Share

CHAPTER 7: JEALOUS

Author: Ms_rainism
last update Last Updated: 2024-05-02 23:51:48

SA LOOB ng isang eksklusibong gym ay makikita si Bellatrix na seryosong-seryoso sa kaniyang ginagawa. Nasa loob siya ng boxing ring habang nag-e-ensayo siya kasama ang isang kaibigang lalaki. Ito naman ang umaakto bilang tagasalo ng mga suntok ni Bellatrix.

“Why are you so grumpy, Bellatrix?” nakangiwing tanong ng lalaking kaibigan ni Bellatrix. Napalakas kasi ang huling suntok ni Bellatrix kaya sumakit ang kamay nito sa impact.

“Ha? Kailan? Maayos ako ’no,” sagot naman ni Bellatrix. Ngumuso siya at tumalikod para kunin ang tumbler at face towel nito sa gilid. Inalis niya ang suot na gloves. Nagpunas siya at sumandal sa harang na tinatawag nilang ring. Lumapit sa kaniya ang kaibigan at saka uminom din sa sariling tumbler.

“Is there any problem?” tanong nito sa kaniya. Napabuga ng hininga si Bellatrix matapos isara ang tumbler.

“Ayos nga lang ako, Yhuno,” tugon niya sa kaibigan. Nakatanaw siya sa mga iba na nasa treadmill habang pinupunasan ang katawan nito. Halata kasi ang kaniyang pawis dahil nakasuot lang ito ng sports bra at shorts.

“Is it because of your cuts on your arms?” pang-uusisa pa ni Yhuno. Tinitignan nito ang braso ni Bellatrix na kung saan ay maraming mga sugat at kalmot dahil sa nangyari kahapon.

Hinarap siya ni Bellatrix at saka binato rito ang kaniyang pinagpunasang towel. Sinalo iyon ni Yhuno para hindi ito tumama sa kaniyang mukha. Pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin na may nakakadiring ekspresyon. Natawa lamang si Bellatrix at saka naunang tumalikod para bumaba na.

“That was a dirty move, Bella!” sigaw ni Yhuno saka hinabol si Bellatrix. Dala niya ang kaniyang gamit kasama ang mga towel. Humalakhak lang si Bellatrix kaya nahawa na rin si Yhuno. Pinagtitinginan naman sila ng mga taong nadadaanan nila. Ang mga lalaki ay kay Bellatrix nakatingin, habang ang mga kababaihan ay kay Yhuno.

Si Yhuno kasi ay isang half Chinese. Singkit, maputi, matangkad, at may refreshing charms na hatid ang kaniyang gwapong mukha. Dahil doon ay maraming mga babae ang nabibighani niya sa isang ngiti pa lang.

“Hindi naman mabaho! Maka-react ka naman,” pang-aasar pa ni Bellatrix. Patungo na siya sa locker area ng mga babae ngunit nakasunod pa rin si Yhuno sa kaniya.

“But it was still full of bacteria and germs!” nandidiring pahayag ni Yhuno. Nang makakita ng basurahan ay agad niyang tinapon doon ang pawisang twalya. Habang si Bellatrix naman ay napaawang ang bibig sa nakita. Nang bumalik si Yhuno ay agad niya itong hinampas sa braso nito.

“Sana binigay mo na lang sa akin! Sayang tuloy!” nakasimangot niyang sabi habang nakatingin pa rin sa basurahan.

Ngumiwi naman si Yhuno. “I can just buy you a new pack of it, Bella. In any different colors if you want,” ngising turan ni Yhuno at saka kumindat kay Bellatrix. Suminghal siya at saka tinuro kung saan sila nakatayo.

“Gusto mo bang sundan pa rin ako hanggang dito?” nakangisi niyang sabi, nakaduro sa sign sa taas ng pader na may nakasulat na for women only. Doon lang napansin ni Yhuno kung nasaan sila. Nasa may bukana pa lang naman sila pero pinagtitinginan na si Yhuno. At dahil sa pagiging chinito ay namula ang tainga nito.

“You didn’t even tell me where we are,” kunwaring nagtatampong sabi niya bago tumalikod. Naiiling ding tumalikod si Bellatrix para makapag-shower na. Pagpasok sa isang cubicle ay mabilis siyang naligo roon.

***

Pagkayari ng kalahating oras ay natapos na rin si Bellatrix. Nakapag-bihis na rin siya sa loob. Ang suot niya ngayon ay itim na baggy jeans at puting long sleeve na oversized. Kahit na medyo mainit ay nag-long sleeve pa rin siya para hindi makita ng iba ang mga sugat nito sa braso. Pagkatapos namang mag-blow dry ng buhok ay saka siya naglagay ng makeup sa mukha nito. Light na makeup lang ang nilagay niya dahil nasa labas naman siya. Hindi gaya sa tuwing nasa trabaho siya na laging mga dark makeups ang nasa mukha niya.

Sa huling spray ng pabango ay lumabas na siya sa women’s wash area. Hinanap nito roon sa labas si Yhuno na agad niya namang namataan. Pinapalibutan kasi ito ng mga kababaihan na mukhang interesado sa mga sinasabi niya. Napa-irap si Bellatrix bago ito naglakad palapit sa kanila. Malakas siyang tumikhim kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat. Ngumisi siya at tinignan si Yhuno.

“Let’s go, Yhuno,” nakangiting tawag niya rito. Napamaang naman si Yhuno. Humalukipkip si Bellatrix at saka nagtaas ng kilay rito na nagpapahiwatig na isa itong babala. Natauhan si Yhuno at saka tumayo para lapitan si Bellatrix.

“Sorry, girls. We have to go,” nakangising paalam ni Yhuno sa mga babae. Kinilig sila at may ilang tumili pa nang kumaway pa si Yhuno sa kanila bago ito tuluyang magpatianod sa katabing si Bellatrix.

Umiling naman si Bellatrix. “Hilig mo talagang pagpakilig ng babae, Yhuno. Tapos hindi mo lang sila maaalala mamaya,” dimayadong turan niya. Natawa si Yhuno at saka pabirong inakbayan si Bellatrix.

Akmang magsasalitang muli si Yhuno pero napansin nito na ang pagkakatigil ni Bellatrix. Nanlalaki ang mata nito at nakaawang ang mga labi. Nang tignan niya kung sino ang kanilang kaharap ay napangisi siya.

“Colter, dude! You’re here!” aniya nang makilala ito. Nakangisi siya na parang nasisiyahan sa kaharap, ngunit si Bellatrix naman ay parang tinakasan ng dugo. Habang si Colter ay nakatayo lang doon habang matalim ang tingin kay Yhuno.

“Of course I will be here. This is our hotel, if you had forgotten it already,” mariing tugon ni Colter. Nakasuot siya ng plain na itim na t-shirt at itim ding gym shorts. Salungat ito sa puting sleeveless na suot ni Yhuno at denim pants.

Natawa naman si Yhuno at mas hinapit pa si Bellatrix sa kaniyang bisig. Nakita iyon ni Colter kaya mas sumama pa ang timpla ng kaniyang mukha. Napansin naman iyon ni Bellatrix na nanlalamig na sa kaba. Ramdam niyang namawis siya bigla kahit na hindi pa sila nakakaalis sa loob ng air conditioned gym.

“I know that this is your hotel. Of course I won’t forget it. Why would I even forget our enem? Right?” nakangising wika ni Yhuno. Mas lumiit pa ang singkit nitong mata. Dahil gaya nila Colter ay mayroon din silang hotel business na kung saan ay mainit na magkalaban ang kanilang mga hotel sa buong bansa.

Hindi na sumagot pa si Colter bagkus ay bumaba ang tingin nito kay Bellatrix na inaakbayan pa rin ni Yhuno hanggang ngayon. Lalong kumunot ang noo nito habang nakatitig sa nakapulupot na kamay ni Yhuno. Parang may pulang lazer lights ang lumalabas sa kaniyang mata na tumatawa sa mga kamay ni Yhuno.

Mahinang natawa si Bellatrix para mawala ang tensyon. Kahit na kabado siya ay nagawa niya pa ring maging tunog normal ang tawa niya. Magsasalita na sana siya nang maunahan ni Colter.

“Why are you with him?” mariin na tanong ni Colter. Bumuka ang bibig ni Bellatrix para sana magsalita pero walang lumabas doon. Hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Colter.

“Why won’t she be with me, Marquis? You don’t know her or at least own her for you to ask that,” nakangisi pa rin si Yhuno. Humarap sa kaniya si Colter na halatang nababanas na ito sa presensya ni Yhuno.

“Did I even asked you? I was talking to Trixie, not you, you idi*t!” marahang wika niya at saka binalingan si Bellatrix na kanina pang pabalik-balik ang tingin sa dalawa. Nang magtama ang kanilang mata ay napataas siya ng kilay.

“Trixie?” natatawang tanong ni Yhuno at saka sinulyapan si Bellatrix. “Bella? Why is he calling you that?” tanong niya rito.

“My work name, remember?” tugon ni Bellatrix. Napahilot siya sa sentido. Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari sa araw na ito. Na makikita niya si Colter dito habang kasama niya si Yhuno.

Napatango naman si Yhuno at saka humalakhak. Napahinga na lang ng malalim si Bellatrix at saka tinignan si Colter na titig na titig sa kaniya. Mabigat ang ginagawad nitong tingin sa kaniya na pakiramdam niya ay pinapalambot nito ang kaniyang tuhod. Umiling siya at hinila na ang kamay ni Yhuno.

“Aalis na kami,” paalam niya kay Colter sa pag-aakalang hahayaan siya nito. Subalit hindi pa man sila nakakahakbang palayo ay nahatak na agad siya ni Colter palapit sa kaniyang dibdib.

Napasinghap sa gulat si Bellatrix nang tumama siya sa matigas katawan ni Colter. Naamoy niya rin ang pabango ni Colter na agad niyang nagustuhan. Bahagya siyang kumalma, pero nang makita ang naiinis na itsura ni Yhuno ay kinabahan na naman siya.

“Well, uh. . .” sambit ni Bellatrix. Sinusubukan niyang magpaliwanag pero hindi niya alam ang sasabihin.

Nilapit pa siya ni Colter sa tabi nito. “Let’s go, Trix. I don’t want to see his face,” aniya at saka hinila ang kamay ni Bellatrix. Wala siyang nagawa kundi sumama kay Colter. Lito pa siya sa nangyayari.

Iniwan nila si Yhuno sa gym at saka sila sumakay sa elevator. Doon lang napagtanto ni Bellatrix ang nangyayari.

“Colter, I need to go back down,” pahayag ni Bellatrix. Akma niyang pipindutin ang button para bumukas ang elevator pero hinuli agad ni Colter ang kaniyang kamay.

“What for? Can’t you see that I’m jealous of him?” pagalit na sabi ni Colter.

Napatanga si Bellatrix at gulat sa tinuran ni Colter.

“He’s. . . jealous of Yhuno?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing The Billionaire’s Son   CHAPTER 27: VAULT

    “ANG AGA-AGA, ano’ng problema mo, Miss Secretary?” taas-kilay na tanong ni Bellatrix habang nakahalukipkip pa rin para inisin lalo si Galia at ang mga alipores nito.Tumaas naman ang kilay ni Galia. “Ikaw. Dumating ka lang at inaahas mo na agad si Reven,” aniya na siyang nagpakunot sa noo ni Bellatrix. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito sa sinabi ni Galia. Hindi niya alam kung paano nasali si Reven sa gulo.“What? You’ll pretend like it’s not true?” mapang-uyam na asik ni Galia at saka siya tumingin sa kaniyang mga kasama. Malakas din ang mga pagkakasabi niya, dahilan para marinig ng ibang dumaraan. “See? Tignan niyo ang babaeng ito na dinala ni Sir Colter dito sa kompanya. Isang ahas. Hindi na makuntento sa pang-aakit kay Sir Colter at sinusunod pa si Sir Reven. You heard that, people?!” malakas na pahayag ni Galia sa gitna na para bang isang politikong nangangampanya para makuha ang tiwala ng masa. Napairap naman sa inis si Bellatrix. Nilibot niya ang tingin sa paligid na mas l

  • Seducing The Billionaire’s Son   CHAPTER 26: PROUD AND HIGH

    BAGO PA MAN magising si Colter ay umalis na agad si Bellatrix sa penthouse nito. Nag-iwan lang siya ng sticky notes at nilagay ito sa bedside table niya. Nagluto na rin muna siya ng almusal ni Colter para iinitin na lang ni Colter ito sa microwave oven mamaya. Habang binabagtas naman ang daan papunta sa kanilang apartment ay malalim na nag-iisip si Bellatrix. Pinapagalitan niya rin ang sarili dahil parang lumilihis na raw siya sa tunay na plano nito. “Grateful ako sa mga ginawa niya sa akin. Pero dapat hanggang doon lang. Hindi dapat ako maging selfish. Para sa hustisya ni mama, gagawin ko ang lahat. Kaya bawal akong magkamali,” seryosong aniya. Itinatatak niya ito sa kaniyang isipan para araw-araw niyang maalala ito. Kung bakit siya nasa mga Marquis . . . Kung bakit siya nasa tabi ni Colter. Nang makarating sa apartment ay nagulat si Jie nang makita si Bellatrix. “Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” nagtatakang tanong niya habang nakapamaywang ito na nakatayo sa gilid ng sofa

  • Seducing The Billionaire’s Son   CHAPTER 25: UNKNOWN TEXT MESSAGE

    NAKARATING na sa itaas sina Bellatrix at Colter. Nasa loob sila ng silid kung saan sila unang nagtalik na dalawa. At kagaya lang noon ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at ang liwanag lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kanila. “C-Colter,” halinghing ni Bellatrix. Nasa kama sila at nakapaibabaw naman siya sa kandungan ni Colter habang nakaupo sila. Nawawala na sa wisyo si Bellatrix habang hawak ang batok ni Colter na abala sa pagpapaligaya sa kaniya. Nadarama din niya ang kahabaan ni Colter na tumutusok sa kaniyang pagkababae. “Hmm?” ani Colter habang nasa leeg siya ni Bellatrix. Hinahalikan at sinisipsip niya ito. Tumingala naman siya habang dinadama ang mga kiliting ginagawad ni Colter.“Le-Let’s do it. P-Please,” nanginginig na pakiusap ni Bellatrix habang ginigiling ang kaniyang baywang para ikiskis ang sarili kay Colter. Kalat na kalat na ang nakakapasong init sa kaniyang buong katawan, lalo sa gitna niya na pumipintig na sa pagnanasang maramdamang muli ang kahabaan ni Colter

  • Seducing The Billionaire’s Son   CHAPTER 24: WILDFLOWER

    SA GITNA NG GABI, magkasamang kumakain sina Colter at Bellatrix sa isang lamesa habang magkaharapan sila. Hindi pa rin humuhupa ang mga tunog ng piano at violin sa speaker, pero mahina naman ang mga ito kaya’t hindi na pinahinto ni Bellatrix.“Here, have some polpette,” ani Colter at saka iniabot ang isang plato nito kay Bellatrix, “It’s an Italian dish, or meatballs to be exact. It’s delicious,” nakangising dagdag nito habang pinapanood si Bellatrix na naglalagay niyon sa kaniyang plato. Nang tikman niya na ay napatango siya dahil tama si Colter.“Try the quesadillas,” ani Colter at saka inabot ito kay Bellatrix. Pagkatapos ng isang subo ay may bago na namang iniabot si Colter.“That Lasagna is the best,” dagdag niya habang pinapanood na kumain si Bellatrix. Pagkatapos lunukin ang pagkain ay nakita niyang aambang muli si Colter na kumuha ng panibagong plato. Pinigilan niya agad ito.“Tama na, ako ang mamimili ng kakainin ko. Pinapataba mo naman ako! Kumain ka na lang din diyan ng tah

  • Seducing The Billionaire’s Son   CHAPTER 23: SAY SORRY

    SA IKATLONG PALAPAG, makikitang nakasimangot si Bellatrix habang namamahinga sa kaniyang upuan. Malapit na rin silang mag-out sa trabaho kaya’t marami na ang naghahandang umalis.“Bellatrix? Hindi ka pa mag-aayos ng gamit mo?” tanong noong katabing babae ni Bellatrix na si Roxanne. Ito ang naging kaibigan niya dahil siya ang palaging tumutulong kay Bellatrix kapag may hindi siya alam.“Kaunti lang naman ang dala ko. Hintayin na lang kitang matapos,” nakangiting sagot ni Bellatrix. Pumayag naman ito at naglinis ng lamesa. Bumalik naman agad si Bellatrix sa pagsimangot.“Tss, wala naman akong ginawa. Puro print at encode lang. Gusto ko sanang gumawa ng report,” pagkausap niya sa sarili habang pinapanood ang ibang mga empleyado. Karamihan sa kanila ay ramdam ang pagod dahil sa buong araw na pag-upo at pagpindot sa keyboard. “May kinalaman kaya ’yung lalaking ’yun?” bagot niyang tanong, tinutukoy si Colter. Suminghal pa siya nang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Ni hindi man lang s

  • Seducing The Billionaire’s Son   CHAPTER 22: SHE'S JEALOUS

    “PLEASE clean this area as well,” utos ni Colter sa janitor. Natapon kasi ang tubig sa sahig dahil nahagip niya ang pinag-iinumang baso. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog.“Ah, Sir! Ako na po ang magtatapon niyan!” tarantang saad noong janitor nang makitang itatapon ni Colter ang mga bubog galing sa nabasag na baso. Umiling naman si Colter. “Nah, I could do it,” aniya at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan. Nagpunta siya saglit sa restroom para maghugas ng kamay. Nang natapos ay bumalik siya sa kaniyang lamesa. Namataan na naman ni Colter ang mga tirang ulam na hindi niya naubos kanina. Tinignan niya naman ang janitor na nakangiting nagtatrapo sa sahig.“You can eat all of this when you’re done,” sambit niya rito, tinutukoy ang mga pagkaing hindi niya halos nagalaw. Napatingin naman ang janitor sa kaniya at saka napakamot sa ulo.“Ah, Sir, busog na po kasi ako. Binigyan kasi ako ng dalawang siopao, iced coffee, at saka juice noong bagong babaeng empleyado rito. Bibigyan ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status