Binaba niya ang hawak niyang stick na tila toothpick ng maliit na cupcake at hinarap ang Ace Caleb Sansmith na ito na talagang iba ang titig sa kaniya.
Dalawang taon na ang lumipas pero ang paraan ng pagtingin talaga nito sa kaniya tila hindi nagbago. Dark eyes na punong-puno ng pagnanasa sa kaniyang ganda't alindog lalo na ngayon na makikita ang upper part ng dibdib niya at talagang naroon ang mga mata nito nakatutok.Binaliwala niya ang mukha nitong tila ginuhit, gwapo, makapal ang kilay na may maayos na hibla pero sa hugis nito, naging masungit ang dating ng mukha nito pero mas nakikita niya ang yabang.Tumaas pa ang sulok ng manly red lips nito at ang totoo niyan, iyon din ang isa sa hinahangaan niya rito; labi, mata at ilong.Ngunit anong magagawa ng gwapong mukha nito kung bástós ang ugali? "Kung balak mo akong bastusin na naman, huwag mo nang ituloy, baka biglang malaman ng lahat kung bakit ba talaga ako umalis at tinalikuran ko ang scholarship ko kay Auntie Belle," hamon niya.Kumurbang letrang O ang mga labi nito na kunwari bumilib sa tapang niya. "I'm scared huh." Ace cocked his head to the side. "Just try, tingnan natin kung maniniwala sila."Pinitik nito ang sariling baba patunay na masyado itong gwapo sa mata ng iba upang habulin siya.Ibig sabihin, 90% walang may maniniwala sa kaniya, dahil maliban sa gwapo ito, mayaman pa at talagang tagapagmana ng ari-arian ng mga Sansmith. Sino ba siya para habulin, right?Kumulo na naman ang dugo niya at umiwas na lang ng tingin tanda nang pagsuko.Nagpasya na lang siyang tumalikod upang umalis pero hinawakan siya ng lalaki sa braso upang pigilan at mahigpit iyon. "At saan ka pupunta? Hindi mo ako pwedeng takasan ulit. Stay...and behave."Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya at magkakasalubong ang mga kilay na tiningnan niya ito sa mga mata. Maya-maya pagak siyang napa-wow at sinabing, "So nanakot ka?"Tumaas ulit ang sulok ng labi nito. Humakbang palapit sa kaniya at talagang tumayo, na halos dikit na sa mukha niya ang dibdib nito. Wala siyang choice kundi tumingala na lang, matangkad kasi ang lalaking ito."Sa tingin mo ba nakakatakot iyong...hahalikan lang naman kita sa harap ng lahat kapag hindi mo ako kinausap ngayon? I'll tell them, you're my girlfriend."Ngumisi ito, iyong pogi na ngisi pero nang-aasar.Napatingin naman siya sa buong paligid—ramdam ang inis hindi lang para sa lalaki kundi para rin kay Celestia dahil ang tagal nitong bumalik. Nangangailangan siya ng tulong ngayon, lalo na't napaka-agresibo na naman nitong si Ace.Iniisip na lang niya, kapag sinabi ng lalaking ito na siya ang girlfriend, mas mahihirapan siyang umiwas at baka mas tumindi pa ang galit ni Avery sa kaniya kahit na mag-ex na lang ang dalawang ito. Hindi niya pwedeng hayaan iyon.She and Avery are sisters and Ace and that girl ay mag-ex. Hindi maganda tingnan kung siya at si Ace ay mag-commit for something sa mata ng iba, baka ipalabas pa ni Avery ang sitwasyon na isa siyang mang-aagaw.Huminga siya nang malalim at talagang ipit na ipit sa sitwasyon. Nagtanong na lang siya, "Kung mag-uusap tayo, tungkol naman sa ano?"May bahid na paghamon ang tanong niya, hinihiling na sana hindi nonsense at titingnan niya kung matino ba talaga ang topic na sisimulan nito.Pero ang sagot ng binata, "Regarding on how we should form my firstborn, what position do you want?"Napaawang ang mga labi niya, at halos maiiyak siya sa inis. Tumaas ang kamay niya upang sampalin sana ito pero mabilis nitong dinuro ang kamay niya at sinabing, "Try! Try! Just Try, Gwyneth." Ngumisi ito at inulit pa, "Try."Alam niya ang gagawin nito sa oras na ituloy niya ang pagsampal. Kaya sa harap ng daliri nitong nakatutok sa kamay niya, napakuyom siya ng kamao, kinukuyumos ang hangin dulot sa inis niyang walang paglalagyan.Nagtatagisan na lang ang mga ngipin niyang sinabi, "Wala ka talagang respeto. Hindi porke't mas marami ang pera mo kaysa sa akin."Tumayo ito ng tuwid at pinasok sa bulsa ang kamay, "That's the power of money.""Money is evil," she corrected.Umismid ito at sinabi na lang, "Since money is evil, is there anything you can do if I want you to be the mother of my firstborn?"She huffed, tumingin sa kung saan sandali at saka ito dinuro. "Maybe money is powerful to use, but don't underestimate my determination. You can't be the father of my firstborn!""Mark your word?" Ace cocked his head to the side animo'y nag-hahamon.She confirmed, "Mark my word." Tumango-tango siya sa inis."Let's see whose marked word is stronger. You will be the mother of my first born and you don't know what I will do, Gwyneth." Ace eyes flickered sa ilalim niya at sinabi pang, "That pússy is all mine. I'll claim that soon."Tumaas ang balahibo niya sa sinabi nito at ang mas nakakagulat pa dahil nang tumalikod ito, may sumalubong ritong babae at nakasunggaban ng labi. Sinabi pa ng babae, "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."Napanganga na lamang siya nang makilala kung sino iyon. Walang iba kundi si Avery Blaire Abernathy, her half sister. Sa inis niya nanginit na lang ang pisngi niya at hindi maiwasang mangilid ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Imagine, ipakilala siyang girlfriend sa lahat kung hindi niya ito kinausap tapos nagkabalikan pala ito at ang kapatid niya?How ásshóle!Lalo na't narinig pa niya ang sabi ni Ace rito, "Yeah, I'm talking to your sister, reminding her that I want her to be the mother of my firstborn."Isang luha ang pumatak mula sa mga mata niya—napapabilib na lang sa napakanatural na linya ng lalaki at katulad ng inaasahan niya, hindi agad nakasagot si Avery.Then maya-maya nangibabaw ang boses nito, "Oh com'on Ace not again."Maririnig sa boses ng babae ang lumung-lumo."Not again what?" feeling innocent namang tanong ni Ace. Kunwari hindi gets.Napakuyom siya ng kamao, sobrang nanggigigil siya sa ugali ng lalaking iyon. Sobrang natural lang para rito ang sitwasyon.Bakit ba hindi nito kayang tingnan na magkapatid sila ni Avery?Ang hilig talaga nitong gumawa ng gulo sa pagitan nila.Upang makaiwas humakbang siya palayo sana pero tumili na si Avery, "Running away again, Gwyneth?!"Huminto siya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya—nag-iisip kung paano iwasan ang sitwasyon. Katulad nang inaasahan niya naglalakad palapit si Avery palapit sa kaniya na galit na nagtatanong, "Are you flirting with my boyfriend again? Are you going to take him from me again? Huh bítch?"Wala siyang choice kundi humarap rito lalo na't tila nakuha na ni Avery ang attention ng lahat. And worse, dahil birthday party ito ni Noah and Natalie.Saktong pag-harap niya, nakalapit na si Avery sa kaniya at awtomatikong hinila nito ang buhok niya upang patingalain siya. "Not. Again!" sigaw nito sa mukha niya.She gasped at nagsimula nang umiyak na naman. Nagrason siya, "Pagsabihan mo ang boyfriend mo—"Avery cut her off sa pamamagitan nang pagpiga ng pisngi niya. Ramdam niya ang puwersa nitong naka-diin sa panga niya."So kasalanan niya? Ace is a dude!" Avery barked, "kumakagat talaga iyan kapag nilalandé! Kaya Ikaw!" Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kaniya kahit na ang nang-gigil na hininga nito tumatama sa mukha niya. "Ikaw ang lumayo! Huwag kang mang-agaw ng boyfriend ng iba! Maghanap ka ng sa'yo!"Tinulak siya nito at humahagulhol na lang siyang napapunas ng mukha. Natalsikan pa siya ng laway ng babae at si Ace, nakatayo lang talaga sa likuran ng girlfriend. Walang pakialaman sa sitwasyon.Wala siyang choice kundi harapin si Avery at sumagot, "Lumalayo ako, Avery! Ayoko nga diyan sa lalaking iyan eh! Bakit ka ba sa akin nagagalit?"Avery cackled and barked, "So kanino ba ako magagalit? Sa kanila?" Tinuro nito ang mga bisita ni Natalie. "Sila ba ang nang-aagaw ng boyfriend ko? Hindi ba ikaw?""Hoy anong siya?" nangibabaw ang boses ni Celestia. Naglalakad ito palapit sa kanila. Imbis na magpasalamat dahil dumating na ito sa wakas, nanlumo pa siya dahil kilala niya si Celestia. Lalaban talaga ito at hindi umuurong, pumapangalawa kasi ito kay Natalie sa tapang. "Sino ang inaagaw? At sino ang nang-aagaw? At anong ginagawa mo sa pinsan ko?"Mabilis nitong hinawakan ang balikat niya. Dinuro siya ni Avery, "Pinsan mo! Iyan! Pinsan mong malándí, hinaharot na naman ang boyfriend ko! Pagsabihan mo iyan ah, ilayo mo kay Ace kung ayaw mong masaktan iyan!"Sa init ng ulo ni Celestia, hinila siya nito papunta sa likuran at hinarap si Avery. "Tángá ka rin ano?" Isang maanghang na salita mula kay Celestia. Alam niyang may karugtong iyon kaya hinawakan niya ito sa braso para sawayin. Ngunit may pakialam ba ang pinsan niya? 100% wala at mas gusto nitong lumaban. "Kung sapat ka para kay Ace, hindi mag-hahanap ng iba iyan! Baka kulang ka kaya ganoon? O baka nauumay na sa'yo?"Dahil sa mga salita ni Celestia, napanganga na lang ang kapatid niya. Halatang hindi matanggap ang narinig.Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m