Handa ka bang ipagpalit ang iyong kalayaan para sa iyong pamilya na kahit kailan ay hindi ka itinuring na isa sa kanila? Si Xanthia Altaraza ay ipinagkanulo ng kanyang sariling pamilya at ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay naging mabait at masuyo sa kanya ang kanyang asawa. Hindi namalayan ni Xanthia na nahulog na ang loob niya rito. Ngunit, dahil sa pagkabunyang ng isang malaking sikreto ng kanyang pagkatao ay itinakwil siya ni Fabio Allegri. Lumipas ang mga taon ay muling bumalik si Xanthia, upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na doon ang lalaking dati na niyang minahal. Inalok niya itong muli ng isang kasunduan. Ano kaya ang mangyayari sa labanan ng galit at pagmamahal sa kanyang puso?
View MoreChapter 1
"Happy birthday,love! " Malaki ang pumaskil na ngiti sa labi ko ng biglang dumating ang nobyo kong si Martin. "Love, you're here." Excited na sabi ko. Mabilis kong tinanggap ang pumpon ng mga rosas na bigay niya, pati na rin ang isang paper bag mula sa isang kilalang brand. "Surprise." Natatawang sabi niya. "Thank you so much, Martin." Sinserong sabi ko. Sa wakas, may maganda ring nangyari ngayong kaarawan ko. Dalawang taon ko ng nobyo si Martin, dalawa lamang sila na nakakaalala ng kaarawan ko. "Hijo, naririto ka pala." Bungad sa kanya ni daddy ng makita siya nito sa sala. "What's the occasion, Martin? " Segunda naman sa kanya ni Mommy. Mabilis naman akong napatungo dahil doon. Hindi ko na maalala kung kailan nila ako binati sa araw ng kaarawan ko. Masyadong malayo ang loob nila sa aking dalawa. "Po? It's Xanthia's 24th birthday today." May pagtataka man ay ngumiti pa rin sa kanila si Martin. Pareho namang natigilan ang dalawa. Unang nagsalita si mommy "Oh, yes. Of course! Let's go, kumain na tayo. We prepare something for Xanthia's birthday." Tumango lamang si daddy sa sinabi ni Mom. Maliit naman akong napangiti kay Martin saka siya inaya sa kusina. "Love, are you okay? " Malumanay na tanong sa akin ni Martin habang naglalakad kami. "Oo naman, love." Ngiti ko lang. Sanay na ako sa ganoong pagtrato nila sa akin. Hindi na dapat ako malungkot pa. Nang marating namin ang kusina ay ipinaghila na rin ako ni Martin ng upuan. "Hi! Dad, thank you sa bulaklak! They are so beautiful, you really know my favorite. " Masayang bungad sa amin ni Ate Xyler. Twenty eight na si ate at pati siya ay iba rin ang trato sa akin. Simula maliit pa lamang kami ay may galit na siya sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan nanggagaling. "Xyler, sit down. Hindi para sayo ang mga bulaklak, para iyon kay Xanthia. Regalo sa kanya ng nobyo niya." Napatingin naman sa amin si Ate at saka nagtaas ng kilay. " Ah, okay. " Naupo na lamang ito sa tabi ni Mommy. " Let's eat. " Sabi lang ni daddy. Ipinagsandok pa ako ng pagkain ni Martin. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang may nagtrato sa akin ng ganito. " Thanks, love. " Ngiti ko. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pag irap sa akin ni Ate at pag iling. "Kumusta ang business ng daddy mo, Martin? " Pagbubukas ni dad ng usapan. "Everything is going smoothly, tito. He plans to get International partners. " Proud na sabi naman ni Martin. Sa totoo lang ay wala akong alam sa mga ganito dahil mas inaabala ko ang sarili ko sa pagpipinta. Hindi naman ako pinipigalan ni Daddy doon dahil wala rin naman akong maitutulong sa kompanya ni Dad. Isa iyong Publishing Company at si Ate Xyler ang tinuturuan niya para sa kompanyang iyon. " Good to hear, I know my daughter is in a good hand. " Ngiti lang ni Daddy. "Tsk, Xanthia's young. " Pag imik naman ni Ate. "And? " Taas kilay na tanong naman ni Mommy. "I should marry, first. Stop, pressuring Martin for something he's not sure about." Ngisi ni ate na siyang ikinataka ko naman. Napatingin din ako kay Martin at kita ko ang pamumula niya. " Love, are you okay? " Mahinang tanong ko kay Martin at saka hinawakan ang kamay niya na ngayon ay nasa ilalim ng lamesa. Nagulat pa ako ng parang napapasong inalis niya ang kamay ko. "I'm okay, Xanthia. " Pilit itong ngumiti sa akin. Tumango lamang ako sa kanya ngunit nakakutob na rin ako ng hindi maganda. " Pumayag ka kasi sa gusto ng daddy mo, Kaia Xyler! " "No. I don't want to marry someone na hindi ko kilala! Gosh, so old fashioned. " Inis na sabi ni ate. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil nakikita pa ni Martin ang nangyayari ngayon. " It's just for business, Xyler. You how this fucking works! " Daddy hissed. " Bakit ba kasi hindi na lang iyang magaling niyong anak ang ipakasal ninyo? " Galit na sabi ni Ate. "Are you insane? You think she's worth the risk? Mabuti na nga lang at nagtitiyaga sa kanya itong anak ng mga Sandoval! " Galit na sabi ni Mommy. Napalunok naman ako dahil doon. "Mom, dad... Ate, tumigil na po kayo." Naiiyak na sabi ko. "You! Just shut up." Duro sa akin ni Mommy. " STOP! " Dumagundong ang boses ni daddy sa hapag kainan. Natahimik naman ang lahat dahil doon. " Umakyat ka na sa kwarto mo, Xyler. " Malamig na sabi nito. " Hijo, umuwi ka na muna. Xanthia, ihatid mo muna sa gate ang nobyo mo. " Napatango naman ako kay daddy. Inalalayan pa ako ni Martin sa pagtayo at saka kami sabay na umalis sa hapag. " I'm so sorry, Love. Hindi mo na dapat nakita iyon. " Sinserong hingi ko ng paumanhin sa kanya. Simula ng makalabas kami sa hapag kainan ay hindi na ako nito kinikibo. " It's okay. Uuwi na lang ako. Sayang ang ipinunta ko rito, Xanthia. " Hindi ko mawari kung anong emosyon ang bumabalot kay Martin ngayon. " Sorry talaga... " " Don't be. Good night. " Pagkasabi noon ay sumakay na rin siya sa kanyang sasakyan at saka mabilis na umalis. Napabuntong hininga na lamang ako at nagtungo sa kwarto ko. What a nice birthday, huh? Nang marating ko ang aking kwarto ay binuksan ko na lamang ang regalong dala ni Martin para sa akin. Binasa ko muna ang sulat na naroroon. To My Love, Happy birthday, Xanthia. I hope you like my gift for you. Thank you for always being there for me. I love you. - Martin Napangiti naman ako dahil doon. He's really a sweet a guy. Binuksan ko na ang laman ng paper bag. Isa iyong bag... Teka? Ganito iyong bagong bag ni Ate Xyler. Alam kong mahal ito. Napabuntong hininga na lamang ako saka itinago iyon. Hindi ko rin naman ito magagamit dahil alam kong magagalit si ate kapag nakita niya ito. Ayaw na ayaw niyang may magkapareho kaming gamit. May kumatok sa pintuan ko at ng akmang bubuksan ko na iyon ay bumungad na sa akin si Ate Xyler. Kita sa mukha nito ang labis na galit. "Ate, bakit? " "You! Dapat ikaw ang magpapakasal sa matandang iyon! Gosh! Dapat ikaw! Ikaw ! Ikaw! " Pinagsasampal ako ni Ate Xyler dahil sa labis na galit niya. "Ate, ano ba? Tumigil ka na! Nasasaktan ako." "Dapat lang! Kasalanan mo ang lahat ng ito, malas ka sa buhay namin! " Galit na sabi niya, hindi pa siya nakuntento sa pananampal niya, malakas pa niyang hinigit ang buhok ko. "Ate! " Naiiyak na sabi ko. "Tumigil ka na." Nang makabwelo ako ay naitulak ko siya. Iyon ang eksenang bumungad kay Mommy. "Xanthia! Bakit mo sinasaktan ang kapatid mo?!" Napaatras naman ako sa takot dahil kay Mommy. "Mom, si ate po ang nauna..." "It's her fault, mom. Dapat siya ang magpapakasal sa matandang iyon. Hindi ako." Umiiyak na sabi ni Ate. " Don't worry, gumagawa na ako ng paraan. Ikaw naman... " Lumapit sa akin si Mommy at malakas na akong sinampal. " Don't hurt my daughter. Hurt her again at sisiguraduhin kong sa kangkungan ka pupulutin. " Naiyak na lamang ako dahil doon. Anak niyo rin po ako...Chapter 32Dumating ang araw na pinakahihintay namin ni Fabio. Simula noong isang linggo ay hindi na kami lumabas dalawa ng bahay. Ang alam ng mga pamilya namin ay nag out of the country kami. Kahapon lamang kami nagpadala ng mga imbitasyon sa kanila. Hindi ko tuloy sigurado kung darating sila daddy ngayong araw. "Ms. Xanthia, are you okay? Mukhang kinakabahan ka." Biro sa akin ng aking make up artist. "I'm fine. Nandiyan na ba si Fabio? " "Of course, madam. Kanina pa rin niya kayo gustong makita." Ngiti niya sa akin. Nang matapos akong ayusan ay nagkaroon pa ako ng pictorial. Nakasuot ako ngayon ng isang longsleeves style na wedding gown, mesh style ang sleeves nito at mayroong malilit na bato. Hindi kita ang likod ko dahil sa mga pilat na itinatago ko. "Wow, girl! Ang oa ng ganda mo! Pang out of this world! " Excited na lumapit sa akin si Solana at saka yumakap. Halos tumalon talon pa siya dahil sa tuwa. Kasunod din niya ang ilan sa mga naging kaibigan ko pati na rin si at
Chapter 31"Anak! Mabuti naman ang nagpunta ka rito. Miss na miss na kita." Lumayo ako ng akmang yayakapin ako ni Crizela Aragon. " Anak... "Napangisi na lamang ako sa kanya at bahagyang umling. " Stop putting the act now, Crizela Aragon. " Malamig na sabi ko na ikinabigla niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagtawag ko sa kanya sa ganoong paraan. " Matagal ko ng alam na hindi ikaw ang ina ko. So, stop this already. " Inihagis ko sa lamesa ang envelope na naglalaman ng DNA test naming dalawa. " Xanthia... Ano bang sinasabi mo? " Natatakot na tanong niya sa akin. " I'm done with your shits, Crizela. Bahala na kayong mag usap ni daddy, pero huwag na huwag ka ng lalapit sa akin o sa pamilya ni Fabio. Hindi mo naman siguro gustong mabulok sa kulungan, hindi ba? " Malamig na sabi ko sa kanya. "Mali ka... Hindi totoo yan! Ako ang nanay mo! " Umiiling na sabi niya sa akin. "Oh, c'mon! Simula pa lamang ng magpunta ako rito ay duda na ako sayo. Iyang lamang ng envelope ang makakapag
Chapter 30"Ma." Napatayo ako ng pumasok sa opisina ko si Mama. "Ang ganda naman dito, anak. Wow, ikaw ba ang nagpinta ng lahat ng ito? " Natutuwang sabi niya sa akin at saka lumapit sa isang painting. "Hindi na kita macontact, anak... Kaya tumawag ako sa daddy mo, sinabi niya sa akin na dito ang gallery mo. " Dugtong pa niya. "Ano po bang kailangan ninyo? " Malumanay na tanong ko. " Gusto sana kitang kausapin tungkol sa nangyari noong nakaraan... Pasensiya ka na, anak. Gusto lang kitang ipagtanggol sa ina ng mapapangasawa mo. " Sinserong hingi niya ng paumanhin. "Ma, hayaan niyo na iyon. Nagkausap na rin po kami ni Fabio. " "Anak, sigurado ka bang magpapakasal ka sa kanya? Kung ako ang tatanungin? Hindi kita hahayaang makasal sa lalaking iyon. Bukod sa matapobre ang ina niya ay nasisiguro kong babaero iyon. Marami akong karanasan sa mga lalaki, Xanthia. Ayokong pagsisihan mo ang gagawin mong ito sa huli. Anak, sumama ka na lang sa akin... May nakuha akong lupa sa probinsiya. Do
Chapter 29"Ang kj talaga! Sabi ko sa bar tayo! Grabe ka, dito mo balak magkalat sa Aurum." Maktol ni Solana. Nagmessage na ako kay Fabio na dito muna kami ni Sol. Inaaya niya kasi akong magbar pero hindi ko pwedeng gawin yun sa ngayon. Mainit sa akin ang mata ni Ma'am Tessa pati na rin nila ate Xyler. "Baka magka issue ako, alam mo na, famous." Nagbibirong sabi ko na ikinatawa niya. "Gaga. Pero, maiba ako... Ano bang nangyari sayo? Ha? " Tanong niya sabay inom ng alak niya. "Wala naman. I'm just tired these days. " Napabuntong hiningang sabi ko. "Hmm?" "Yeah. I'm on the edge of bursting out! Damn it." Inis na sabi ko. "Dahil ba sa pamilya mo? " "Kanino pa ba? " Napabuntong hiningang sagot ko. "Isama pa ang Mommy ni Fabio. Hindi niya ako gusto para sa anak niya. Naiintindihan ko naman siya... But, I can't lose Fabio. " Seryosong sabi ko. " Do you like him na?" Nakangising tanong niya sa akin. " Ang totoo niyan ay hindi ko alam... I love it when his around, actually. Pero n
Chapter 28Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkababa ko ay sumalubong sa akin si Ma'am Tessa. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "You! You're ruining my son's life." Galit na duro niya sa akin. Sa likod niya ay nakatayo si Ate Xyler na matagumpay na nakangiti. "Look at this shit! Anong kalokohan ang ginagawa niyo ng anak ko? Ha? Damn it! Ilang taon kong inalagaan ang pangalan ko sa industriya at ito lang pala ang sisira sa akin!" Nanggagalaiting dagdag pa niya. "So, it's just about you, all along." Malamig na sabi ni Fabio. Hindi ko napansin ang pagbaba niya sa hagdan. Mukhang natigilan rin si Ma'am Tessa dahil sa tono ni Fabio. "Fabio! Anong ginawa mo, ha? " "What are you doing here? Why are you with her? " Tanong pa ni Fabio rito. " She's Xyler, siya ang fiancee mo. " Maarte namang lumapit si Ate Xyler kay Fabio. " Don't touch me. " Napaatras naman sa takot si Ate. " Mom, I told you already... Damn it. " Nauubusan ng pasensiyang sabi ni Fabio sa mo
Chapter 27XYLER'S POV"Mom! " Iyak ko kay mommy pagkauwi ko sa bahay. "What the hell? Anong nangyari sayo, Xyler? May nanakit ba sayo? " Yumakap ako kay Mommy habang umiiyak. "Xanthia! That girl. He kissed Fabio in front of me, Mom! Oh, god! Akala ko ba ay ako na ang papakasalan ni Fabio? Bakit ganito ang nangyayari? Mom! Do something! " Histerikal na sabi ko. We can't let this happen! No, I can't! Damn it. Hindi pwedeng maging masaya siya! " Calm down, Xyler. Huwag kang mag alala, ngayon lang iyon. Okay? Just wait." "I can't wait, anymore! Mom! " Sigaw ko. Malakas akong sinampal ni Mommy na ikinatigil ko. " Collect yourself, little brat! Anong sabi ko sayo? Gumagawa na kami ng paraan. Just wait a little more, Xyler. Wala kang ginusto na hindi ko ibinigay sayo. " Sabi sa akin ni mommy habang hawak ang magkabilang pisngi ko. Mabilis naman akong napatango dahil doon. " Freshen up, mag ayos ka. Pupunta tayo ngayon sa bahay ng mga Allegri. " Seryosong sabi niya sa akin.XANTHIA'S
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments