Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 15 - An Inch Closer

Share

Chapter 15 - An Inch Closer

Author: Olivia Thrive
last update Huling Na-update: 2025-06-06 13:52:00

Gabi pa rin, pagkatapos ng paalalang binitiwan ni Ralph tungkol sa kanilang kontrata. Mainit pa ang katahimikan. Nasa loob pa rin sila ng honeymoon villa — elegante, romantiko, perpekto para sa bagong kasal… ngunit tila hindi sapat para takasan ang emosyong pilit nilang ikinukubli.

“Mas mabuting… maghiwalay muna tayo ng kwarto ngayong gabi.”

“Oh. Okay. Sure.”

“Para lang malinaw ang mga boundaries natin. You know… to avoid any… complications.”

Tango lang ang naging tugon ni Alexis.

"Good night, Mrs. Santillan."

Ngumiti kahit pilit si Alexis. Akmang hahakbang na siya palayo ngunit pinigilan siya ni Ralph at hinagkan sa pisngi. Parte pa rin ba ng pagpapanggap yun? Wala namang tao sa paligid. Narealize ni Alexis na hindi niya dapat bigyan ng malisya ang mga ginagawa ni Ralph. Siya lang ang nagbibigay kahulugan sa mga actions nito. Samantalang ito ay focus lang sa pagpapanggap.

Nagtungo na si Alexis sa silid na binigay ni Ralph. Nakatitig siya sa salamin habang nag aapply ng pang skincare.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 86 - Ralph's Point of View

    Sa bawat gabing lumilipas, hindi ko mapigilang balikan ang gabing iyon. Akala ko matagal ko nang nailibing ang lahat ng sakit. Na wala na akong pakialam. Na kaya ko nang tumayo sa gitna ng mga tao at ngumiti lang na parang walang iniwan sa akin ang nakaraan. Pero nang gabing ‘yon—sa victory party na ‘di ko naman dapat puntahan—lahat ng iniiwasan kong damdamin ay biglang sumambulat. Agad kong nakita si Alexis. Simple pero elegante ang ayos. Hindi kasing engrande ng ibang babae sa paligid, pero sapat para mapahinto siya sa paghinga. May lungkot sa mata nito kahit pinipilit ngumiti. At alam ni Ralph—hindi ‘yun dahil sa pagod. Alam niya, dahil pareho silang nagtatago ng sugat sa likod ng mga ngiti. “Ralph.” Napalingon siya. Si Alexis pala. Nasa harapan niya, hawak ang isang basong half-full ng champagne, ngunit tila hindi rin nasusustento ang lakas ng loob. “Puwede ba kitang hiramin?” Natawa si Ralph, bahagya. “Ha?” “Let's pretend we're a couple?” mariing bulong ni Alexis. “Kahit

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 85 - Julio's regrets

    Nang makarating kay Julio ang balitang nagkita sina Alexis at Ralph sa isang restaurant, para itong bombang biglang sumabog sa tahimik niyang mundo. Hindi man ito planado, hindi iyon naging sapat na dahilan para hindi siya lamunin ng galit at selos. Narinig lang niya ito sa isang common friend na hindi sinasadyang makasabay ni Alexis sa restroom ng restaurant. “Magkasama ba talaga ‘yung dalawa?” usisa ng kaibigan, walang malisya. Pero kay Julio, sapat na ang simpleng balita para mabuo ang haka-haka.Pagkauwi sa bahay, hindi niya napigilang magpakita ng paninibugho kay Alexis.“Bakit hindi mo sinabi?” malamig niyang tanong, bagama’t pilit pinapakalma ang sarili."Ang alin ba?"Napatingin si Alexis sa kanya, halatang nabigla sa tono. "Nagkita raw kayo ni Ralph." ani Julio sa madilim na anyo."Nagkataon lang, Julio. Hindi ko naman planong magkita kami. Nandun lang siya. Hindi naman kami nagtagal.”Pero tila bingi si Julio sa paliwanag. “Nagkakataon? Ganyan din ang sinabi mo noon pero bak

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 84 - Unplanned Meeting

    Isang ordinaryong tanghali lang sana. Mainit ang araw at puno ang kalsada ng ingay ng mga sasakyan. Nais lang ni Ralph na manahimik sandali, malayo sa mga papeles, deadlines, at responsibilidad na kaakibat ng pagiging panganay sa isang tahanang hindi kanya. Kaya’t nagdesisyon siyang kumain sa isang tahimik na restaurant malapit sa opisina. Pagpasok pa lang niya, agad siyang inalok ng table ng waiter, pero hindi iyon ang agad na kumuha ng atensyon niya—kundi ang pamilyar na ngiti ng babaeng naka-upo malapit sa bintana, nakayuko sa menu, tila walang ideya kung anong surpresa ang naghihintay sa kanya. “Alexis?” tawag ni Ralph, halos hindi makapaniwala. Napalingon si Alexis. Napatingin. Natigilan. “Ralph?” tila parehong pagkagulat ang nagtagpo sa gitna ng tanghaling iyon. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang bumalot sa puso ni Ralph. Parang may liwanag na sumabog sa gitna ng araw na kay-init. Hindi niya inaasahan na makikita si Alexis—at sa ganitong paraan pa. Ang mata ng dalaga, bagama

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 83 - First Sign of Jealousy

    Madalas tahimik lang si Ralph kapag may kasiyahan o salu-salo sa bahay nila Julio. Habang abala ang iba sa kwentuhan at tawanan, siya naman ang nagbabantay sa mga pagkain sa mesa, sinisigurong ayos ang mga nakababata, at tahimik lang na umiinom ng kape sa gilid. Hindi ito agad napansin ni Alexis noong una. Pero habang tumatagal ang pagdalaw niya sa bahay nina Julio, unti-unting lumalalim ang pagka-curious niya sa lalaking halos hindi umiimik, pero palaging naroon kapag kailangan. “Kuya Ralph,” bungad minsan ng isa sa mga pinsan ni Julio, “pwedeng patulong po ayusin ‘tong bike ko?” “Dun mo dalhin sa labas, pakita mo sakin.” Walang yabang. Walang reklamo. Nakita ito ni Alexis mula sa terrace at napangiti. Tahimik niyang napansin — sa bawat kilos ni Ralph, may responsibilidad. May pagkalinga na hindi kailangang ipagsigawan. Isang hapon, nadatnan ni Alexis si Ralph sa likod bahay, nagwawalis ng mga tuyong dahon. Nakasando lang ito at mukhang pawis na pawis na, pero hindi alintana ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 82- A Little Fondness

    Habang nakaupo sina Ralph at Julio sa garahe, nilalanghap ang preskong hangin at may tig-iisang bote ng softdrinks sa kamay, biglang nagsalita si Julio. Wala sa tono ng biruan. Wala ring bakas ng pagbibiro sa mata.“Alam mo, Kuya…” panimula niya, habang pinaglalaruan ang tansan ng bote. “Si Alexis, mabait. Maalaga. Galing sa maayos na pamilya. Hindi ko siya mahal, pero ayokong mawala siya.”Napalingon si Ralph, bahagyang napakunot ang noo. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng pag-amin.“Anong ibig mong sabihin?” mahinahon niyang tanong.Napabuntong-hininga si Julio. “Gusto ko siyang maging asawa balang araw. Kasi mabuting babae siya. Responsible, mapagmahal sa pamilya… parang wife material, ‘di ba? Pero hindi ko siya mahal. Hindi ko rin alam kung kailan ko siya mamahalin. Pero sigurado akong ayokong mapunta siya sa iba.”Sa isang banda, naintindihan ni Ralph ang sinasabi ng binata. May mga taong hindi ganap ang pagmamahal, pero hindi rin handang bitiwan ang merong maayos na samaha

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 81 - First Glimpse of Her

    Ang araw na iyon ay isang ordinaryong Sabado para kay Ralph Santillan—isang araw ng tahimik na pahinga mula sa stress ng mga court hearing at legal consultations. Katatapos lang niya ng isang mabigat na kaso tungkol sa isang babaeng biktima ng domestic abuse, at sa wakas ay may pagkakataon siyang mag-relax. Nag-aya si Julio ng dinner sa bahay ng mga magulang nila sa Batangas. “May ipapakilala ako sa ’yo,” anang lalaki sa tawag. Walang binanggit na detalye, pero parang may tinatagong excitement sa boses. Nakangiti si Ralph habang pumapasok sa lumang gate ng bahay ng mga Menandro. Dito siya lumaki, at kahit ilang taon na siyang nakahiwalay ng tirahan, laging may kakaibang ginhawa tuwing bumabalik siya. Tumambad sa kanya ang tanawin ng long wooden table sa garden, may puting linen at mga fresh flowers na nilagay ni Mama Lisa. Tila may espesyal nga na okasyon. Doon niya unang nakita si Alexis. Sa ilalim ng mahinang ilaw mula sa mga string lights na nakasabit sa puno ng mangga, may is

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status