Home / Romance / The Billionaire's Contracted Wife / Chapter 1: Ruining the Wedding

Share

The Billionaire's Contracted Wife
The Billionaire's Contracted Wife
Author: Jenny

Chapter 1: Ruining the Wedding

Author: Jenny
last update Last Updated: 2025-06-20 19:11:30

Katherine's POV

"Itigil ang kasal! Hindi ako papayag na makasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal. Love, sabi mo ako lang ang papakasalan mo. Nangako ka sa'kin na ako lang ang mamahalin mo!" Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng kapilya. Lahat ng mata ay sa'kin nakatingin.

Aaminin ko, nakakahiya itong ginagawa ko, pero wala na akong ibang choice.

"Who is that girl, Lawrence?" Nagtatangis bagang na wika ng isang matandang lalaki. Sa tingin ko, siya ang ama ng groom.

Tinitigan ako ng groom at dahan-dahan itong bumaba. Papalapit siya ng papalapit sa'kin at kusa naman akong umaatras.

"Kath." Natigilan ako dahil binanggit niya ang pangalan ko. How did he know my name?

"Katherine is dead. Hindi 'yan si Kath, Lawrence. Baka impostora ang babaeng iyan. Gusto niya lang sirain ang kasal natin!" Galit na sigaw ng bride at lumapit sa'kin.

"And who told you that I'm dead? Kita mo naman na nagsasalita ako at nakatayo," ani ko pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "I'm here to claim what's mine."

"Ano'ng kalokohan ito? Nakita namin na inilibing ka na! Lawrence, you have to marry my daughter!" Isang ginang ang nagsalita at lumapit sa anak na ngayo'y umiiyak na.

Nakokonsensya sa totoo lang. Kung hindi ko lang kailangan ng malaking pera, hindi ko ito gagawin.

"Patay ka na!" Buong sistema ko ay nagulat nang itulak ako ng bride pero kaagad naman akong sinalo ng groom na Lawrence daw ang pangalan.

"Don't you dare hurt her, Abegail!" Hinila niya ang babae at pinanlakihan ito ng mata. "The wedding is over." Malaming ang boses niya at walang emosyon na makikita sa kaniyang mga mata.

"Are you serious, son? Katherine is dead, hindi natin alam kung sino ang babaeng iyan," his dad speak once again.

Sino'ng Katherine ang sinasabi nilang patay na? Magkamukha ba kami ng Katherine na iyon, para malito sila? Kinabahan tuloy ako.

"P-patay na ako? So you all want me to die?" Umiyak ako sa harapan nila, oo magaling ako sa acting, kulang na lang mag artista ako. "If that so, pagbibigyan ko kayo."

Iyan na lang ang naiiisip kong salita para makatakas na ako dito. Tumakbo ako palabas ng simbahan kaya lang naabutan ako ni Lawrence. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Please don't go, love. I missed you so much."

Hindi ako nakagalaw na tila naparalisa ang mga paa ko. Ang puso ko ay nagwawala, at biglang sumakit ang ulo ko kaya napakapit ako sa kaniya ng mahigpit.

"Are you alright?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"I'm sorry Mr. Lawrence for ruining your wedding, but I am not Katherine that you know," ani ko at tumakbo ako ulit papalayo sa kaniya. Muli akong lumingon at kitang-kita ko sa mata niya ang sobrang lungkot.

"Sakay bilis!" Pumarada sa harap ko ang itim na kotse kaya kaagad akong sumakay na hinihingal.

"What happened?" Kaagad akong binigyan ni Sir Anthony ng tubig at tissue.

"I think I ruined everything not just the wedding." Umiling-iling ako at huminga ng malalim. "The plan is effective," dagdag ko.

"Very good! Gaya ng sinabi ko, isang milyon ang ibabayad ko sa'yo. Sapat na iyon para maipagamot ang lolo mo at pwede ka na rin makapag-aral."

Sana mapatawad nila ako sa nagawa ko. Pangako, babalik ako para klaruhin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko munang ayusin ang dapat kong ayusin.

"Do you know them?" Baling ko kay Sir Anthony na tahimik lang sa pagmamaneho pero kitang-kita sa mata nito ang saya.

"Very well. Sila lang naman ang sumira sa buhay ko noon."

"Do you know Katherine too? Kamukha ko ba siya?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong, knowing na kilala niya ang pamilyang iyon.

"Katherine, ikaw si Katherine."

Umiling ako at tumawa. " I mean, yong ex-girlfriend yata ni Lawrence. Ang sabi nila patay na daw siya."

Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko nang bigla siyang pumreno. "Bakit? May nasagasaan ba tayo?" taka kong tanong pero tumingin lang siya sa'kin at umiling.

"Naalala ko, bukas na pala ang flight ko pabalik sa America. May I ask your number? Malay mo pagbalik ko, kunin kitang personal assistant," wika niya at ngumiti.

I sense something weird. Alam kong may alam siya kay Katherine, ayaw niya lang sabihin sa'kin. Halata naman na iniba niya lang ang usapan namin para ma distract ako at hindi na magtanong.

Gaya ng hiling niya, ibinigay ko sa kaniya ang cellphone number ko. Maganda din naman ang alok niya, in the future malay mo totohanin nga niya.

"Imagine nagkita lang tayo sa restaurant tapos ngayon ikaw pala ang makakatulong sa'kin na maghigante sa pamilyang Llego." Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Sana hindi ka mahanap ni Lawrence. Lumipat kayo sa ibang lugar pagkatapos ng operasyon ng lolo mo."

"Iyon din ang iniisip ko. Kinakabahan ako na baka hanapin niya ako. I don't even know a single detail about them. Wala akong alam kung ano ang kaya nilang gawin sa'kin."

"For you to know, Lawrence is a billionaire. Nag iisang anak lang siya and his father is a Mafia."

Tulala ako nang iwan ako ni Sir Anthony. Ang salitang naiwan sa isip ko ang ang billionaire at mafia.

"Apo, ayos ka lang ba?" Tinapik ako ni lolo at naupo siya sa tabi ko. "Kung inaalala mo naman ang pera para sa pagpapagamot ko---"

"Lolo, maipapagamot na po kita. Sa susunod na Linggo na ang schedule mo sa operasyon kaya magpalakas ka," ani ko kaya nagbago ang expressiyon niya.

"Katkat, saan ka kumuha ng pera?" Basag ang boses niya at nanggigilid ang mga luha. "Mas gusto ko pang mamatay na lang kasya--"

"Lolo, may tumulong sa'tin. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano." Niyakap ko siya at tinapik ang balikat.

"Ang suwerte ko sa'yo apo, siguro kung buhay pa ang kambal mo mas masaya sana tayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lolo. May kambal ako?

"Baby pa lang siya ng mawala. Bagyo noong nanganak ang mama niyo. Kami lang ang magkasama doon sa hospital at ikaw lang ang nailigtas ko. Sabay silang nawala sa'kin, ikaw na lang ang mayroon ako."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Contracted Wife   Chapter 32: Peace Offering?

    Gaya ng ipinangako ni Lawrence, hindi nga siya umalis ng mansion kinaumagahan. Maaga siyang nagising, at pagbaba ko sa sala, sinabi na lang sa'kin ni Butler Paul na nasa kusina daw ito at nagluluto. Dahan-dahan naman akong naglakad upang silipin siya. Napangiti ako nang makita ko itong nagluluto na sumasayaw-sayaw pa habang kumakanta. "Maganda yata ang gising ng isang ito," bulong ko at umiling. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at hindi ko na inabala pa. Dumeritso na ako sa garden upang maglakad-lakad, para naman ma exercise ang katawan ko. Labis kung kinagigiliwan ang naghahalong amoy ng mga bulaklak na halaman namin, mas nangingibabaw pa nga ang halimuyak ng sampagita. No wonder kung bakit ito ang naging pambansang bulakalak. "Good morning love! Dinala ko na rito ang breakfast natin, naisip ko kasi mas maganda kung preskong hangin ang nalalanghap mo habang kumakain tayo," ani ni Lawrence na naglalakad habang may dala-dalang plato. Sa likod niya naman nakasunod si Butler Pa

  • The Billionaire's Contracted Wife   Chapter 31: Jealous Wife

    Kahit gustuhin ko man na layuan na lang si Lawrence, hindi sang-ayon sa plano ko itong si Boboy. Siguro kung maliit pa ang tyan ko, tiyak na kahit hindi niya ako tulungan, makakaya kong lumayo mag-isa."We're here." Binuksan na niya ang pinto ng kotse pero bago ako tuluyang makababa, hinawakan pa niya ang kamay ko. "Huwag kang padalos-dalos. Hintayin mo muna na lumabas ang bata bago ka magdesisyon. Malay natin, magbago pa ang isip ng asawa mo."Tumango na lang ako at nagbuntong hininga. "Salamat sa lahat Boboy."Nginitian niya lang ako at tinapik sa balikat. "Nandiyan ka na pala Love. Kumusta? Masakit pa ba ang ulo mo? Ano ang sabi ng doctor?"Kaagad akong sinalubong ni Lawrence. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Thank you David, ingat ka sa byahe." Kinawayan niya si David bago ito tuluyang naka alis."Love, nagkita na ba kayo ni Abby?" Hindi ko mapigilan na magtanong sa kaniya. Naglalaro pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Abby kanina. Palagay ko may koneksiyon siya sa unang

  • The Billionaire's Contracted Wife   Chapter 30: Abby's Comeback

    [AFTER 3 MONTHS]Sobrang tahimik sa bahay simula ng bumalik na ako sa mansion. Lagi na lang ako sa kwarto dahil mabilis na rin akong makaramdam ng pagod dahil malaki na ang tyan ko. Si Lawrence naman laging wala, busy sa business at panay out of town sila. Aaminin kung nakakabagot sobra.Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang sa kama. It's Boboy calling."Katkat, tama nga ang hinala mo. May inilagay sa relos na ibibigay ni Anthony sa asawa mo. It's a tracker," aniya kaya napaupo ako ng wala sa oras."Kaya pala natunton tayo ng mga taong 'yon sa beach? Sinasabi ko na nga ba, si Anthony ang banta sa buhay ni Lawrence," sagot ko na nagngingitnhit sa galit.Anthony never calls me again, hindi na siya nagparamdam sa'kin after noong nawala si lolo. Baka nalaman niya na hindi ako talaga pumapanig sa kaniya kaya siya na mismo ang gumagawa ng paaraan para makaganti."Oo, iyon nga ang dahilan. Ito ang masasabi ko sa'yo Katkat, huwag kang lalabas sa mansion niyo,

  • The Billionaire's Contracted Wife   Chapter 29: Unwind

    “Akala ko ba busy ka?” untag ko sa kaniya, at pakiramdam ko nagsasalubong pa ang aking mga kilay. “I can cancel all my meetings just to be with you, Love,” aniya kaya hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Hinawakan niya ako sa pisnge at napansin ko naman ang bago niyang relos na tila may kakaiba akong napansin. Hindi ko na lang ito ipinahalata sa kaniya.“You miss us?” tanong ko at walang ano-ano’y hinalikan niya ako sa labi.“I miss you a lot. Sa bawat minuto ikaw lang ang laman ng isip ko,” aniya. Hawak kamay kaming naglakad sa buhangin at sabay namin na pinagmasdan ang mga alon at pinakinggan ang paghampas nito sa dalampasigan. Napaka gaan sa pakiramdam, pakiramdam na minsan ko na lang ulit naramdaman simula nang makilala ko siya. “Mukhang malalim yata ang iniisip mo, love?” tapik sa’kin ni Lawrence na nanliliit pa ang mga mata.Sa mga nangyayari ba naman sa buhay ko, sa mystery na bumabalot dito, siguro normal lang talaga na mag isip ako ng sobrang lalim.Umi

  • The Billionaire's Contracted Wife   Chapter 28: Weird

    “Bakit ganiyan ang mukha mo?” salubong sa’kin ni Boboy nang lumabas na ako sa kwarto.“Para bang binabangungot na naman ako kagabi,” wika ko at napa buntong hininga. “Huwag kang masyadong mag papaka stress,” aniya.Napapansin ko, simula ng magbuntis ako, mas nagiging madalas na rin ang mga masama kung panaginip. Hindi ko alam kung dahil lang sa pagbabago ng hormones ng katawan ko, o may kung ano pang dahilan. Basta’t ang tanging alam ko, may mali, at may dapat akong alamin.Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na ako sa kwarto ni lolo at nakita ko naman na may hinahalungkat siya sa kaniyang aparador. Nilapitan ko siya ngunit tumigil siya sa kaniyang ginagawa nang mapansin niya ang paglapit ko. “Apo,” tawag niya sa’kin. “Lolo, may hinahanap po ba kayo?” Umiling siya at naupo sa kama niya. Pinagmasdan ko lang siya at napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Tila ba ayaw niya akong tingnan sa mga mata.“Lolo may masakit po ba sa’yo?” muli kong tanong sa kaniya. Kagaya kanin

  • The Billionaire's Contracted Wife   Chapter 27: The Scrapbook

    Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status