Search
Library
Home / Romance / The Billionaire's Contracted Wife / Chapter 2: Hello Mr Llego.

Chapter 2: Hello Mr Llego.

Author: Jenny
2025-06-20 19:14:15

Makalipas ang tatlong taon simula ng maganap ang ikinakahiya kong pagsira sa kasal ni Lawrence, nakapagtapos na ako sa pag-aaral at malusog at malakas na rin si lolo.

"Miss Del Vega, pinapatawag ka ni madam sa office niya. May importante yatang sasabihin."

Tumango ako kay Chelsey at nginitian ko siya. Ano kaya ang kailangan ni madam sa'kin? Hindi naman siguro uutusan na naman niya akong makipag meet sa ibang CEO.

"Good morning, madam."

Ngumiti siya nang makita ako at kaagad naman itong tumayo at lumapit sa'kin. Tila excited pa sa ibabalita niya.

"Magandang balita para sa kompaniya natin, Kath. Kaninang umaga lang inaprubahan ni Mr. Llego ang collaboration contract na inaalok ko sa kaniya. Ang sabi niya, ikaw daw ang papuntahin ko sa opisina niya para ma pirmahan niya ang kontrata," magiliw na balita ni madam Luz.

Para akong binuhusan ng tubig na may yelo. Hindi ako nakasagot kaagad. Mr Llego? As in Kurt Lawrence Llego?

"Ayos ka lang ba, Kath? Tila namumutla ka? May sakit ka ba?" Kinapa ni madam ang mukha ko kaya nabalik ako sa huwesyo.

"Ayos lang po ako madam, masaya po ako sa balita mo."

Kumunot ang kaniyang mga noo at pinitik ang noo ko. "May masaya bang nakabusangot na tila iiyak ano mang oras?"

"Tears of joy, at hindi ako nakabusangot. Nagulat ako lang ho ako, kasi hindi ko alam paano mo siya napapayag," wika ko.

"Tinanong niya lang naman kung empleyado kita, and after that hindi na siya nagdalawang isip na mag yes," mabayang nitong turan at pumalakpak. "Magkakilala ba kayo?" taka niyang tanong.

"Hindi ah," ani ko.

"Aba, defensive si inday," aniya at pinagtawanan pa ako. "Oh siya, ito ang kontrata, puntahan mo siya sa mismong opisina niya. Magpahatid ka na lang sa driver ko," aniya at tinapik ako sa balikat. "Sa'yo nakasalalay ang kompanya."

Wala akong nagawa kun'di ang sumunod. Pagkalabas ko sa kotse literal na napa sign of the cross ako dahil sa kaba. Diretso ang lakad ko, pinagbuksan naman ako ng pinto ni manong guard.

"You are Miss Katherine Del Vega?" Sinalubong ako ng babaeng matangkad, at tumango naman ako. "Follow me, Miss."

Huminto kami sa CEO's office. "Nasa loob si Boss," aniya at iniwan na ako.

Kumatok ako ng tatlong beses. "Come in." Malamig na boses ang naging tugon nito sa'kin.

Dahan-dahan akong pumasok at halos mabitawan ko yong envelope na hawak ko nang muntik ko pa siyang mabunggo. Nakatayo lang pala siya sa pintuan, hinihintay ang pagpasok ko.

"So it's really you," aniya at tinititigan ako ng maigi. Halos hindi siya kumurap, at nakakatunaw ang mga titig niya.

"I'm here for the contract signing, po." Nanginginig ako habang inaabot sa kaniya ang envelope.

Imbes na tanggapin ito, kamay ko ang hinawakan niya. "Are you nervous? Come on, hindi ako kumakain ng nakatayo," aniya at lumapit sa tainga ko. "Relax, love."

Napakagat-labi ako dahil dito at kusa akong umtras. Siguro kung mananatili siyang ganiyan, hihimatayin ako ng wala sa oras. Nakakatakot ang aura niya, ibang-iba noong tinakbuhan ko siya.

"Sir, pipirmahan mo po ba o hindi, kasi aalis na lang ako," lakas loob kong sabi.

"Walang aalis. Akala mo ba makakatakas ka ulit gaya ng pagtakbo mo palayo sa'kin dati? You are wrong Miss Del Vega." Ngumisi siya at hinawakan ang pisnge ko. "Itong mukha na 'to ang hinding-hindi ko makakalimutan. Ikaw ang nagbalik sa trauma ko sa nakaraan, ngayong nahanap na ulit kita, hindi na kita pakakawalan."

"I'm sorry, hindi ko naman sinasadya. Matinding pangangailangan ang nag udyok sa'kin na gawin iyon," pilit kong pangangatwiran.

"At matindi rin ang pangangailangan ko ngayon, kaya't hindi kita pakakawalan. Pipirmahan ko ang kontrata, kung magpapakasal ka sa'kin," aniya na lubos kong ikinakumo.

"Paano ayaw ko?" Sa totoo lang alam ko ang tunay niyang dahilan bakit niya ako gustong pakasalan. Marahil naghihiganti siya sa nagawa ko o mas higit pa roon. Sabi nga nila habang may lupa pa, tumakbo ka na. Pero ako, paano ako tatakbo sa sitwasyong ito? Sa akin nakasalalay ang kompanya ni Madam Luz.

"Kung hindi mo ako pakakasalan, mawawalan ka ng trabaho at sisiguraduhin ko na wala ng tatanggap sa iyo, kahit saang lugar ka pa magtungo," seryoso at mag halong banta niyang wika.

"Patayin mo na lang ako kung ganoon."

"Hindi kita papatayin ng ganun-ganun lang. Papatayin kita sa sarap," bulong niya sa tainga ko kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Bakit ba gusto mo akong pakasalan?"

"Dahil ikaw, ikaw ang pumatay sa nobya ko."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP