Katherine's POV
"Itigil ang kasal! Hindi ako papayag na makasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal. Love, sabi mo ako lang ang papakasalan mo. Nangako ka sa'kin na ako lang ang mamahalin mo!" Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng kapilya. Lahat ng mata ay sa'kin nakatingin. Aaminin ko, nakakahiya itong ginagawa ko, pero wala na akong ibang choice. "Who is that girl, Lawrence?" Nagtatangis bagang na wika ng isang matandang lalaki. Sa tingin ko, siya ang ama ng groom. Tinitigan ako ng groom at dahan-dahan itong bumaba. Papalapit siya ng papalapit sa'kin at kusa naman akong umaatras. "Kath." Natigilan ako dahil binanggit niya ang pangalan ko. How did he know my name? "Katherine is dead. Hindi 'yan si Kath, Lawrence. Baka impostora ang babaeng iyan. Gusto niya lang sirain ang kasal natin!" Galit na sigaw ng bride at lumapit sa'kin. "And who told you that I'm dead? Kita mo naman na nagsasalita ako at nakatayo," ani ko pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "I'm here to claim what's mine." "Ano'ng kalokohan ito? Nakita namin na inilibing ka na! Lawrence, you have to marry my daughter!" Isang ginang ang nagsalita at lumapit sa anak na ngayo'y umiiyak na. Nakokonsensya sa totoo lang. Kung hindi ko lang kailangan ng malaking pera, hindi ko ito gagawin. "Patay ka na!" Buong sistema ko ay nagulat nang itulak ako ng bride pero kaagad naman akong sinalo ng groom na Lawrence daw ang pangalan. "Don't you dare hurt her, Abegail!" Hinila niya ang babae at pinanlakihan ito ng mata. "The wedding is over." Malaming ang boses niya at walang emosyon na makikita sa kaniyang mga mata. "Are you serious, son? Katherine is dead, hindi natin alam kung sino ang babaeng iyan," his dad speak once again. Sino'ng Katherine ang sinasabi nilang patay na? Magkamukha ba kami ng Katherine na iyon, para malito sila? Kinabahan tuloy ako. "P-patay na ako? So you all want me to die?" Umiyak ako sa harapan nila, oo magaling ako sa acting, kulang na lang mag artista ako. "If that so, pagbibigyan ko kayo." Iyn na lang ang naiiisip komg salita para makatakas na ako dito. Tumakbo ako palabas ng simbahan kaya lang naabutan ako ni Lawrence. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Please don't go, love. I missed you so much." Hindi ako nakagalaw na tila naparalisa ang mga paa ko. Ang puso ko ay nagwawala, at biglang sumakit ang ulo ko kaya napakapit ako sa kaniya ng mahigpit. "Are you alright?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm sorry Mr. Lawrence for ruining your wedding, but I am not Katherine that you know," ani ko at tumakbo ako ulit papalayo sa kaniya. Muli akong lumingon at kitang-kita ko sa mata niya ang sobrang lungkot. "Sakay bilis!" Pumarada sa harap ko ang itim na kotse kaya kaagad akong sumakay na hinihingal. "What happened?" Kaagad akong binigyan ni Sir Anthony ng tubig at tissue. "I think I ruined everything not just the wedding." Umiling-iling ako at huminga ng malalim. "The plan is effective," dagdag ko. "Very good! Gaya ng sinabi ko, isang milyon ang ibabayad ko sa'yo. Sapat na iyon para maipagamot ang lolo mo at pwede ka na rin makapag-aral." Sana mapatawa nila ako sa nagawa ko. Pangako, babalik ako para klaruhin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko munang ayusin ang dapat kong ayusin. "Do you them?" Baling ko kay Sir Anthony na tahimik lang sa pagmamaneho pero kitang-kita sa mata nito ang saya. "Very well. Sila lang naman ang sumira sa buhay ko noon." "Do you Katherine too? Kamukha ko ba siya?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong, knowing na kilala niya ang pamilyang iyon. "Katherine, ikaw si Katherine." Umiling ako at tumawa. " I mean, yong ex-girlfriend yata ni Lawrence. Ang sabi nila patay na daw siya." Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko nang bigla siyang pumreno. "Bakit? May nasagasaan ba tayo?" taka kong tanong pero tumingin lang siya sa'kin at umiling. "Naalala ko, bukas na pala ang flight ko pabalik sa America. May I ask your number? Malay mo pagbalik ko, kunin kitang personal assistant," wika niya at ngumiti. I sense something weird. Alam kong may alam siya kay Katherine, ayaw niya lang sabihin sa'kin. Halata naman na iniba niya lang ang usapan namin para ma distract ako at hindi na magtanong. Gaya ng hiling niya, ibinigay ko sa kaniya ang cellphone number ko. Maganda din naman ang alok niya, in the future malay mo totohanin nga niya. "Imagine nagkita lang tayo sa restaurant tapos ngayon ikaw pala ang makakatulong sa'kin na maghigante sa pamilyang Llego." Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Sana hindi ka mahanap ni Lawrence. Lumipat kayo sa ibang lugar pagkatapos ng operasyon ng lolo mo." "Iyon din ang iniisip ko. Kinakabahan ako na baka hanapin niya ako. I don't even know a single detail about them. Wala akong alam kung ano ang kaya nilang gawin sa'kin." "For you to know, Lawrence is a billionaire. Nag iisang anak lang siya ang his father is a Mafia." Tulala ako nang iwan ako ni Sir Anthony. Ang salitang naiwan sa isip ko ang ang billionaire at mafia. "Apo, ayos ka lang ba?" Tinapik ako ni lolo at naupo siya sa tabi ko. "Kung inaalala mo naman ang pera para sa pagpapagamot ko---" "Lolo, maipapagamot na po kita. Sa susunod na Linggo na ang schedule mo sa operasyon kaya magpalakas ka," ani ko kaya nagbago ang expressiyon niya. "Katkat, saan ka kumuha ng pera?" Basag ang boses niya at nanggigilid ang mga luha. "Mas gusto ko pang mamatay na lang kasya--" "Lolo, may tumulong sa'tin. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano." Niyakap ko siya at tinapik ang balikat. "Ang suwerte ko sa'yo apo, siguro kung buhay pa ang kambal mo mas masaya sana tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lolo. May kambal ako? "Baby pa lang siya ng mawala. Bagyo noong nanganak ang mama niyo. Kami lang ang magkasama doon sa hospital at ikaw lang ang nailigtas ko. Sabay silang nawala sa'kin, ikaw na lang ang mayroon ako."