LOGINNagising na lang ako dahil sa kalabit ni Lawrence. I gave him a what do you want look, pero tinitigan lang ako nito sa mata.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganiyan. Mukhang naghahanap ka yata ng sakit sa katawan," pagbabanta ko dito. "Nandito na sila papa at mama. Kanina pa kita ginigising, mantika ka pala matulog," reklamo niya habang kumakamot sa batok. "What? Ano'ng gagawin ko?" Natataranta kong tanong sa kaniya at bahagya kong inayos ang sarili ko. "Maliligo na muna ako," wika ko at kaagad na tinakbo ang shower room. Nanginginig pa nga ako ng pihitin ko ang button ng shower. Panic level ko is to the max. Paano ko ba sila haharapin? Ano'ng una kong sasabihin sa kanila? Nasampal ko na lang ang sarili ko. "One wrong move, nasa death list na ako nito. Isang mafia ang ama ni Lawrence, kaya kailangan umayos ako this time." Huminga ako ng tatlong beses bago tuluyang lumabas sa banyo. Naabutan ko naman si Lawrence na may inilalapag na paper bag sa kama. "You wear this, babagay ito sa maputi mong balat." Ang gara ng damit na binili niya, mamahalin at pang sosyal. Tumingin muna ako sa kaniya bago ko ito tanggapin. "Thank you, pero hindi ako sanay mamuhay ng ganito kagara," wika ko. "Sasanayin kita," aniya at hinawakan ako sa pisnge. Ang mga titig niya ay para bang hinihigop ang enerhiya ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagpaalam aa kaniya na magbibihis na. "Double time, Kath. They are waiting for us," dinig kong sigaw ni Lawrence. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. "Shala, ang ganda. Kung ipinanganak siguro ako na ganito kayaman, hindi na ako aabot sa ganito para lang makasuot ng ganitong damit." Ilang beses pa akong napalingon sa salamin bago lumabas. Dahan-dahan akong naglabas at sinilip muna kung nasa loob pa ba si Lawrence. "Oh? Sino'ng hinahanap mo?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Lawrence na hinihintay na pala ako sa may pintuan. "Ano ba, nanggugulat ka naman." Napahawak ako sa dibdib ko pero tinawanan niya lang ako at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Napakaganda. Kamukhang-kamukha mo nga siya," bulong niya kaya nailang tuloy ako. "Let's go?" Hinawakan niya ang kamay ko at sa ganoong ayos kami bumaba. Naabutan namin ang mga magulang niya sa garden. Parang seryoso ang pinag uusapan nila. Tumikhim si Lawrence kaya sabay silang napalingon. Kitang-kita sa mukha ng mama niya ang sobrang gulat, napatayo pa nga ito. "Oh my goodness. Is that Katherine?" Hindi makapaniwala niyang turan. "Yes, she is Katherine. Katherine Del Vega, my one and only wife. I want you to welcome her and treat her just like how you treat me. I don't want to hear insulting words from you," wika ni Lawrence na akala mo naman inuutusan ang mga magulang. "Your wife?" nagtataka na tanong ng papa niya. Kunot ang noo, nakataas ang kilay habang nakatitig sa'kin. Shocks, tindig palang niya makikita mo na na isa talaga siyang mamamatay tao, I mean Mafia. Seryoso ang mukha niya at hindi mo mababasa kung ano ang iniisip, basta ang alam ko nagtataka siya sa sinabi ni Lawrence. "Yes. We are already married," anunsiyo ni Lawrence at hinawakan ang kamay ko. Maski ako nagulat nang makita kong may singsing na pala sa daliri ko. Hindi ko manlang ito napansin kanina. "That's good, son! Kung ganoon, wala na tayo dapat na ikabahala." Ngumisi ang ama niya at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko. "Welcome to our family. Whoever dared to hurt you will be part of my death list," bulong niya sa'kin kaya kinabahan tuloy ako. "Huwag mo namang ginugulat, Ernesto," saway ng mama ni Lawrence. "Hija, welcome to our family. Masaya kami na nakapili na si Lawrence ng babaeng mamahalin niyang muli. Masaya kami sa iyong pagdating," aniya at niyakap ako. "Thank you po sa pagtanggap sa akin. Patuloy ko pong mamahalin ang anak ninyo," sagot ko. Syempre, hindi ako papatalo kahit nanginginig ang tuhod ko. "Excuse us, may pupuntahan lang kami," wika ni Lawrence at hinatak ako palabas. "Hindi kaya nagtaka ang papa mo?" Natahimik ako bigla at hindi ko na maituloy pa ang susunod na sasabihin dahil bigla na lang akong hinalikan ni Lawrence. "Ano ba?" Inis kong singhal sa kaniya. "Patuloy na mamahalin pala ha," mapang-asar niyang sabi. Inirapan ko lang siya at nauna na akong maglakad. "Sige, kapag naligaw ka, huwag kang iiyak," aniya kaya napatingil ako. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Island Viel. We will continue of honeymoon there." "Aba, akala mo naman totohanan 'to. Pauwiin mo nga muna ako sa'min. Baka miss na ako ni lolo." "Okay then, let's go." Pumayag siya ng ganoon kabilis, pero hindi ko alam kung ano ang kapalit na naman nito. Mabilis akong sumakay sa kotse. "Dadaan na din tayo sa mall," aniya at nagsimula ng magmaneho. Hindi ko maiwasang mamula nang maalala ko ang nangyari sa amin kahapon. Gusto kong sampalin ang sarili ko. Baka nananaginip lang ako eh. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Minamadali na ba ni Lord ang buhay ko? Baka bukas niyo patay na ako. "Ang lalim naman ng iniisip mo. Talagang nakakunot noo pa." Pinagmasdan pala ako ni Lawrence kahit nagmamaneho ito. "Ganiyan ka ba ka inlove sa'kin? Maski kahit nagmamaneho ka sa'kin parin nakalagi ang mata mo?" Hindi na siya umimik. Sabagay, gusto niya lang naman ako kasi naniniwala siya na ako si Katherine. Pinipilit niya sa sarili niya na buhay ang taong mahal niya. Ang totoo niyan, natatakot ako na baka dumating sa punto na mahalin ko na siya, pero ibang Katherine ang mahal niya, at hindi iyon ako, ako na pinakasalan niya kun'di ang ex niyang patay na. "We're here." Tinapik niya ako sa balikat kaya nabalik ako sa wisyo. Bumaba ako aa kotse niya. Pagkakatok ko ay kaagad bumungad sa'kin si Lolo. Ang lapad ng ngiti at kaagad akong niyakap. "Magandanh umaga po," bati ni Lawrence ngunit natigilan si Lolo. Ang mga mata niya ay parang may kung ano'ng takot. "Magkilala kayo?" he asked me. Tumango lang ako pero nagulat ako nang hatakin niya ako papasok aa bahay. Kilala niya ba si Lawrence?Gaya ng ipinangako ni Lawrence, hindi nga siya umalis ng mansion kinaumagahan. Maaga siyang nagising, at pagbaba ko sa sala, sinabi na lang sa'kin ni Butler Paul na nasa kusina daw ito at nagluluto. Dahan-dahan naman akong naglakad upang silipin siya. Napangiti ako nang makita ko itong nagluluto na sumasayaw-sayaw pa habang kumakanta. "Maganda yata ang gising ng isang ito," bulong ko at umiling. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at hindi ko na inabala pa. Dumeritso na ako sa garden upang maglakad-lakad, para naman ma exercise ang katawan ko. Labis kung kinagigiliwan ang naghahalong amoy ng mga bulaklak na halaman namin, mas nangingibabaw pa nga ang halimuyak ng sampagita. No wonder kung bakit ito ang naging pambansang bulakalak. "Good morning love! Dinala ko na rito ang breakfast natin, naisip ko kasi mas maganda kung preskong hangin ang nalalanghap mo habang kumakain tayo," ani ni Lawrence na naglalakad habang may dala-dalang plato. Sa likod niya naman nakasunod si Butler Pa
Kahit gustuhin ko man na layuan na lang si Lawrence, hindi sang-ayon sa plano ko itong si Boboy. Siguro kung maliit pa ang tyan ko, tiyak na kahit hindi niya ako tulungan, makakaya kong lumayo mag-isa."We're here." Binuksan na niya ang pinto ng kotse pero bago ako tuluyang makababa, hinawakan pa niya ang kamay ko. "Huwag kang padalos-dalos. Hintayin mo muna na lumabas ang bata bago ka magdesisyon. Malay natin, magbago pa ang isip ng asawa mo."Tumango na lang ako at nagbuntong hininga. "Salamat sa lahat Boboy."Nginitian niya lang ako at tinapik sa balikat. "Nandiyan ka na pala Love. Kumusta? Masakit pa ba ang ulo mo? Ano ang sabi ng doctor?"Kaagad akong sinalubong ni Lawrence. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Thank you David, ingat ka sa byahe." Kinawayan niya si David bago ito tuluyang naka alis."Love, nagkita na ba kayo ni Abby?" Hindi ko mapigilan na magtanong sa kaniya. Naglalaro pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Abby kanina. Palagay ko may koneksiyon siya sa unang
[AFTER 3 MONTHS]Sobrang tahimik sa bahay simula ng bumalik na ako sa mansion. Lagi na lang ako sa kwarto dahil mabilis na rin akong makaramdam ng pagod dahil malaki na ang tyan ko. Si Lawrence naman laging wala, busy sa business at panay out of town sila. Aaminin kung nakakabagot sobra.Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang sa kama. It's Boboy calling."Katkat, tama nga ang hinala mo. May inilagay sa relos na ibibigay ni Anthony sa asawa mo. It's a tracker," aniya kaya napaupo ako ng wala sa oras."Kaya pala natunton tayo ng mga taong 'yon sa beach? Sinasabi ko na nga ba, si Anthony ang banta sa buhay ni Lawrence," sagot ko na nagngingitnhit sa galit.Anthony never calls me again, hindi na siya nagparamdam sa'kin after noong nawala si lolo. Baka nalaman niya na hindi ako talaga pumapanig sa kaniya kaya siya na mismo ang gumagawa ng paaraan para makaganti."Oo, iyon nga ang dahilan. Ito ang masasabi ko sa'yo Katkat, huwag kang lalabas sa mansion niyo,
“Akala ko ba busy ka?” untag ko sa kaniya, at pakiramdam ko nagsasalubong pa ang aking mga kilay. “I can cancel all my meetings just to be with you, Love,” aniya kaya hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Hinawakan niya ako sa pisnge at napansin ko naman ang bago niyang relos na tila may kakaiba akong napansin. Hindi ko na lang ito ipinahalata sa kaniya.“You miss us?” tanong ko at walang ano-ano’y hinalikan niya ako sa labi.“I miss you a lot. Sa bawat minuto ikaw lang ang laman ng isip ko,” aniya. Hawak kamay kaming naglakad sa buhangin at sabay namin na pinagmasdan ang mga alon at pinakinggan ang paghampas nito sa dalampasigan. Napaka gaan sa pakiramdam, pakiramdam na minsan ko na lang ulit naramdaman simula nang makilala ko siya. “Mukhang malalim yata ang iniisip mo, love?” tapik sa’kin ni Lawrence na nanliliit pa ang mga mata.Sa mga nangyayari ba naman sa buhay ko, sa mystery na bumabalot dito, siguro normal lang talaga na mag isip ako ng sobrang lalim.Umi
“Bakit ganiyan ang mukha mo?” salubong sa’kin ni Boboy nang lumabas na ako sa kwarto.“Para bang binabangungot na naman ako kagabi,” wika ko at napa buntong hininga. “Huwag kang masyadong mag papaka stress,” aniya.Napapansin ko, simula ng magbuntis ako, mas nagiging madalas na rin ang mga masama kung panaginip. Hindi ko alam kung dahil lang sa pagbabago ng hormones ng katawan ko, o may kung ano pang dahilan. Basta’t ang tanging alam ko, may mali, at may dapat akong alamin.Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na ako sa kwarto ni lolo at nakita ko naman na may hinahalungkat siya sa kaniyang aparador. Nilapitan ko siya ngunit tumigil siya sa kaniyang ginagawa nang mapansin niya ang paglapit ko. “Apo,” tawag niya sa’kin. “Lolo, may hinahanap po ba kayo?” Umiling siya at naupo sa kama niya. Pinagmasdan ko lang siya at napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Tila ba ayaw niya akong tingnan sa mga mata.“Lolo may masakit po ba sa’yo?” muli kong tanong sa kaniya. Kagaya kanin
Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang







