitim na iyon. Basa ang buhok nito at hindi lang ang damit. Mukha siyang nakakatakot. Bumangon ba si Everly sa tubig? Paano siya nakatakas? Minumulto na ba siya nito dahil alam nitong siya ang nagpatumba sa kanya? Imposble rin iyon! Wala ng patay ang bumabalik para lang konsensyahin ang may gawa noon sa kanya at takutin.“Lizzy, give me back my life. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito kung bakit ako namatay. Bakit mo ako kailangang ipadukot at ipatumba? Hindi ka na naawa. Makikipag-divorce naman ako, hindi mo kailangang gawin sa akin ang bagay na ito. Alam mong marami pa akong pangarap hindi ba? Paano na iyon ngayon, Lizzy? Paano na?” ini-unat pa ni Everly ang kanyang kamay, tila inaabot niya si Lizzy na sa mga sandaling iyon ay bakas na sa mukha ang labis na takot sa kanya.“H-Hindi, hindi ako ‘yun Everly…” nanginginig ang boses na sambit ni Lizzy na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.1: Paniwalang-paniwala

    NAGULANTANG NA DOON ang lalaki. Hindi ba dapat tumakas na ito ngayon pa lang? Bakit kailangan nitong palabasin na natuloy ang kidnapping kung hindi naman? Hibang na ba ito? “Pero kung sasabihin namin iyon, hihingan niya kami ng proof—” “Then bigyan natin siya ng proof. Hindi niyo naman siguro ako tatarantaduhin lalo na ngayon na alam niyo na kung ano ang kakayahan kong gawin sa buhay niyong lahat. Di ba na-picture niyo naman ako kanina? Hindi pa ba enough na proof iyon para maniwala siya?” “Kailangan pa rin natin pumunta ng beach.” turan ng lalaki na medyo nagpakutob ng kakaiba kay Everly, ano siya hibang? “Gaya ng unang plano. Kailangan natin magtungo dito.” Plano ba nitong gulangan siya? The seaside was their destination, they must have an ambush. Paano niya malalaman na nagsasabi sila ng totoo? Malamang ay marami silang kasamahan.“No, hindi ako sasama sa inyo sa beach. Kayo ang humanap ng paraan kung paano gagawin ang hiling ko. Pwede kayong gumawa ng ibang scenario na agad na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 63.3: Utak ng Pagdukot

    PANIGURADONG ILANG ARAW siyang minanmanan ng grupo at noong nakakuha sila ng pagkakataon na mag-isa na lang siya at lutang, saka sila kumilos. Naniniwala siya na ang grupo ay under ni Lizzy. Tatlong oras ang kanilang bubunuin upang makarating sa tabi ng dagat kung saan man siya nila planong lunurin. Iyong beach na iyon ay paniguradong ang family beach nina Lizzy na nasa bandang Camarines Sur. Sa loob ng tatlong oras na iyon, kailangan niyang makaisip ng paraan. Iginalaw niya ang kamay na nasa likod, biglang naging alerto ang katabi niyang lalaki na tiningnan siya ng masama at nag-check ng tali niya sa kanyang kamay. Palihim niyang pinindot ang relo na kanyang suot upang mag-send lang ng location niya kay Monel.‘What do you think of me? Gaya niyo na mga bobo?’ Mabagal ang naging takbo ng van paalis ng Legazpi. Ibinaling ni Everly ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Narinig niya ang munting halik ng mga kasama niya na tiwalang hindi niya magagawang makatakas dahil lang babae siy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status