Good night.
JALENE“ANONG ginagawa mo rito?” tanong ko kay Kassandra.“Frank invited me. Bored daw siya kaya sabi ko ngayong weekend. Right, Frank?” sabay baling niya sa asawa ko.Naikuyom ko ang kamay ko sa narinig.“Jalene, let me explain. May pinaguusapan—”“Lumabas ka kung ayaw mong kaladkarin kita hanggang gate,” banta ko.“Wow. Pag-aari mo ‘to?”“Tingin mo?” Nakataas ang kilay ko. Wala kaming prenup agreement ni Frank. Basta pag-aari niya, pag-aari ko. Ngayon, kung ide-deny ni Frank ang bagay na ito, ibang usapan na.“Si Frank ang nagyaya sa akin dito kaya siya lang ang pwedeng magpaalis sa akin.”Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Kassandra. Tumingin ako kay Frank. “Mamili ka, Frank. Palalabasin mo siya o ako ang lalabas?” seryosong tanong ko.“J-Jalene…”“Frank!” Tumaas na ang boses ko. “Fine. Ihahatid ko lang siya ng Manila.”Natawa ako sa sinabi niya. “Gusto mo siyang ihatid tapos maiiwan ako dito?”“Ako ang nagsama sa kanya rito kaya ako rin dapat ang maghatid sa kanya. Mag-uusap
JALENEHindi na ako nakatiis, tumalikod ako after kong kunan sila ng litrato at video. Alam kong makikita ni Frank iyon kaya nai-save ko sa isang online storage.Pasado alas dose na nakauwi si Frank. Gising pa ako nang mahiga siya sa tabi ko. Nakatalikod ako noon sa kanya.Dati-rati, yayakap nang mahigpit siya sa akin bago matulog, pero ngayon, wala na.Naulit kinabukasan iyon at sinundan ko ulit. Same location. At kagaya kagabi, kinuhaan ko sila ng litrato at video.Naabutan ako ni Frank pag-uwi niya. Sa pagkakataong ito, inabot siya ng ala una y medya.“Late na. Bakit hindi ka pa natutulog?”“Nililibang ko lang sarili ko dahil hindi na ako nakatulog after kong magising sa pagkakabangungot.”“Tungkol saan ang napanaginipan mo?” Naupo siya sa tabi ko kaya hinarap ko siya.“Nawala ka raw sa amin ng mga anak mo,” kunwa’y sabi ko. “Sumama ka raw sa ibang babae, Frank.”Kita ko ang paglunok niya. Nahirapan pa yata siya kaya napahawak siya sa dibdib niya.“H-hindi mangyayari iyon, Jalene.”
JALENEAGAD na inangat ko ang damit ko para padedehin si Francelle nang umiyak siya. Naglakad ako at naupo ako sa couch saka sumandal para hindi ako mangalay. Antok na antok pa ako noon.Tumingin ako sa magarang wall clock, pasado alas dos na ng madaling araw pala.Akmang ipipikit ko ang mata ko nang may umilaw sa center table. Cellphone pala iyon. Hindi ko napansin dahil na kay France ang atensyon ko. Muling umilaw iyon. Sa pag-aakalang cellphone ko, kinuha ko iyon. Dahan-dahan pa ang naging kilos ko dahil gumalaw nga si Francelle na noo’y dumedede sa akin.Napakunot ako ng noo nang unang makita ang notification.Kass? As in Kassandra ba?Dahil hindi naman mahaba ang text niya, basa ko agad ang laman ng mensahe niya dahil sa preview. Tinatanong nito kung tuloy daw sa weekend.Tumingin ako kay Frank na noo’y himbing na himbing sa pagtulog.Saan ang punta nila?Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa text na iyon. Nasundan pa iyon ng “text me agad if nabasa mo ito” kaya naman kung anu
JALENE “ANG ganda-ganda ng princess natin. Manang-mana sa ’yo, baby,” nakangiting sambit ni Frank habang karga nito ang bunsong anak. Tinitigan ko si Francelle. Mukha naman ni Frank ang nakikita. “Hindi naman, e. Kasi kapag tinitigan mo si bunso nang matagal, nagiging kamukha mo kaya,” ani ko. Magtatatlong buwan na ang bunso namin sa susunod na Sabado. Kaya kita na ang totoong kulay at features niya. Ibang-iba noong ipinanganak ko siya. Parang pinaghalong si Papa at si Nanay pa. Super cute pa rin naman. Kaso nitong nagdaan, napapansin kong may mga features ang ama niya nakuha talaga ni Francelle. “Talaga ba?” Pinakatitigan naman ni Frank ang anak “Oo nga, baby. Kamukha ko na nga siya!” Lumapad ang ngiti niya kapagkuwan. Tumingin ako kay Kai na nasa tabi ni Frank. Kanina lang naglalaro ito sa iPad nito, pero ngayon, nakatunghay sa ama niya. Pero napansin kong nakasimangot siya kaya siniko ko si Frank. Nginuso ko ang panganay namin na noo’y nakatitig sa kapatid. “Kai, anak
JALENE“FRANK,” tawag ko sa asawa. Napalingon naman siya. Hindi pa rin napapalis ang ngiti nito.“Baby, nandito ka na pala.” Nakangiting lumapit sa akin ang asawa at iginiya ako palapit sa dalawang babaeng kasama niya sa opisina na iyon. Ang isa si Kassandra, na kasalukuyang hinubad ang isang hospital gown. Sa pagkakaalala ko, isa siyang architect kaya nagtaka ako sa suot niya kanina. Nang tingnan ko ang pangalan na nasa table, kung sino ang nag-oopisina doon, hindi niya pangalan. Kaya tiningnan ko ang babaeng nandoon. Ito siguro ang psychiatrist na tumitingin sa asawa.“Meet Doctor Vivien Francisco, a good friend of mine. Doc, my wife, Jalene,” Pakilala niya sa akin sa babaeng nakatayo. Iyon nga ang pangalan na nasa mesa. “She’s been a great help to me these past few days.” Sa akin nakatingin si Frank.Ngumiti ako sa asawa.“Hello po. Nice to meet you, Doc.” Nakipagbeso siya sa akin. “Ikaw pala si Jalene.” Sinuyod niya ang kabuohan ko. “Ang daming naikuwento nga nitong si Frank sa a
FRANKILANG beses kong sinermunan ang piloto sa sobrang inis ko. Ayoko sa lahat iyong pinaghihintay ako. Alam naman nilang lagi ko silang kailangan dahil malayo ang mga nasimulan kong business. Saka kailangan ko sila dahil anumang oras pwede akong tawagan ni Jalene at kailangang makauwi ako nang tamang oras.Mainit din ang ulo niya kaya nagkasagutan kami. Kaya habang nasa himpapawid ako ay dinig ko ang ilang beses na buntonghininga siya. Hindi nito malaman kung hihingi nang paumanhin. Sa huli, nakapagsalita rin ito. Humingi na rin siya nang paumanhin.Hindi naman siya nagkulang kagabi nang paalala sa mga ito. Alam babalik ako nang maaga para masamahan si Jalene sa monthly check up niya sa OB-Gyne niya. Hangga’t maaari, kasama niya ako sa lahat ng bagay lalo na ngayong nagbubuntis siay sa pangalawang anak namin. Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa first born namin, wala ako.Ngayong araw napagkasunduan naming dalawa na magpa-ultrasound na para sa gender niya. Doctor pa lang ang nakakaal