"What's wrong, lolo?" Napatanong si Lawrence dahil sa inasta ni lolo.
Para naman siyang natauhan kaya binitawan ang kamay kong mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. Tila ba'y natatakot siya na mapalapit ako kay Lawrence. "Ah, w-wala naman. Pasok kayo," aniya at hinayaan na makapasok si Lawrence sa loob ng aming tirahan. Nakakahiya kasi hindi ito kasing gara ng mansiyon nila. "Pagpasensyahan mo na at wala kaming aircon dito," ani ni lolo. "Naku, wala po iyon Lolo." Walang arte itong umupo sa couch at nakangiti pa habang kinakausap si lolo. "Gusto ko nga po pala ipag-paalam si Kath. Isasama ko siya sa isang business trip, mga buwan din siyang mawawala sa tabi ninyo. Pero huwag po kayong mag alala, aalagaan ko naman siya," panimula nito. Kitang-kita ko naman ang pagbabago ng expresiyon sa mukha ni lolo. Tila ba'y sumimangot ito at may kung ano'ng pangamba akong nakikita galing sa kaniyang mga mata. "Apo, akala ko ba---" "Lolo, siya na po ngayon ang bago kong Boss. Siya ang kaisa-isang anak ni Mr. Ernesto Llego," putol ko sa sasabihin niya. Natigilan siya saglit. Kinabahan tuloy ako, kasi alam ko ang ugali ni lolo. Kapag natatahimik siya, ibig sabihin niyan, nag aalangan siya. Alam kaya niyang Mafia ang ama ni Lawrence? "Ikaw ba ang nagpadala dito nitong dalawa kong kasama?" baling niya kay Lawrence. "Ako nga po," pag amin naman nito. "Isa lang ang hihilingin kong pabor. Paka-iingatan mo itong apo ko," ani ni lolo. "Huwag po kayong mag-alala, ako po ang bahala sa kaniya," sagot ni Lawrence na nakangiti. Ang galing naman pala niyang umarte, papasa ang isang ito sa pag aartista. "Apo, lagi kang mag-iingat. Ang lagi kong habilin sa iyo, huwag mong kalimutan," paalala ni lolo. "Hindi ko po iyon nakakalimutan, Lo. Mag iingat ka rin po dito. Ma mimiss kita," wika ko at niyakap siya ng mahigpit. Hindi na rin kami nagtagal dahil panay kalabit na sa'kin si Lawrence. Atat na yatang umalis. Nang matapos kaming mag paalam kay lolo, dumiretso kami sa mall. Hindi basta mall lang, kun'di ang pinaka sikat na mall sa lugar namin. Ang mga taong nakakakita kay Lawrence ay yumuyuko. "Magandang umaga, Mr. Llego, ganoon din sa napakagandang binibini na iyong kasama," bati sa amin ng guard. "She's my wife," ani nito kaya nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? Ipagkakalat niyang asawa niya ako? Akala ko ba, asawa lang sa loob ng mansiyon nila? "Sh*t, maikli pala ang dress na napili ko para sa'yo. Kaya naman pala kung makatitig ang guard na iyon, kala mo huhubaran ka na," reklamo nito habang nasa elevator kami. "Grabe ka naman. Knee-length na nga ito, ang Oa mo naman sa huhubaran. Hindi ba p'weding maganda lang talaga ako kaya agaw pansin?" "Tsk. Shut up," aniya na tila nagbago ang mood. Lakas ng tama ng bilyonaryong ito. "I want this," turo niya sa underwear na itim. Nanlakaki ang mata ko nang harapin ko siya. "Bakla ka?" Sinamaan niya ako ng tingin at pinitik sa noon. "This is for you. Ano'ng bakla? Baka gusto mo di makalakad ng ilang araw," pikon nitong turan. Natawa naman ako at napahawak aa bibig. "Siraulo." "Ako ang pipili ng mga damit mo," aniya at hinila ako. Ganito niya rin ba itrato si Katherine? Or mas gentle siya doon? Malamang mahal niya 'yon eh. Syempre alagang-alaga iyon. Pero, bakit nga kaya namatay siya? "Are you still listening?" Galit niya akong nilingon hawak-hawak ang isang color black na bra. Napatingin sa'min ang karamihan kaya hinawakan ko ang kamay niya at iginiya pababa. "Hindi mo naman kailangan itaas iyan eh. Kita mo, pinagtitinginan na tayo. Kakahiya tuloy, bra pa naman hawak mo, iwinawagayway mo pa," namumula kong wika. "You're blushing," aniya at itinaas mula ang hawak niya. "Ano'ng nakakahiya dito?" "Iiwan talaga kita dito kapag pinagpatuloy mo pa iyan," naiiyak ko ng sabi kaya naman umayos na siya. "This dress is good for you. Isukat mo nga ito, and this, itong kulay black din na evening gown," utos nito. Ang dami niyang ini-abot sa'kin kaya nahirapan pa akong tanggapin ito. "Ako na magdadala sa loob. Wait me," aniya at lumapit sa isang babae. "Okay, wala munang papasok sa fitting room. Mr. Llego rented it for an hour," ani ng sales lady. He rented it for an hour? Isang oras ba akong magsusukat dito? "Tara," aniya at nauna pa sa loob. "You start fitting those dresses," utos nito at naupo. "Manunuod ka habang nagbibihis ako?" taka kung tanong. "May inner ka naman 'di ba?" Nahihiya akong tumango. Kagat-labi tuloy akong naghubad ng dress na suot ko. "Umayos ka, Katherine. Huwag mo akong aakitin baka hindi ako makapagpigil," banta nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Talaga namang may sayad pala ang utak mo ano? Sino bang matinong lalaki ang manunuod sa babae na magbihis, aber?" inis kong sagot aa kaniya. Tumayo naman ito at hinawakan ako sa balakang. "I love watching you, your body," bulong niya at ngumisi pa. Kaagad kong isinuot ang unang dress na naabot ng kamay ko. Kinabahan kasi ako, baka tuloy magka scandal pa kami dito. "It looks good in you. We will buy this," aniya at pinahubad na sa'kin. Hanggang sa huling isinukat ko, puro approve lang siya. Wala akong narinig na, pangit hindi bagay. Grabe naman ang lalaking ito, ang mamahal pa naman ng mga iyon. Pero sabagay, mayaman naman talaga siya, barya kang iyon. "I don't want you to think that I'm taking advantage on you," wika ko habang naglalakad na kami palabas. "And who told you that I would think like that?" baling niya sa'kin. "You're my legal wife, and you'll be the mother of my future children. Come on, Katherine, just go with the flow,"aniya at inakbayan ako. "Sh*t! Nabuhay pa yong jowa niyang nakita nating inilibing?" Napalingon ako sa babaeng tumigil aa paglalakad nang makita kami. Tinapik lang ni Lawrence ang balikat ko. "Boss---" "I am not your boss," aniya at pinanlakihan ako ng mata. "Hello. Ang unang offer mo sa'kin, maging personal assistant mo. Tapos biglang kasal, at ngayon hindi ko na alam kung saan ba talaga ako lulugar." "Sa opisina, personal assistant kita, dahil gusto kitang masulo. Gusto kong lagi kang kasama, pero hindi mo ako kailangan tawagin na boss." "Eh, iyon ang gusto ko. By the way, thank you dito sa mga pinamili natin, boss." I winked at him at hinalikan sa pisnge. I don't know where did I get the guts na kausapin siya ng ganito. All I know is, after sa nangyari sa'min, bigla akong naging komportable na sa kaniya. Iyong takot ko sa kaniya noong una, biglang nawala. "I'm willing to give you, all you want. Just be mine."Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang
“Mahirap ang ganitong code, Kath. Hindi kasi ito basta-basta lang,” wika ni Boboy habang hawak ang tela na ipinakita ko. Napapakamot siya sa batok, pero titig na titig sa nakasulat dito.“Talaga ba? Pero kaya mo naman yan i-solve ‘di ba?”Nag aalanganin siyang ngumiti saka umiling. “Hindi ako sure kung kakayanin ko,” sagot niya kaya napa kunot noo naman ako.“Bakit naman? Pulis ka ‘di ba? At sabi ni Lawrence mahilig ka sa mga ganiyan simula noong mga bata pa tayo,” sagot ko naman na hindi makapaniwala sa naging sagot niya.“Susubukan ko, pero hindi ko pa ito magagawa ngayon. Isa pa may ibang bagay na ibinilin ang asawa mo. May pinapahanap din siya sa’kin, kaya sana maintindihan mo Katkat,” paliwanag niya kaya kinuha ko na lang mula sa kamay niya ang sulat.“Sige, may ibang araw pa naman,” sagot ko at tumango naman siya.“By the way, are you related to Anthony?” Nabigla ako sa naging tanong niya. Bakit biglaang naisingit si Anthony sa usapan namin? “Kaibigan siya ng asawa ko, at ako
I decided to call Lawrence. Ilang dial pa ako, pero hindi niya naman sinasagot ito. Naibato ko na lang sa kama ang cellphone ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Maya-maya pa, biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lawrence na malapad ang ngisi. Ano’ng ginagawa niya dito? Akala ko ba on travel siya?“Love, we found your grandfather,” masaya niyang balita kaya naman umatras ang inis ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Where is he?” “Dinala ko na muna siya sa probinsiya niyo, pero ang problema, hindi siya nagsasalita. Ang plano ko na lang sana ay dalhin ka na rin muna doon. Ikaw na muna ang magbantay sa kaniya, while nasa travel ako. Mas mabuti doon, alam kong safe ka.”“Sa probinsiya?” Para bang nakaramdam ako ng excitement nang banggitin niyang dadalhin niya ako sa probinsiya kung saan ako lumaki, pero bigla naman itong nabawi nang mapagtanto ko ang sinabi niya tungkol kay lolo. “Bakit hindi siya nagsasalita? Saan niyo ba siya nakita? May nanakit ba sa kaniya? Oh my goodness. L
Napahawak ako sa ulo ko ng biglaan na naman itong sumakit. Sakit na parang hindi pangkaraniwan. Naupo ako sa kama ng dahan-dahan pero pakiramdam ko, nagdidilim ang paningin ko. “H-help,” I uttered but I know, no one can hear me.Bigla akong nagising na para bang nasa dalampasigan ako. Naririnig ko ang bawat paghampas ng alon. Bumangon ako ng dahan-dahan at napagtanto kong sa buhangin pala ako nahiga. Teka, bakit ako nandito? Nasa kwarto ako kanina, paano’ng napunta ako sa dalampasigan?“Hanapin niyo siya, huwag niyong hayaan na makatakas pa ang babaeng iyon!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa hindi kalayuan. Kaagad naman akong kumilos at naghanap ng mapagtataguan ngunit saka ko rin lang napansin na may sugat pala ako sa paa. Napatingin ako sa damit ko, I never dress like this. “Huwag niyong hayaan na makalayo siya. Halughugin niyo ang buong isla!” Sa malapitan, nakilala ko kung sino siya. It is Anthony. May hawak siyang baril at kasama niya ang kaniyang mga tauhan. “S
Nagmistulang tuod ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “Bakit ka nandito?” ramdam ko ang galit sa tono ng kaniyang pananalita.“I just came here to meet Gwen,” pagsisinungaling ko.“And you didn’t ask my permission first?” “Bakit? Umalis ka rin naman na hindi manlang nagsabi kung saang lupalop ka ng mundo pupunta,” sagot ko at tumayo ng padabog.“Boss, we’re just having a snack. Wala naman yatang masama,” sabat pa ni Gwen.“At isa ka pa. You filed for a week leave, right?” Tinuro niya si Gwen kaya tumango naman ito.“Hindi lang 1-week ang ibibigay ko sa’yo. Hindi ka na babalik sa opisina ko, you’re fired!” Hinila ako ni Lawrence palayo kay Gwen. “Ano ba Lawrence! Hindi naman yata makatarungan ang ginagawa mo. Walang kasalanan si Gwen, bigla mong tatanggalin?”“It’s okay Kath, hindi ko na rin naman kaya pang magtagal sa kompaniya ng asawa mo. Masyadong toxic at hindi mo alam kung sino ang pweding sumaksak sa’yo patalikod,” ani n
Kinagabihan, nagpanggap akong tulog pero pinakikiramdaman ko lang ang mga kilos ni Lawrence. Hindi siya nagpaalam sa’kin na aalis siya this night, pero umaasa ako na gigisingin niya ako para ipaalam sa’kin ang lakad niya.Naramdaman ko na lang na sumarado na ang pinto, at nang magmulat ako ng mata, wala na siya. Umalis na hindi man lang nagpaalam. Makatarungan ba iyon? Nagmadali akong nagbihis at dahan-dahan na bumaba. Sa likod ng mansion din ako dumaan, mabuti at naiwan lang ni Lawrence sa aparador ang susi ng gate sa likod. Buti dito, walang bantay kaya siguradong makakalabas ako ng walang nakaka pansin sa’kin.“Anak, sorry kung pasaway ang mommy mo ha. Ngayon lang naman ito,” wika ko habang nakahawak sa tiyan ko. Naglakad lang ako papunta sa café na sinabi ni Gwen. Nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na siyang nakatayo sa labas na may hinihintay. Nang mapansin niya naman ako ay kaagad itong kumaway habang ngumingiti.“Ayos ka lang? Parang hingal na hingal ka yata,” aniya at inalal