Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo. Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito. Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan. Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot. Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?
View MorePagkalabas ni Hiraya mula sa Civil Affairs Bureau, medyo tulala pa rin ang kanyang mukha.
Tinitingnan niya ang pulang booklet sa kanyang kamay, at nang maalala niyang kakaselebra lang niya ng kanyang ika-22 kaarawan kamakailan, naisip niya na ang buhay ay parang isang pelikula, hindi mo aasahan ang mga susunod na mangyayari.
"Ihahatid na kita sa ospital." Ang nagsalita ay ang katabi ni Hiraya —ang kanyang asawa, si Nexus Watson.
Mas matangkad siya ng higit sa isang ulo kay Hiraya, mga 1.8 metro ang taas, nakasuot ng puting kamiseta, maong na pantalon, may maikling kulot na itim na buhok, suot ang salamin, maputi ang balat, at pino rin ang bawat parte ng kanyang mukha.
Kung panlabas na anyo lang ang pag-uusapan, talagang wala siyang masabi sa itsura ng kanyang asawa.
"Nasa card na ito ang isang milyong piso, iyon ang napagkasunduan natin. 031313 ang password ng villa. Ito ang numero ni Butler Tomas, pwede mo siyang kontakin kung may tanong ka. Siya rin ang bahala sa pang-araw-araw mong pangangailangan. Ito ang susi ng bahay. Nasa Building 101, Apartment No. 6, Bonifacio New District. Pwede mong ilipat ang mga gamit mo kung kailan mo gusto."
Tinitigan ni Hiraya ang itim na bank card at business card sa kanyang harapan, at sandaling natulala. Ilang araw lang ang nakalipas, nag-aalala pa siya tungkol sa gastusin sa ospital ng kanyang kapatid. Ngayon, bigla na lang siyang naging isang asawa ng mayamang negosyante?
"Bakit? May problema ba?" Napansin ni Nexus na kinuha lang ni Hiraya ang card. Tinaas nito ang kilay at bahagyang tumagilid ang ulo. "Masyado bang maliit ba ang pera? Sabihin mo lang para madagdagan ko. May international conference ako mamaya, kaya hindi na kita masasamahan."
"Hindi po sa ganon, sakto lang ito!" Agad na bumalik sa ulirat si Hiraya at masunuring kinuha ang bank card. "Sir Nexus, abala ka pa, sige na po. Kaya ko na ang sarili ko." Pagkatapos niyang sabihin ito, tinanggal niya ang seat belt, binuksan ang pinto ng passenger seat, at mabilis na bumaba.
Nang nakatayo na si Hiraya sa tabi ng kalsada, handang pagmasdan si Nexus habang umaalis, biglang bumaba ulit ang bintana ng itim na sports car. "Hindi mo ba kukunin ang gamit mo?”
Nang tiningnan niya ito nang mabuti, napagtanto niyang iyon pala ang marriage certificate na kakakuha lang nila.
"Ay oo nga pala! Salamat, pasensya na."
Habang pinapanood si Nexus na umalis, hindi napigilang buksan ulit ni Hiraya ang marriage certificate. Ang lalaki ay nasa early thirties, may makapal na kilay at mga matang parang bituin, mas gwapo pa kaysa sa mga sikat na artistang napapanood niya.
Ang kanyang kamiseta ay nagpapalabas ng mas mataas at marangal na aura habang katabi si Hiraya na di hamak na mas maliit sa kanya.
"Ayos ka rin naman pala, Nexus Watson."
Pagkababa sa sasakyan ni Nexus, agad na nag-book ng taxi si Hiraya papunta sa ospital para dalawin ang kanyang kapatid.
Naabutan niya si Hunter ay nakaupo sa kama habang nagbabasa. Bagama't tagsibol pa lang, may suot siyang puting sumbrero. Maputi ang kanyang balat, at sa ilalim ng araw, mukha siyang larawang iginuhit.
Sa tabi ni Hunter ay may nakaupong isang babaeng naka-puting bestida na may maamong itsura. Nakikipag kwentuhan at tawanan.
"Ate!" Napansin ni Hunter si Hiraya sa may pintuan at agad na ngumiti. Lumapit si Hiraya ng nakangiti rin at inilapag ang biniling cake sa tabi ng kama.
"Hello, Ate Hiraya, may kailangan pa akong asikasuhin kaya mauna na ako. Hinintay lang kitang makabalik.”
"Ay, kararating ko lang, Nana, bakit alis ka na agad?" Si Nathalia o Nana ay kaklase ni Hunter. Magkasama sila mula high school at pareho ring pumasok sa iisang unibersidad.
Noong unang ma-ospital si Hunter, madalas din siyang dalawin ni Nana.
"Kaarawan kasi ni Lolo ngayon, kaya kailangan kong umuwi agad." Nang makita ni Hiraya na abala si Nana, hindi na siya nagpumilit.
Nang sila na lang magkapatid ang naiwan sa silid, tiningnan ni Hiraya si Hunter na may mapagbirong tingin.
"Syota mo?"
"Ate, huwag kang ganyan, magkaibigan lang kami." Pero ang pulang tainga ni Hunter ay nagsabi ng totoo.
"Hindi ako naniniwala." Umupo si Hiraya sa tabi ng kanyang kapatid, "May magandang balita ako para sa 'yo. Nabenta na ang comics ko! Ang laki ng kinita ko —isang milyon!"
“Magandang umaga, Jaze.” Masayang binati ni Sonya si Jaze.Hindi tulad ng kasiyahan ni Sonya, normal lang ang mood ni Jaze. Pero mabait pa rin niyang sinabing “Magandang umaga.”Pagkatapos ay pumunta siya sa hapag-kainan, umupo sa parehong mesa ni Sonya, at nagsimulang kumain.Simula nang magkaroon siya ng malay, nakikita na niya si Sonya. Magkakasama na sila nang “maraming taon”, pero hindi niya talaga kayang magustuhan si Sonya.Ayaw niya sa mga tanga. At sakto, isa ngang hangal si Sonya.Noong bumalik sila ng Pilipinas, dahil hindi isinama ng kanyang ama si Sonya, inisip niyang makakawala na siya sa tanga na babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na sa huli, susundan pa rin sila nito.Noong nakita niya ito kagabi sa sala, halos mabaliw na si Jaze. Pakiramdam niya, sobrang makulit at nakakabit talaga ang babaeng ito.“Bakit parang hindi ka masaya? Ayaw mo bang pumasok sa kindergarten?” Tanong ni Sonya kay Jaze, pilit naghahanap ng paksa.Pero sa mata ni Jaze, kahit ang ngiti nito ay
Ang ginawa ni Jaze ay nagpahinto kay Sonya, at ang ngiti sa kanyang mukha ay agad na naglaho.“Pagod na ang bata.” Walang emosyon na sinabi iyon ni Franz habang nakatingin kay Sonya, na parang binibigyan siya ng palusot. Pagkatapos ay lumingon siya at tinawag ang nasa silid katabi nila.“Yaya.”Maya-maya, isang babaeng nasa limampung taong gulang na ang lumabas at lumapit sa tatlo.“Ipaligo mo si Jaze, tapos patulugin mo siya.”Tumango ang katulong. Lumingon pa si jaze sa kanyang ama, tila may gusto pang sabihin, pero sa huli ay pinahid lang niya ang kanyang mga mata at saka humiga sa balikat ng katulong.Kinagabihan, lumabas si Franz mula sa banyo at nadatnan si Sonya na nakahiga na sa kama, nakasuot ng pajama.Ang babae ay nakasuot ng puting silk na pajama, ang maitim niyang kulot na buhok ay nakalugay sa balikat, makinis ang balat, pinong-pino ang mga tampok sa mukha, at habang nakahiga sa kama ay parang isang larawang buhay.Pero wala halos naging reaksyon si Franz nang makita iyo
Ilang minuto lang, sabay-sabay silang sumakay ng elevator papuntang parking lot. Paglabas nila, ilang hakbang lang at narating nila ang sasakyan ng lalaki.Hindi sensitibo si Hiraya sa mga kotse, pero dahil kay Nexus, medyo natuto siyang kumilala ng ilang luxury car brands. At oo—luxury car nga ang dala ng lalaking ito.So, nakatulong pala siya hindi lang sa isang bata, kundi pati na rin sa isang mayamang pamilya…Tahimik siyang sumakay sa likod kasama ang bata, maingat na isininturon ang bata, saka sinabi kung saan siya ihahatid.Medyo nagulat ang lalaki nang marinig ang lokasyon—kasi iyon pala ay isa rin sa mga fixed assets ng Wise Corporation.Habang nagmamaneho na siya, nakapagpasalamat nang maayos si Frnaz, “Salamat talaga sa dalawang beses na pagtulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko alam ang magiging kahihinatnan.”Medyo nahiya si Hiraya, “Wala po ’yon. Sakto lang na nakita ko siya. Kung sino mang makakita sa bata, siguradong tutulong din naman.”Gusto pa sana niyang sabih
"Okay lang po, Doktor. Puwede niyong ibigay kay Hunter ang pinakamagandang gamot at kagamitan. Kahit magkano, basta makababawas sa panganib ng operasyon, gastusin niyo po. Wala pong problema." Sa sandaling iyon, labis ang pasasalamat ni Hiraya sa pagdating ni Nexus sa buhay niya. Kung wala siya, baka hindi niya alam kung ano ang gagawin."May pera ako, hindi mahalaga kung magkano, basta mailigtas siya."Gustong itanong ng doktor kung saan kumukuha si Hiraya ng ganoon kalaking halaga, pero nang makita niya ang matatag na mga mata nito, hindi niya alam kung paano sisimulan.Nang lumabas si Hiraya mula sa opisina ng doktor, medyo tulala pa rin siya. Papadilim na ang gabi sa labas, at hindi niya alam kung bakit, pero bigla niyang naramdaman ang pait sa puso niya.Hindi niya napigilang kumuha ng sigarilyo mula sa bag at sindihan ito.Bago nagkasakit si Hunter, hindi man lang humihithit ng sigarilyo si Hiraya. Pero isang beses, sinubukan niya, at pakiramdam niya ay pansamantala itong nagpap
Mas matanda si Hiraya ng tatlong taon kay Hunter. Nang maglaon, nag-aral si Hiraya sa kolehiyo. Nagtitipid siya sa pamumuhay at nagtrabaho ng part-time. Bukod sa pag-aalaga sa kanilang dalawa, bumibili rin siya ng maraming bagay para kay hunter tuwing may pagkakataon.“Nasaan si /Nana?” Sa tuwing pumupunta noon si Hiraya, lagi niyang nakikita si Nana.“May kailangan siyang gawin sa paaralan ngayon, kaya baka mahuli siya,” sabi ni Hunter.Matagal nang alam ni Nana na magkaklase ang dalagita at si Hunter. Galing siya sa isang may-kayang pamilya at paborito siya ng kanilang mag-anak. Pero bata pa lang siya ay mahilig na siyang sumama kay Hunter.Nang magkasakit si Hunter, hindi agad nalaman ni Nana. Nang maglaon lang niya ito nalaman mula sa tagapayo ni Hunter na nagsabing huminto siya sa pag-aaral, saka niya nalaman ang nangyari. Mula noon, halos araw-araw ay dumadalaw si Nana sa ospital para samahan si Hunter.Umupo si Hiraya sa tabi ni Hunter, iniisip kung paano niya sasabihin kay Hun
Kalaunan, ayaw pa ring tanggapin ni Nexus. Kahit na-reject siya sa harap ng maraming tao, hinanap pa rin niya si Sonya para tanungin kung bakit.Pero pareho pa rin ang sagot ni Sonya—hindi niya kailanman nagustuhan si Nexus. Para sa kanya, simpleng magkaibigan lang sila.Hindi maunawaan ni Nexus. Pilit niyang inusisa, pero pareho pa rin ang sagot. At naaalala ni Liam na sa huling beses na nagkausap sila, napakatalim ng mga salitang binitiwan ni Sonya,“Huwag kang maging masyadong narcissistic para isipin na dahil ikaw ang tagapagmana ng pamilya miyo, lahat ng tao ay iibig at magkakagusto sa’yo. Para sa akin, isa ka lang ordinaryong tao. Pero ang akala mong dakilang paghabol at malalim mong damdamin ay nagdulot lang sa akin ng sobrang abala.”“Nakiusap ako, huwag ka nang lalapit sa akin.”Kaya sobrang tumatak kay Liam ang eksenang iyon dahil siya mismo ang naghanap kay Nexus noon. Hindi ma-contact ni Lola si Nexus, kaya siya ang tinawagan.Nagpakahirap pa siyang hanapin si Nexus sa ila
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments