Search
Library
Home / Romance / The Billionaire's Contracted Wife / Chapter 7: Crazy Billionaire

Chapter 7: Crazy Billionaire

Author: Jenny
2025-06-25 20:32:07

"What's wrong, lolo?" Napatanong si Lawrence dahil sa inasta ni lolo.

Para naman siyang natauhan kaya binitawan ang kamay kong mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. Tila ba'y natatakot siya na mapalapit ako kay Lawrence.

"Ah, w-wala naman. Pasok kayo," aniya at hinayaan na makapasok si Lawrence sa loob ng aming tirahan. Nakakahiya kasi hindi ito kaaing gara ng mansiyon nila. "Pagpasensyahan mo na at wala kaming aircon dito," ani ni lolo.

"Naku, wala po iyon Lolo." Walang arte itong umupo sa couch at nakangiti pa habang kinkausap si lolo.

"Gusto ko nga po pala ipag-paalam si Kath. Isasama ko siya sa isang business trip, mga buwan din siyang mawawala sa tabi ninyo. Pero huwag po kayong mag alala, aalagaan ko naman siya," panimula nito.

Kitang-kita ko naman ang pagbabago ng expresiyon sa mukha ni lolo. Tila ba'y sumimangot ito at may kung ano'ng pangamba akong nakikita galing sa kaniyang mga mata.

"Apo, akala ko ba---"

"Lolo, siya na po ngayon ang bago kung Boss. Siya ang kaisa-isang anak ni Mr. Ernesto Llego," putol ko sa sasabihin niya.

Natigilan siya saglit. Kinabahan tuloy ako, kasi alam ko ang ugali ni lolo. Kapag natatahimik siya, ibig sabihin niyan, nag aalangan siya.

"Ikaw ba ang nagpadala dito nitong dalawa kong kasama?" baling niya kay Lawrence.

"Ako nga po," pag amin naman nito.

"Isa lang ang hihilingin kung pabor. Paka-iingatan mo itong apo ko," ani ni lolo.

"Huwag po kayong mag-alala, ako po ang bahala sa kaniya," sagot ni Lawrence na nakangiti. Ang galing naman pala niyang umarte, papasa ang isang ito sa pag aartista.

"Apo, lagi kang mag-iingat. Ang lagi kong habilin sa iyo, huwag mong kalimutan," paalala ni lolo.

"Hindi ko po iyon nakakalimutan, Lo. Mag iingat ka rin po dito. Ma mimiss kita," wika ko at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi na rin kami nagtagal dahil panay kalabit na sa'kin si Lawrence. Atat na yatang umalis.

Nang matapos kaming mag paalam kay lolo, dumiretso kami sa mall. Hindi basta mall lang, kun'di ang pinaka sikat na mall sa lugar namin. Ang mga taong nakakakit kay Lawrence ay yumuyuko.

"Magandang umaga, Mr. Llego, ganiin din sa naoakagandang binibini na iyong kasama," bati sa amin ng guard.

"She's my wife," ani nito kaya nanlaki ang mga mata mo. Seryoso ba siya? Ipagkakalat niyang asawa niya ako? Akala ko ba, asawa lang sa loob ng mansiyon nila?

"Sh*t, maikli pala ang dress na napili ko para sa'yo. Kaya naman pala kung makatitig ang guard na iyon, kala mo huhubaran ka na," reklamo nito habang nasa elevator kami.

"Grabe ka naman. Knee-length na nga ito, ang Oa mo naman sa huhubaran. Hindi ba p'weding maganda lang talaga ako kaya agaw pansin?"

"Tsk. Shut up," aniya na tila nagbago ang mood. Lakas ng tama ng bilyonaryong ito.

"I want this," turo niya sa underwear na itim.

Nanlakaki ang mata ko nang harapin ko siya. "Bakla ka?"

Sinamaan niya ako ng tingin at pinitik sa noon. "This is for you. Ano'ng bakla? Baka gusto mo di makalakad ng ilang araw," pikon nitong turan.

Natawa naman ako at napahawak aa bibig. "Siraulo."

"Ako ang pipili ng mga damit mo," aniya at hinila ako.

Ganito niya rin ba itrato si Katherine? Or mas gentle siya doon? Malamang mahal niya 'yon eh. Syempre alagang-alaga iyon. Pero, bakit nga kaya namatay siya?

"Are you still listening?" Galit niya aking nilingon hawak-hawak ang isang color black na bra. Napatingin sa'min ang karamihan kaya hinawakan ko ang kamay niya at iginiya pababa.

"Hindi mo naman kailangan itaas iyan eh. Kita mo, pinagtitinginan na tayo. Kakahiya tuloy bra pa naman hawak mo, iwinawagayway mo pa," namumula kong wika.

"You're blushing," aniya at itinaas mula ang hawak niya. "Ano'ng nakakahiya dito?"

"Iiwan talaga kita dito kapag pinagpatuloy mo pa iyan," naiiyak ko ng sabi kaya naman umayos na siya.

"This dress is good for you. Isukat mo nga ito, and this, itong kulay black din na evening gown," utos nito. Ang dami niyang ini-abot sa'kin kaya nahirapan pa akong tanggapin ito.

"Ako na magdadala sa loob. Wait me," aniya at lumapit sa isang babae.

"Okay, wala munang papasok sa fitting room. Mr. Llego rented it for an hour," ani ng sales lady. He rented it for an hour? Isang oras ba akong magsusukat dito?

"Tara," aniya at nauna pa sa loob.

"You start fitting those dresses," utos nito at naupo.

"Manunuod ka habang nagbibihis ako?" taka kung tanong.

"May inner ka naman 'di ba?"

Nahihiya akong tumango. Kagat-labi tuloy akong naghubad ng dress na suot ko.

"Umayos ka, Katherine. Huwag mo akong aakitin baka hindi ako makapagpigil," banta nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Talaga namang may sayad pala ang utak mo ano? Sino bang matinong lalaki ang manunuod sa babae na magbihis, aber?" inis kong sagot aa kaniya.

Tumayo naman ito at hinawakan ako sa balakang. "I love watching you, your body," bulong niya at ngumisi pa.

Kaagad kong isinuot ang unang dress na naabot ng kamay ko. Kinabahan kasi ako, baka tuloy magka scandal pa kami dito.

"It looks good in you. We will buy this," aniya at pinahubad na sa'kin.

Hanggang sa huling isinukat ko, puro approve lang siya. Wala akong narinig na, pangit hindi bagay. Grabe naman ang lalaking ito, ang mamahal pa naman ng mga iyon. Pero sabagay, mayaman naman talaga siya, barya kang iyon.

"I don't want you to think that I'm taking advantage on you," wika ko habang naglalakad na kami palabas.

"And who told you that I would think like that?" baling niya sa'kin. "You're my legal wife, and you'll be the mother of my future children. Come on, Katherine, just go with the flow,"aniya at inakbayan ako.

"Sh*t! Nabuhay pa yong jowa niyang nakita nating inilibing?"

Napalingon ako sa babaeng tumigil aa paglalakad nang makita kami. Tinapik lang ni Lawrence ang balikat ko.

"Boss---"

"I am not your boss," aniya at pinanlakihan ako ng mata.

"Hello. Ang unang offer mo sa'kin, maging personal assistant mo. Tapos biglang kasal, at ngayon hindi ko na alam kung saan ba talaga ako lulugar."

"Sa opisina, personal assistant kita, dahil gusto kitang masulo. Gusto kong lagi kang kasama, pero hindi mo ako kailangan tawagin na boss."

"Eh, iyon ang gusto ko. By the way, thank you dito sa mga pinamili natin, boss." I winked at him at hinalikan sa pisnge.

I don't know where did I get the guts na kausapin siya ng ganito. All I know is, after sa nangyari sa'min, bigla akong naging komportable na sa kaniya. Iyong takot ko sa kaniya noong una, biglang nawala.

"I'm willing to give you, all you want. Just be mine."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP