Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)

Lustful Series 1: Empire of Obsession (R18+)

last updateHuling Na-update : 2025-05-15
By:  AnoushkaIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
7Mga Kabanata
12views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sa isang gabi ng katahimikan, isang hindi inaasahang tanawin ang tumambad kay Yohan sa gitna ng gubat—isang babae, walang malay, balot lamang ng pulang tela. Wala itong pangalan, alaala, o paliwanag. Sa halip na iwan, dinala niya ito sa kanyang mansyon. Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya. Siguro'y awa. O marahil, isang bagay na mas malalim. Habang ginagamot at inaalagaan niya ang babae—na nangangalang Jasmine. Unti-unting nagbabago ang katahimikan ng mansyon. Ang mga bulong ng nakaraan ni Jasmine ay nagsisimulang lumitaw, kasabay ng pag-init ng tensyon sa pagitan nila. Sa bawat titig, sa bawat dampi ng balat, nagiging mas mahirap para kay Yohan na mapanatili ang distansya. Pero sa likod ng malalambing na halik at maiinit na gabi, may mga tanong na hindi mawala sa kanyang isipan: Sino ba talaga si Jasmine? At bakit tila may itinatago ito na maaaring ikapahamak nilang pareho? Isang kwento ng pagnanasa, misteryo, at tiwala—na unti-unting tinutunaw ng init ng katawan at lamig ng katotohanan.

view more

Kabanata 1

1 - Betrayal

Napabuntong-hininga si Jasmine habang nakatitig sa gusot at nadumihang damit na kulay pula.

"Isang buwan ko pang inipon ‘tong tela…” bulong niya, may halong panghihinayang at pait sa kanyang tinig.

Dalawampung taong gulang pa lamang siya, at sa edad na ‘yon, marapat sana’y kinikilala pa lamang ang mundo—hindi ginagawang aliwan sa ilalim ng mesa.

Nasa ilalim siya ng mesang may alak, nakahiga sa carpet, at may tumulong malagkit na likido sa pagitan ng kanyang mga hita. Mainit at tila ba nag-aapoy ang pakiramdam, pero hindi ito dulot ng ligaya. Ang paulit-ulit at marahas na galaw ay nag-iwan ng kirot na hindi niya maipaliwanag.

“...Ralph,” mahinang sambit ni Jasmine.

Paglingon niya, nakita niya ang lalaki—ang kanyang kasintahan na naging sandalan niya tuwing gabi—si Lieutenant Colonel Ralph Advincula, 29 anyos. Nakaupo ito sa tabi ng mesa, may sigarilyo sa bibig at malamlam ang tingin.

Hindi inaasahan ang pagdating ni Ralph. Basta na lang itong sumulpot, ibinagsak siya sa mesa, ginamit ang katawan niya para sa sariling pagnanasa, at tila walang pakialam kung ano ang mararamdaman ni Jasmine.

Para kay Jasmine, si Ralph lang ang tanging kasama—ang tanging pamilyang natitira—kaya inisip niyang ito na talaga ang normal sa kanila. Sa totoo lang, hindi siya nasisiyahan sa mga gabi nilang ganito. Pero kung hindi niya ito gagawin, baka tuluyan nang hindi bumalik si Ralph na palaging nawawala.

Kaya ngayong naroon pa rin si Ralph sa tabi niya—na hindi agad umalis gaya ng dati—kahit papaano, may kaunting ligaya siyang nadama.

Dahan-dahan siyang bumangon, pinilit iwasto ang sarili. Napakunot ang kanyang noo sa kirot na naramdaman sa ibaba, pero pinilit niyang ngumiti at nagsalita sa magaan at malambing na tinig.

“Ralph… may gusto ka bang sabihin?”

Sa pag-alis niya mula sa mesa, napansin niya ang nabasag na baso ng alak. Ito ang natumba kanina habang itinutulak siya ni Ralph sa mesa. Ang mamahaling alak ay mas lalong naging matingkad sa pulang sahig, at sa tabi nito, may nakahagis na sinturon. Pinulot ito ni Jasmine at tinignan nang mabuti.

“...Wow.”

Habang malalim na humithit si Ralph sa sigarilyo, walang imik itong nagbuga ng usok at hindi sumagot sa tanong ni Jasmine.

Inayos ni Jasmine ang palda niya at lumapit sa kanya. Marahang hinimas niya ang sinturon, napansin ang ukit na emblem ng militar.

“Congratulations, Ralph. Natupad na rin ang pangarap n’yo.”

Ang sinturon na iyon ang natanggap ni Ralph ngayong araw, kasabay ng kanyang promosyon bilang Lieutenant Colonel—isang ranggo na bihira lamang maabot sa edad niya, lalo na isa siyang hindi tunay na anak ng isang kilalang pamilya sa bayan.

Inihagis ni Ralph ang sigarilyo sa sahig na may likido ng alak.

Tumitig si Ralph kay Jasmine. “Thank you. This is all thanks to you. Kung hindi dahil sa’yo, paano ako aabot sa ganito kataas na posisyon?”

May bahid ng panlilibak sa kanyang tono, pero may halong katotohanan.

Si Jasmine ang sumuporta sa kanya—mula sa mga training, tuition, at koneksyon sa loob ng sistemang militar.

“Lieutenant Colonel... Ang taas na niyan,” sabi ni Jasmine, may pilit na ngiti sa labi.

“…Oo. Pero hindi lang 'to dahil sa sipag. You know what I had to do just to get here, don’t you?”

Tumango si Jasmine, iniwas ang tingin, pero may ngiti pa rin. “Alam ko. Ang dami mong tiniis.”

Inilapit niya ang sarili para yakapin ang braso ni Ralph, pero marahan siyang itinulak nito palayo.

“Ralph?”

Parang may naalala si Jasmine kaya bumalik siya sa drawer at kinuha ang isang dokumentong may selyo at hugis bilog.

Ito ang opisyal na katibayan ng pagmamay-ari ng “Deniz Merchants,” ang kompanyang ngayon lang opisyal na naipasa sa kanya dahil sa edad niyang twenty-five.

“Masaya ako na naabot mo na ang pinapangarap mong ranggo. Kailangan kasi ng mataas na posisyon para pamunuan ang supply operations sa taas.”

“Ako na ang magiging representative, right?”

“Oo. Kapag hawak mo na ito—ang dokumento’t selyo—lahat ng utos mo ay parang utos ko na rin.”

Ngumiti si Ralph at niyakap si Jasmine.

“Okay. Thank you, Jasmine.”

Pero habang yakap siya, ang kamay nito ay gumapang pababa sa kanyang likod, sabay haplos sa kanyang balakang.

Napakislot si Jasmine at tinignan siya. “Ralph… uulitin mo na naman ba?”

“Gusto ko sana, but I have to go soon,” sagot niya habang kinuha ang dokumento at selyo, at itinago ito sa kanyang panloob na bulsa.

“Alis ka na agad? Ah, may party pa kayo, ‘di ba? Ralph, kailan mo naman ako ipakikilala? Pwede ba akong sumama ngayong gabi?”

Hindi naman labis ang hinihiling ni Jasmine. Siya ang pinakamalaking sumuporta kay Ralph; may karapatan siyang maging bahagi ng tagumpay nito. Pero hindi siya kailanman nagpumilit. Ayaw niyang mapahiya si Ralph sa mga tao.

‘Pero ngayon…’

Tiningnan siya ni Ralph, pero wala nang init sa kanyang mga mata.

“You said you understand me, right? And alam mong bawal malaman ang relasyon natin hindi.”

Biglang nanlamig ang kanyang tono.

“Ano… ibig mong sabihin?” tanong ni Jasmine, kinutuban sa biglang pagbabago ni Ralph. “Hindi naman na bawal dahil nasa tama na ang lahat.”

“Jasmine,” sagot ni Ralph matapos ang ilang segundong katahimikan. “I’m getting married.”

Napakurap si Jasmine, pilit na iniintindi ang narinig. Inulit niya ang tanong, umaasang baka nagkamali lang siya ng dinig. Pero agad niyang nabasa ang totoo sa mukha ni Ralph—walang bakas ng pagbabago, walang panghihinayang.

Hindi siya ang babaeng pakakasalan.

“Anong... ibig mong sabihin, Ralph?” mahina ngunit nanginginig ang kanyang tinig.

Napaatras siya ng kaunti, habang lumalapit si Ralph. Hanggang sa tumama ang likod niya sa pader. Wala pa ring emosyon sa mukha ni Ralph, pero bahagyang nakangiti ito—isang ngiting may bahid ng pagkapanalo.

“Matagal nang may magandang pagtingin sa akin ang General,” simula ni Ralph. “Isang taon na kaming nagde-date ng anak niya. Sa pamamagitan ng kasal namin, mas makakalipad ako nang mas mataas, Jasmine.”

“Hindi... Ralph...” Halos mapunit ang laylayan ng suot niyang pulang damit sa higpit ng pagkakakapit niya. Nanginginig ang mga kamay niyang pilit hinahawakang buo ang sarili. “Hindi mo puwedeng gawin ‘to sa’kin…”

Hinawakan ni Ralph ang magkabilang balikat ni Jasmine, mahigpit ngunit walang galit.

“Alam kong marami kang naitulong sa akin. Pero Jasmine, pera lang ‘yon. At kahit kailan... hindi ka kasing taas nino man.”

Nanlaki ang mga mata ni Jasmine sa narinig. “Ako ang dahilan kung bakit ka napunta sa position mo ngayon.”

Napatawa si Ralph, tuyong-tuyo ang tunog. “Sabihin na lang nating kahit papaano, may dugong mayaman pa rin ako—kahit anak lang ako sa labas.”

Wala nang nasabi si Jasmine. Tila nawalan siya ng boses sa gulat at pagkadismaya. Maya-maya, parang may naalala siya, kaya iniunat ang palad.

“Give it back to me.”

Alam ni Ralph kung ano ang tinutukoy niya—ang dokumento ng Deniz Merchants at ang kapangyarihang ibinigay niya para maging representative ng kompanya. Pero hindi ito sumunod. Sa halip, sinubukan niyang maging maamo ang boses.

“Jasmine, makinig ka muna. Hindi ko naman sinasabing iiwan kita. Magiging ganoon pa rin tayo gaya ng dati. Sa simula lang mahirap, pero kapag ayos na ang lahat… bibisita pa rin ako sa’yo paminsan-minsan.”

“So, gagawin mo akong kabit?” garalgal ang boses ni Jasmine, habang lumuluha na ang kanyang mga mata.

Tumingin sa kanya si Ralph, malamig ang mga mata.

“You don’t like it? That’s the best you can do.”

Umiling si Jasmine, desperadong humihingi ng kaunting awa. “Ralph, hindi mo pwedeng gawin ’to sa’kin. Isipin mo naman lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa’yo—lahat ng isinakripisyo ko—”

“Alam ko. Alam na alam ko. Ikaw pa nga ang nagpagawa ng pintuang ’yan, ‘di ba?” Tumango siya sa kurtinang tumatakip sa isang pintuan. “We were the only ones using that door.”

Lihim na lagusan iyon na ipinatayo ni Jasmine para mapanatiling lihim ang pagdalaw ni Ralph. Wala dapat makaalam sa relasyon nila. Hindi lang dahil sa pagkakaiba ng estado, kundi dahil ayaw ng pamilya niya kay Ralph.

“Alam mo lahat ‘yon… Ralph, ibalik mo na sa’kin ang document. Hindi ko ’yon kayang ibigay nang tuluyan!”

Sinubukan ni Jasmine halughugin ang dibdib ni Ralph para kunin ang dokumento, pero agad siyang inawat nito at hinapit palapit.

“Shh. Jasmine. Ang lakas ng boses mo. Baka may makarinig sa labas.”

“Wala na akong pakialam—” napahikbi siya.

Agad tinakpan ni Ralph ang bibig niya. Mabilis ang kilos, mabigat ang katawan. Hindi siya makagalaw. Habang nakalapat ang katawan nila, marahan nitong hinaplos ang buhok niya, tila ba may lambing.

“Jasmine, my pretty Jasmine... You will always be the most beautiful woman to me. Wala silang panama sa ‘yo. Nakakalungkot lang talaga.”

Bahagyang nag-iba ang tono ng boses niya. Mas banayad, ngunit may halong pagnanasa. Hindi napansin agad ni Jasmine ang pagbabago sa mga mata nito—makintab, puno ng panganib.

“Kung sana pumayag ka na lang sa kondisyon ko para hindi ako mawala sa’yo…”

Biglang tumigil ang kanyang pagsasalita.

Napansin ni Jasmine ang pagbabago. May masama siyang kutob. Pilit niyang itinulak si Ralph.

“Bitawan mo ako! Ralph, ano—”

“Shh. Tumahimik ka.”

Mabilis na pinisil ni Ralph ang leeg niya gamit ang malaki niyang kamay. Pilit na nagpumiglas si Jasmine, lasing pa rin at nanghihina, pero wala siyang laban sa lakas nito.

Nanghihilakbot siyang tumitig kay Ralph, na ngumiti ng payapa habang nakatitig sa kanya.

“Ang ganda mo ngayon sa suot mong ‘yan, Jasmine.”

Napalutang na ang mga paa niya sa sahig. Namumula na ang mga ugat sa mata niya. Pilit pa rin siyang lumalaban, pero nanghihina na ang katawan niya.

“Gagamitin ko nang maayos ang mga iniwan mo sa akin. Lalo na ‘yang power of attorney. Don’t worry. I won’t waste it.”

Tahimik na bumulong si Ralph habang pinagmamasdan ang namimilipit na si Jasmine.

“To be honest, I’m sad. Walang ibang babaeng nakapagbigay sa’kin ng ganitong kasiyahan. Pero...”

Tumingin ito sa katawan ni Jasmine habang unti-unti nang nawawalan ng malay ang dalaga.

“Ngayon, sagabal ka na. Sorry, Jasmine. Kailangan mo nang mawala.”

Dahan-dahang bumagsak ang katawan ni Jasmine. Pumikit ang kanyang mata, patak ng luha ang huling lumabas sa kanyang bughaw na mga mata.

Inayos ni Ralph ang katawan niya, binalot ito sa kurtina, at binuksan ang tagong lagusan.

Tahimik siyang lumabas, pasan ang katawan ni Jasmine. Walang sinuman ang nakakaalam na bumisita siya rito ngayong gabi.

Wala, kundi silang dalawa lang.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
7 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status