Kalma lang kayo sa twist pwede po? HAHAHAHAH Pero kung umay kayo kasi hahabaan ko, okay lang po. ehehehe. Sa mga magtitiyaga na lang po... Ilang araw kong pina-isipan ang twist ko
JALENE“ANG ganda-ganda ng princess natin. Manang-mana sa ’yo, baby,” nakangiting sambit ni Frank habang karga nito ang bunsong anak.Tinitigan ko si Francelle. Mukha naman ni Frank ang nakikita.“Hindi naman, e. Kasi kapag tinitigan mo si bunso nang matagal, nagiging kamukha mo kaya,” ani ko. Magtatatlong buwan na ang bunso namin sa susunod na Sabado. Kaya kita na ang totoong kulay at features niya. Ibang-iba noong ipinanganak ko siya. Parang pinaghalong si Papa at si Nanay pa. Super cute pa rin naman. Kaso nitong nagdaan, napapansin kong may mga features ang ama niya nakuha talaga ni Francelle.“Talaga ba?” Pinakatitigan naman ni Frank ang anak “Oo nga, baby. Kamukha ko na nga siya!” Lumapad ang ngiti niya kapagkuwan. Tumingin ako kay Kai na nasa tabi ni Frank. Kanina lang naglalaro ito sa iPad nito, pero ngayon, nakatunghay sa ama niya. Pero napansin kong nakasimangot siya kaya siniko ko si Frank. Nginuso ko ang panganay namin na noo’y nakatitig sa kapatid. “Kai, anak—”Bigl
JALENE“FRANK,” tawag ko sa asawa. Napalingon naman siya. Hindi pa rin napapalis ang ngiti nito.“Baby, nandito ka na pala.” Nakangiting lumapit sa akin ang asawa at iginiya ako palapit sa dalawang babaeng kasama niya sa opisina na iyon. Ang isa si Kassandra, na kasalukuyang hinubad ang isang hospital gown. Sa pagkakaalala ko, isa siyang architect kaya nagtaka ako sa suot niya kanina. Nang tingnan ko ang pangalan na nasa table, kung sino ang nag-oopisina doon, hindi niya pangalan. Kaya tiningnan ko ang babaeng nandoon. Ito siguro ang psychiatrist na tumitingin sa asawa.“Meet Doctor Vivien Francisco, a good friend of mine. Doc, my wife, Jalene,” Pakilala niya sa akin sa babaeng nakatayo. Iyon nga ang pangalan na nasa mesa. “She’s been a great help to me these past few days.” Sa akin nakatingin si Frank.Ngumiti ako sa asawa.“Hello po. Nice to meet you, Doc.” Nakipagbeso siya sa akin. “Ikaw pala si Jalene.” Sinuyod niya ang kabuohan ko. “Ang daming naikuwento nga nitong si Frank sa
FRANKILANG beses kong sinermunan ang piloto sa sobrang inis ko. Ayoko sa lahat iyong pinaghihintay ako. Alam naman nilang lagi ko silang kailangan dahil malayo ang mga nasimulan kong business. Saka kailangan ko sila dahil anumang oras pwede akong tawagan ni Jalene at kailangang makauwi ako nang tamang oras.Mainit din ang ulo niya kaya nagkasagutan kami. Kaya habang nasa himpapawid ako ay dinig ko ang ilang beses na buntonghininga siya. Hindi nito malaman kung hihingi nang paumanhin. Sa huli, nakapagsalita rin ito. Humingi na rin siya nang paumanhin.Hindi naman siya nagkulang kagabi nang paalala sa mga ito. Alam babalik ako nang maaga para masamahan si Jalene sa monthly check up niya sa OB-Gyne niya. Hangga’t maaari, kasama niya ako sa lahat ng bagay lalo na ngayong nagbubuntis siay sa pangalawang anak namin. Gusto kong bumawi sa kanya dahil sa first born namin, wala ako.Ngayong araw napagkasunduan naming dalawa na magpa-ultrasound na para sa gender niya. Doctor pa lang ang nakakaal
JALENE“A-AYOS lang ako, Beshy.” Inalalayan ako ni JV na maupo.“Mabuti naman.”“S-si Frank?”“Kakauwi lang niya. May kailangang gawin lang daw siya sa bahay bago ka niya sunduin.”“O-okay.” Nang maalala ang nangyari kanina ay natanong ko kung ano ang sabi ng doktor.“Si Uncle ang nakausap, beshy, e. Pabalik naman na yon si Uncle. I’m sure malalaman mo rin naman iyon kung bakit.”Lately, wala akong excercise. Mas gusto kong natutulog sa maghapon tapos gising sa gabi para manood ng mga palabas. Kaya baka dahil sa pagpupuyat ko ito.Matagal-tagal din kaming nag-usap ni JV bago dumating si Frank. Hindi na niya kasama si Kai dahil baka mapagod pa. Tama nga ang sinabi ni JV sa akin na ire-release naman na ako. Hinihintay lang si Frank talaga. Gusto ko sanang maglakad pero pinangko niya ako hanggang sa sasakyan.“Ano nga pala ang findings ng doctor bakit ako nahimatay?” ani ko nang makarating ka“Wala kang ideya, baby?”“Wala. Pero baka dahil sa panonood ko magdamag ng mga Chinese Drama at
JALENE“You okay, baby?” untag ni Frank sa akin. Simula nang makita ko si Kassandra, hindi ako mapakali. Ni hindi ko nga namalayan na umalis si Kai kasama ni Tim. Sa sunod na araw na kasi ang balik niya. Nagpaalam din naman sa akin pero wala doon ang atensyon ko. “Kanina pa sila umalis?” Tukoy ko sa dalawa.“Yup.” Tinitigan ako ni Frank. “Dahil ba kay Kassandra kaya ka nagkakaganyan?”Alangang ngumiti ako sa asawa bago tumango.“‘Wag mo na siyang isipin, okay? Hindi naman siya makakalapit sa akin sa lako ng kasalanan niya sa atin.”“Hindi ka maaakit sa kanya?”Umiling siya. “Ikaw na ang mahal ko kaya mapanatag ka. Hindi rin ako maghihintay ng maraming taon kung hindi.”“May tiwala na ako sa ‘yo, Frank. Pero kay Kassandra, wala.”“Wala rin akong tiwala sa kanya kaya nag-hire ako ng security for us, baby.”Ngumiti ako sa narinig. Kaya pala may nakita akong dalawang sasakyan na dumating. Parehas na kausap ni Frank ang mga lulan niyon.Hindi ko pa alam kung ano ang pakay niya ngayon. Pe
FRANK SABI ko sa sarili ko, hahayaan kong umalis si Jalene kasama si Kai. Pero susunod din naman ako. Hindi naman yata ako makakapayag na mawalay sila sa akin nang matagal. Kulang na kulang ang panahon na pinagsamahan na tatlo sa farm ko kaya ayokong mawala sila nang matagal.Hindi ko sasabihin kay Jalene na susunod ako sa kanila dahil baka magalit. Just want to make sure na hindi sila magkakabalikan ni Timothy. Nakapag-usap naman na kaming dalawa pero hindi ako sigurado kung susunod siya sa usapan namin.Ginamit ko lang naman ang sex scandal nila ng Yaya ng anak niya. Bago pa man makita ni Jalene ang lahat, meron na akong naipong ebidensya laban kay Tim. Kaya ito ang ginamit ko para mawala siya sa landas namin ni Jalene.Blessings in disguise ang ginawa ng Yaya ni Kai. At first, gusto ko siyang bayaran para gawin iyon, pero nagawa na pala nila ang bagay na iyon kaya wala akong kinalaman sa nangyari sa dalawa. Kaya masasabi kong mabait pa rin naman sa akin ang Diyos sa kabila ng laha