Ahva POVKinabukasan, ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng nangyari kagabi. Sariwa pa ang kirot sa balikat, sa tagiliran, at lalo na sa isipan ko. Hindi man ako nabugbog nang todo ni Kara, pero damang-dama ko ang presensya ng isang taong kayang pumatay gamit lang ang galaw at titig.Nasa gilid ako ng cafeteria ngayon. Malapit sa hallway, kung saan hindi masyadong dumadaan ang students. Tahimik, at presko ang hangin dito. Doon ko nakita si Amon, nakasandal sa pader at mukhang matagal na akong hinihintay.“I was wondering when you’d come,” bungad niya nang nakangiti agad. Tinitigan pa niya ako. “Sobrang ganda mo ulit ngayon. Ganiyan ka palagi, bagay na bagay sa iyo,” puri pa niya kaya umirap ako.“Tigilan mo nga ako, masakit ang katawan ko sa nangyari kagabi,” sagot ko habang umupo sa katabing bench.Kahit naman tinatarayan ko siya, tila malaki pa rin ang paghanga niya sa akin. Ganitong-ganito ‘yung gusto kong maging tingin sa akin ni Tito Eryx. “She didn’t kill you,” sabi ni Amo
Ahva POVHindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong nararamdaman habang nakahiga ako sa kama ko. Parang may mga matang nakatingin sa akin, nanonood, naghihintay lang na atakihin ako. Sa ilang araw ko na sa Silent Fang, alam kong kapag ganito ang pakiramdam—hindi mo dapat balewalain.Maya maya, isang mahinang tunog ng pinto ang narinig ko. Hindi ‘yon pamilyar. Bumukas ang pinto—hindi puwersado, hindi rin basta pinasok. Parang sinadyang ipaalam sa akin na may paparating talaga.Pagtingin ko, nandoon si Kara Isidro. Nakatayo sa dilim, naka-all black, at parang walang bahid ng pagod kahit dis-oras na ng gabi. Sa likod niya, isa-isa nang pumasok ang iba pa sa top 10.Doon ako biglang napatayo.At mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makita ko si Penumbra—nakaupo sa sulok, may takip ang bibig, at nakatali ang kamay sa likod. Hindi siya mukhang nasaktan, pero halatang hindi siya makagalaw.“Kara,” sabi ko habang masama ang tingin sa kaniya. “Anong ibig sabihin nito?”Ngumisi siya. “Rel
Ahva POV“Oh, bakit umiiyak ka?” tanong agad ni Penumbra nang makita akong pumasok sa dorm namin. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya. Napabangon siya nang marinig niyang umiyak ako pagpasok sa loob.Hindi ako sumagot, hindi ko naman din masasabi sa kaniya ang dahilan.Tuluyan siyang bumangon para tabihan ako sa kama. “Sabihin mo, si Kara ‘to ano?” tanong pa niya pero umiling lang ako.“Hindi, about sa family ito,” pagsisinungaling ko na lang.“Akala ko ay may umaway na sa iyo sa labas,” sabi niya at saka siya bumalik sa kama niya. Hindi na siya nagtanong kasi alam niyang hindi pa puwedeng pag-usapan ang tungkol doon, bawal pa kasi pareho pa kaming hindi pasok sa top ten.“Sige, iiyak mo lang ‘yan, ganiyan talaga, normal sa isang pamilya ang nagkakaroon ng problema,” sabi pa niya. “Ako nga, heto, nahiga na. LBM lang pala ang magpapabagsak sa akin. Kanina pa ako pabalik-balik sa banyo, sobrang sumama na ang lagay ng tiyan ko,” sabi pa niya.Hindi ko na pinahaba ang pag-iyak ko. Na
Ahva POVHindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sumusunod ako kay Tito Eryx papunta sa opisina niya. Kanina, ang tapang-tapang ko kay Kara, pero kay Tito Eryx, grabe ang kaba ko.Siguro, dahil na rin sa tinatago ko sa kaniya na may nangyari na sa amin nung lasing ako.“Come in,” sabi niya habang binubuksan ang pinto ng office.Maayos talaga ang loob ng office niya. Walang masyadong kalat—parang siya, malinis sa katawan palagi.Umupo siya sa swivel chair niya at itinuro ang isa pang upuan sa harapan ng desk niya. Umupo ako, dahan-dahan, habang pilit kong pinapakalma ang sarili. Naiisip ko kasi na baka niya ako pinapunta rito ay dahil may idea na siya sa nangyari sa amin.“I have something to tell you,” he started. “You’ve made it to the top 30, Peachy.”Nakahinga ako ng maluwag kasi ibang dahilan naman pala ang pagtawag niya sa akin.“You’ve earned a reward from the school. Cash incentive. Twenty thousand pesos.”“Wow,” napangiti ako kahit medyo nanginginig pa
Ahva POVWalang pasok ngayon. Walang training. Walang rankings. Pero hindi ibig sabihin ay walang kaganapan. Sa Silent Fang School, kahit ang mga araw na walang klase ay puno ng mga kakaibang kaganapan. Ngayong araw, ang tinatawag nilang Sandata Festival.Isang beses sa isang taon lang daw ito nangyayari. Isang buong araw itong magaganap na kung saan bukas sa mga estudyante ang arena para mamili ng mga sandata mula sa mga kilalang mafia boss sa buong mundo. Mga tunay na gamit sa mga madugong laban. Kaya naman gusto naming tumingin ni Penumbra.Kasama ko si Penumbra na pumunta doon. Chill na chill ang lahat ngayon, siyempre, ganoon din kami ng dormmate at bff ko.Pagpasok namin sa grand hall ng festival, sumalubong agad ang amoy ng langis, metal, at usok ng paputok. May mga tents, booths, at floating displays. Sa paligid, puro mga estudyanteng mukhang naghahanap ng the one — ang sandatang swak sa kanilang istilo.“Look at that curved blade. It’s got the mark of the Yamamoto clan,” sabi
Eryx POVMasakit ang ulo ko dahil maaga akong nagising, tapos madaling-araw na nakatulog dahil sa madaling-araw na online meeting ko sa mga business partner ko sa ibang bansa. May mga ganitong pagkakataon talaga, bilang mafia boss, sanay ako sa ganitong gawain.Minsan, iritado ako kapag mali ang gising. Ewan ko kung dahil ba sa init ng panahon ngayon, o dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng pag-angat ni Ahva sa ranking. Rank 30 na agad siya? Hindi malayong matalo ako sa pustahan namin ni Miro kapag ganito siya kabilis.Ngayong umaga, may naisip ako para makita ko kung talagang may bangs ba si Ahva. Gusto ko na rin talagang makita at malaman kung sino ang naka-bangs na student na naikama ko nung lasing ako.Habang nagkakape, nakaharap ako ngayon sa monitor ng laptop ko dito sa office ko. Hinanap ko ang CCTV camera na naka-assign sa dorm nila ni Penumbra. Nang makita ko na ‘yon, agad ko nang pinindot.“Let’s see,” mahina kong bulong, habang nilalakihan ko ang screen.Sa unang