Nagising na lang ako dahil sa kalabit ni Lawrence. I gave him a what do you want look, pero tinitigan lang ako nito sa mata.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganiyan. Mukhang naghahanap ka yata ng sakit sa katawan," pagbabanta ko dito. "Nandito na sila papa at mama. Kanina pa kita ginigising, mantika ka pala matulog," reklamo niya habang kumakamot sa batok. "What? Ano'ng gagawin ko?" Natataranta kong tanong sa kaniya at bahagya kong inayos ang sarili ko. "Maliligo na muna ako," wika ko at kaagad na tinakbo ang shower room. Nanginginig pa nga ako ng pihitin ko ang button ng shower. Panic level ko is to the max. Paano ko ba sila haharapin? Ano'ng una kong sasabihin sa kanila? Nasampal ko na lang ang sarili ko. "One wrong move, nasa death list na ako nito. Isang mafia ang ama ni Lawrence, kaya kailangan umayos ako this time." Huminga ako ng tatlong beses bago tuluyang lumabas sa banyo. Naabutan ko naman si Lawrence na may inilalapag na paper bag sa kama. "You wear this, babagay ito sa maputi mong balat." Ang gara ng damit na binili niya, mamahalin at pang sosyal. Tumingin muna ako sa kaniya bago ko ito tanggapin. "Thank you, pero hindi ako sanay mamuhay ng ganito kagara," wika ko. "Sasanayin kita," aniya at hinawakan ako sa pisnge. Ang mga titig niya ay para bang hinihigop ang enerhiya ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagpaalam aa kaniya na magbibihis na. "Double time, Kath. They are waiting for us," dinig kong sigaw ni Lawrence. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. "Shala, ang ganda. Kung ipinanganak siguro ako na ganito kayaman, hindi na ako aabot sa ganito para lang makasuot ng ganitong damit." Ilang beses pa akong napalingon sa salamin bago lumabas. Dahan-dahan akong naglabas at sinilip muna kung nasa loob pa ba si Lawrence. "Oh? Sino'ng hinahanap mo?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Lawrence na hinihintay na pala ako sa may pintuan. "Ano ba, nanggugulat ka naman." Napahawak ako sa dibdib ko pero tinawanan niya lang ako at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Napakaganda. Kamukhang-kamukha mo nga siya," bulong niya kaya nailang tuloy ako. "Let's go?" Hinawakan niya ang kamay ko at sa ganoong ayos kami bumaba. Naabutan namin ang mga magulang niya sa garden. Parang seryoso ang pinag uusapan nila. Tumikhim si Lawrence kaya sabay silang napalingon. Kitang-kita sa mukha ng mama niya ang sobrang gulat, napatayo pa nga ito. "Oh my goodness. Is that Katherine?" Hindi makapaniwala niyang turan. "Yes, she is Katherine. Katherine Del Vega, my one and only wife. I want you to welcome her and treat her just like how you treat me. I don't want to hear insulting words from you," wika ni Lawrence na akala mo naman inuutusan ang mga magulang. "Your wife?" nagtataka na tanong ng papa niya. Kunot ang noo, nakataas ang kilay habang nakatitig sa'kin. Shocks, tindig palang niya makikita mo na na isa talaga siyang mamamatay tao, I mean Mafia. Seryoso ang mukha niya at hindi mo mababasa kung ano ang iniisip, basta ang alam ko nagtataka siya sa sinabi ni Lawrence. "Yes. We are already married," anunsiyo ni Lawrence at hinawakan ang kamay ko. Maski ako nagulat nang makita kong may singsing na pala sa daliri ko. Hindi ko manlang ito napansin kanina. "That's good, son! Kung ganoon, wala na tayo dapat na ikabahala." Ngumisi ang ama niya at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko. "Welcome to our family. Whoever dared to hurt you will be part of my death list," bulong niya sa'kin kaya kinabahan tuloy ako. "Huwag mo namang ginugulat, Ernesto," saway ng mama ni Lawrence. "Hija, welcome to our family. Masaya kami na nakapili na si Lawrence ng babaeng mamahalin niyang muli. Masaya kami sa iyong pagdating," aniya at niyakap ako. "Thank you po sa pagtanggap sa akin. Patuloy ko pong mamahalin ang anak ninyo," sagot ko. Syempre, hindi ako papatalo kahit nanginginig ang tuhod ko. "Excuse us, may pupuntahan lang kami," wika ni Lawrence at hinatak ako palabas. "Hindi kaya nagtaka ang papa mo?" Natahimik ako bigla at hindi ko na maituloy pa ang susunod na sasabihin dahil bigla na lang akong hinalikan ni Lawrence. "Ano ba?" Inis kong singhal sa kaniya. "Patuloy na mamahalin pala ha," mapang-asar niyang sabi. Inirapan ko lang siya at nauna na akong maglakad. "Sige, kapag naligaw ka, huwag kang iiyak," aniya kaya napatingil ako. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Island Viel. We will continue of honeymoon there." "Aba, akala mo naman totohanan 'to. Pauwiin mo nga muna ako sa'min. Baka miss na ako ni lolo." "Okay then, let's go." Pumayag siya ng ganoon kabilis, pero hindi ko alam kung ano ang kapalit na naman nito. Mabilis akong sumakay sa kotse. "Dadaan na din tayo sa mall," aniya at nagsimula ng magmaneho. Hindi ko maiwasang mamula nang maalala ko ang nangyari sa amin kahapon. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Baka nananaginip lang ako eh. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Minamadali na ba ni Lord ang buhay ko? Baka bukas niyo patay na ako. "Ang lalim naman ng iniisip mo. Talagang nakakunot noo pa." Pinagmasdan pala ako ni Lawrence kahit nagmamaneho ito. "Ganiyan ka ba ka inlove sa'kin? Maski kahit nagmamaneho ka sa'kin parin nakalagi ang mata mo?" Hindi na siya umimik. Sabagay, gusto niya lang naman ako kasi naniniwala siya na ako si Katherine. Pinipilit niya sa sarili niya na buhay ang taong mahal niya. Ang totoo niyan, natatakot ako na baka dumating sa punto na mahalin ko na siya, pero ibang Katherine ang mahal niya, at hindi iyon ako, ako na pinakasalan niya kun'di ang ex niyang patay na. "We're here." Tinapik niya ako sa balikat kaya nabalik ako sa wisyo. Bumaba ako aa kotse niya. Pagkakatok ko ay kaagad bumungad sa'kin si Lolo. Ang lapad ng ngiti at kaagad akong niyakap. "Magandanh umaga po," bati ni Lawrence ngunit natigilan si Lolo. Ang mga mata niya ay parang may kung ano'ng takot. "Magkilala kayo?" he asked me. Tumango lang ako pero nagulat ako nang hatakin niya ako papasok aa bahay. Kilala niya ba si Lawrence?