Ahva POVTwo days walang pasok sa school. Ayoko namang mag-relax at tumunganga lang, time is gold, gusto kong paghandaan nang mabuti ang top ten sa schoolImbes na itulog ko o i-gala lang ‘to gaya ng ibang studyante, sinadya kong puntahan sina Tito Sorin, Tito Zuko, at si Ramil.Hindi kai ako mapakali. Hindi ako makapag-relax habang iniisip ko na mas magaling sa akin ang top ten na student na iyon. Si Kara, dati nang magaling, relax-relax na lang. Kung tutuusin, naghihintay na lang siya na magharap kami at pabagsakin ako.Pero ang saya kasi kahit wala pa ako sa top ten, tinuturing na nila akong malakas.Kaya ngayon pa lang, gusto ko nang ihanda ang sarili ko.Kahit anong hirap. Kahit anong sakit, kakayanin ko basta pagdating ng araw na harapin ko sila, kayang-kaya ko na talaga sila.Pagkarating ko sa mansiyo nila Tito Sorin, una kong nakita ang ilan sa mga armadong lalaki na kasama niyang nag-aayos ng mga bakal sa training field.“Nandito ka pala, Ahva.” Si Tito Sorin ang unang bumati
Eryx POVNakatingala lang ako sa kisame ng kuwarto ko. Tumingin ako sa orasan, alas onse na ng gabi. Kapag ganitong oras, dapat tulog na ako, ew.Ang sarap pa namang matulog dahil masyado nang tahimik ang buong paligid. Tiyak din na mahimbing nang natutulog ang lahat.Malakas ang buga ng aircon kaya balot na balot ako ng kumot. Isa rin din dapat ito sa mga pampatulog ko, pero walang effect. Kahit gaano ko subukang ipikit ang mata ko, hindi mawala sa isipan ko ang eksenang ni Ahva kanina.Nakikitingin lang ako ng mga lumang sandata kanina. Hindi ko inaasahang pupunta siya roon. Ibang-ibang Ahva ang pinakita niya kanina. Maangas maglakad. Matapang at halos parang suplada kung titignan. Sigang-siga ang dating niya kanina.Hindi na niya tinago kanina ang full bangs niya at ‘yung kulay ng labi niya, na halos magpaiba talaga ng istura niya kanina.Dark red lipstick. Parang dugo. Parang apoy. Parang si Fela.Sumabay pa sa mga iniisip ko ang nangyari sa amin. Dito mismo sa kama na hinihigaan
Ahva POVKinabukasan, ramdam ko pa rin sa katawan ko ang bigat ng nangyari kagabi. Sariwa pa ang kirot sa balikat, sa tagiliran, at lalo na sa isipan ko. Hindi man ako nabugbog nang todo ni Kara, pero damang-dama ko ang presensya ng isang taong kayang pumatay gamit lang ang galaw at titig.Nasa gilid ako ng cafeteria ngayon. Malapit sa hallway, kung saan hindi masyadong dumadaan ang students. Tahimik, at presko ang hangin dito. Doon ko nakita si Amon, nakasandal sa pader at mukhang matagal na akong hinihintay.“I was wondering when you’d come,” bungad niya nang nakangiti agad. Tinitigan pa niya ako. “Sobrang ganda mo ulit ngayon. Ganiyan ka palagi, bagay na bagay sa iyo,” puri pa niya kaya umirap ako.“Tigilan mo nga ako, masakit ang katawan ko sa nangyari kagabi,” sagot ko habang umupo sa katabing bench.Kahit naman tinatarayan ko siya, tila malaki pa rin ang paghanga niya sa akin. Ganitong-ganito ‘yung gusto kong maging tingin sa akin ni Tito Eryx. “She didn’t kill you,” sabi ni Amo
Ahva POVHindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong nararamdaman habang nakahiga ako sa kama ko. Parang may mga matang nakatingin sa akin, nanonood, naghihintay lang na atakihin ako. Sa ilang araw ko na sa Silent Fang, alam kong kapag ganito ang pakiramdam—hindi mo dapat balewalain.Maya maya, isang mahinang tunog ng pinto ang narinig ko. Hindi ‘yon pamilyar. Bumukas ang pinto—hindi puwersado, hindi rin basta pinasok. Parang sinadyang ipaalam sa akin na may paparating talaga.Pagtingin ko, nandoon si Kara Isidro. Nakatayo sa dilim, naka-all black, at parang walang bahid ng pagod kahit dis-oras na ng gabi. Sa likod niya, isa-isa nang pumasok ang iba pa sa top 10.Doon ako biglang napatayo.At mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makita ko si Penumbra—nakaupo sa sulok, may takip ang bibig, at nakatali ang kamay sa likod. Hindi siya mukhang nasaktan, pero halatang hindi siya makagalaw.“Kara,” sabi ko habang masama ang tingin sa kaniya. “Anong ibig sabihin nito?”Ngumisi siya. “Rel
Ahva POV“Oh, bakit umiiyak ka?” tanong agad ni Penumbra nang makita akong pumasok sa dorm namin. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya. Napabangon siya nang marinig niyang umiyak ako pagpasok sa loob.Hindi ako sumagot, hindi ko naman din masasabi sa kaniya ang dahilan.Tuluyan siyang bumangon para tabihan ako sa kama. “Sabihin mo, si Kara ‘to ano?” tanong pa niya pero umiling lang ako.“Hindi, about sa family ito,” pagsisinungaling ko na lang.“Akala ko ay may umaway na sa iyo sa labas,” sabi niya at saka siya bumalik sa kama niya. Hindi na siya nagtanong kasi alam niyang hindi pa puwedeng pag-usapan ang tungkol doon, bawal pa kasi pareho pa kaming hindi pasok sa top ten.“Sige, iiyak mo lang ‘yan, ganiyan talaga, normal sa isang pamilya ang nagkakaroon ng problema,” sabi pa niya. “Ako nga, heto, nahiga na. LBM lang pala ang magpapabagsak sa akin. Kanina pa ako pabalik-balik sa banyo, sobrang sumama na ang lagay ng tiyan ko,” sabi pa niya.Hindi ko na pinahaba ang pag-iyak ko. Na
Ahva POVHindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sumusunod ako kay Tito Eryx papunta sa opisina niya. Kanina, ang tapang-tapang ko kay Kara, pero kay Tito Eryx, grabe ang kaba ko.Siguro, dahil na rin sa tinatago ko sa kaniya na may nangyari na sa amin nung lasing ako.“Come in,” sabi niya habang binubuksan ang pinto ng office.Maayos talaga ang loob ng office niya. Walang masyadong kalat—parang siya, malinis sa katawan palagi.Umupo siya sa swivel chair niya at itinuro ang isa pang upuan sa harapan ng desk niya. Umupo ako, dahan-dahan, habang pilit kong pinapakalma ang sarili. Naiisip ko kasi na baka niya ako pinapunta rito ay dahil may idea na siya sa nangyari sa amin.“I have something to tell you,” he started. “You’ve made it to the top 30, Peachy.”Nakahinga ako ng maluwag kasi ibang dahilan naman pala ang pagtawag niya sa akin.“You’ve earned a reward from the school. Cash incentive. Twenty thousand pesos.”“Wow,” napangiti ako kahit medyo nanginginig pa