“Yes, I’m marrying you.”
Hindi niya makalimutan how he begged her to help him. She recalled how she look as pathetic as him nung mga panahon na nalaman niyang ipinagpalit siya ni Julio. Alexis wanted to help Ralph get over with his feelings and move on from the past. Pero hindi doon patungo ang plano.
Tahimik ang paligid nang bigkasin ni Alexis ang pagpayag at may ilan siyang kondisyon. Walang tao sa café maliban sa kanila, pero para sa kanya, para siyang sumigaw sa gitna ng entablado. Tahimik si Ralph saglit, bago tumango, ang mga mata’y seryoso pero may bahid ng ginhawa.
“I’m glad you accepted my offer.”
Hindi “I’m happy.” Hindi rin “I’m excited.”
Glad.
Katumbas ng isang taong may planong kailangan nang isakatuparan. Ilang saglit pa ay inilahad ni Ralph ang kamay to seal the deal na tinanggap naman niya.
Hindi nagtagal, inilatag na ni Ralph ang sunod-sunod na dapat gawin. Parang may timeline na siya sa isip, parang abogadong may hawak na kaso—at ito ang pinakakontrobersyal sa lahat. Samantalang si Alexis, go with the flow lang. Hindi niya sigurado kung tama ba ang ginagawa niya.
Nasa harap siya ng isang eleganteng jewelry shop sa BGC. Hindi siya makapaniwala. Nakasuot siya ng neutral blouse, denim jeans, at light makeup. Pero habang hinihintay si Ralph, parang gusto niyang mag-disguise. Baka may makakita. Baka may mag-picture. Baka may makarinig.
Pero dumating si Ralph, kaswal lang: puting polo, dark slacks, shades. Cool. Kalma. Parang hindi niya balak bumili ng singsing para sa isang kasal na peke.
“Ready?” tanong nito.
Napilitan siyang ngumiti. “As ready as a fake bride can be.”
Sa loob ng shop, sinalubong sila agad ng staff—parang VIP couple. “Good morning po, Sir Ralph, Ma’am Alexis. Congratulations po! Ang ganda n’yong tingnan together.”
Napalingon si Alexis kay Ralph, pilit na hindi nahahalata ang pamumula ng pisngi. Nagkatinginan sila. Walang nagsalita.
Sa tray ng mga engagement rings, isa-isang inilalabas ang mga mamahaling singsing na parang hiyas sa isang pelikula. Platinum bands, rose gold, may diamonds na kasinlaki ng luha ng sampung pusong iniwan.
“Pili ka,” sabi ni Ralph. “’Yung gusto mo.”
Napakaconsiderate ni Ralph. Gusto niyang isipin na maswerte ang taong mamahalin nito. Sa kasamaang palad fake bride lamang siya.
Habang sinusukat niya ang isa, hindi niya maiwasang mapahinto. Reminding herself na peke lamang ang lahat ng ito.
Nang makapili na siya ng isang simple ngunit elegante tignan agad naman sumang ayon si Ralph “Good choice.” sabay tingin sa kanya, diretso sa mata.
Agad umiwas ng tingin ni Alexis. Hindi niya kayang matagal na tignan si Ralph. Takot siyang mabasa nito ang iniisip at nararamdaman niya.
Sumunod nilang pinuntahan ang isang eleganteng bridal atelier sa San Juan. Ang ilaw sa kisame ay malambot, warm, parang sinadya talagang gumawa ng moment. Tahimik ang lugar maliban sa ilang stylist na abalang sumusukat, nagtutupi, at nag-aabot ng tela.
Tatlong damit ang isinuot ni Alexis. Una’y off-shoulder ballgown. Pangalawa’y bohemian lace na medyo relaxed. Pero ang pangatlo—isang modern fit, sleek satin gown, may low back at sweetheart neckline—doon siya natahimik.
At pati si Ralph.
Paglabas niya ng fitting room, tila natigil ang oras. Napatingin si Ralph sa kanya, mula ulo hanggang paa—hindi bastos, kundi para bang hindi niya inaasahang ganoon kaganda si Alexis sa harap niya.
“Wow…” di napigilang sambit nito.
“Masyadong revealing ba?” tanong ni Alexis, kunwaring casual, pero nararamdaman niyang namumula siya dahil sa nakikitang paghanga sa mga tingin ni Ralph.
“Revealing? No. Dangerous, maybe.”
“Dangerous?”
“Because if we were really getting married, I’d probably want the ceremony done in five minutes just to kiss you already.”
Napatingin si Alexis sa salamin. Napangiti. Pero ang puso niya—nagsimulang tumibok nang hindi sa script. Nagmamadaling aalis na sana si Alexis.
“Let’s pick another one then.”
Maagap na pinigilan ni Ralph ang braso niya at lumapit sa kanya.
“This one will do. Wag mo ng palitan. It looks good on you. Stay there. Now’s my turn.”
Nang matapos ang fitting, nilapitan siya ni Ralph.
“Ano, pasado ba?”
Tiningnan ni Alexis ang buo nitong ayos: neatly styled hair, fitting coat, crisp white shirt.
“Kung ‘di ko lang alam na peke ‘tong lahat, baka ako pa ang unang ma-in love sa’yo.”
Napangiti si Ralph. Bahagyang humakbang palapit.
“Baka naman pwedeng i-edit ang script?”
Bumilis ang pintig ng puso ni Alexis. Hindi siya makasagot agad.
At makalipas lamang ng dalawang araw, sila ay nasa harap ng isang grand hotel sa Makati para sa isang fundraising gala. Ito ang unang pagkakataon na haharap sila sa publiko bilang “engaged couple.” Sa likod ng glamour at camera flash, ramdam ni Alexis ang paninikip ng dibdib.
Sa tabi niya, tahimik si Ralph. Suot ang classic black suit, matikas at kalmado, para bang walang ibang mahalaga sa gabing ito maliban sa pagganap ng kanilang papel.
Walang ngiti. Walang salita. Pero sapat na ang presensya niya para maramdaman ni Alexis na… hindi siya nag-iisa.
Hindi pa man siya bumababa ng sasakyan, ramdam na ni Alexis ang kaba.At ngayon sa harap ng grand hotel na venue ng fundraising gala, sunod-sunod na ang flash ng camera, at maririnig ang murmur ng mga tao—ang pabulong na mga tsismis na parang apoy: mabilis at mapanira.
Tila ramdam ni Ralph ang kaba niya.
“Too late to back out. We’re trending already.”
Sabay abot sa kamay niya. Walang sapantaha. Walang drama. ilang sandali ang nakalipas, hawak pa rin ni Ralph ang kamay ni Alexis, hindi masyadong mahigpit, pero sapat para hindi siya mawalan ng balanse.
“Atty. Santillan! What a surprise!”
“Who is she?”
“Is this true?”
Hindi sumagot si Ralph. Diretsong lakad, diretsong tingin. Kahit wala siyang sinasabi, tila mas malakas pa ang dating niya kaysa sa mga umuukilkil ng tanong.
Hanggang sa isang sandali—nakita niya si Julio. Kasama si Mica.
Humigpit ang hawak ni Ralph sa baywang niya. Hindi niya tiningnan ang dating kasintahan. Ang tanging piniling titigan ni Alexis ay si Ralph—tahimik, steady, tila alam ang lahat kahit walang sinasabi.
“They’re here,” bulong ni Alexis.
Tumango si Ralph. “Let them see you.”
“Us, you mean?”
Bahagyang nag-angat ng kilay si Ralph, bago sumagot, mahinang-mahina.
“Let them wonder.”
At bago pa siya makapagsalita, hinalikan siya nito sa sentido. Wala sa script. Wala sa rehearsal.
Kahit ilang buwan na nilang inihahanda ang sarili sa araw na ito, walang makapaghahanda talaga kay Alexis at Ralph para sa mismong araw ng panganganak.Ika-siyam ng gabi, tahimik na nakahiga si Alexis sa kama. Si Ralph naman ay nasa tabi niya, binabasahan siya ng isa sa mga paborito nilang baby books. Naroon pa rin ang mga alaala ng mga araw na tila imposible ang lahat—ang pagkakaroon ng pangalawang anak, ang muling pagtitiwala, at ang muling pagbuo ng isang tahimik na mundo. Pero ngayon, andiyan na ang lahat.“Oo nga pala,” bulong ni Alexis habang tinatamaan ng antok, “naka-pack na ba yung hospital bag?”“Of course,” sagot ni Ralph sabay pisil sa kamay niya. “Tatlong beses ko pa ngang chineck kung kompleto.”“Hmm, good,” mahinang ngiti ni Alexis. “Sana hindi pa ngayon. Gusto ko pa matulog…”Pero tila sinagot ng tadhana ang kabaligtaran.Alas-diyes ng gabi, nagising si Alexis sa mainit na pakiramdam sa may hita. Pagtingin niya, basa ang bedsheet.“Ralph…” tawag niya, bahagyang nanging
Sa pagpasok ng huling buwan ng pagbubuntis ni Alexis, akala nila ni Ralph ay nakalampas na sila sa lahat ng pagsubok. Halos kompleto na ang nursery. Kumpleto na rin ang gamit sa ospital, pati playlist ni Alexis para sa delivery room ay ready na. Pero ang buhay, laging may ibang plano.Isang gabi, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng dokumento sa home office niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown number.“Hello,” sagot niya.“Ralph…”Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang tinig. Ang babaeng minsang nagsampa ng reklamo laban sa kanya, na kalauna’y bumawi ng testimonya at humingi ng tawad.“Anong kailangan mo?” malamig ang boses ni Ralph.“May naghahanap sa’kin… Sinasabi nilang ako raw ay may utang sa’yo. Na ako raw ay binayaran mo para magsinungaling.”“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako—”“I know. But Ralph, please. Tinututukan na rin ang pamilya ko. They’re trying to use my past para sirain ka. Hindi pa rin tapos ang mga taong galit sa’yo.”Pagkababa ng telepono, tila nanik
Mommy, may baby ka na sa tummy?” tanong ni Ayesha habang nakaupo sa lamesa, bitbit ang kanyang mini spoon at stuffed unicorn.“Oo, anak,” nakangiting sagot ni Alexis habang hinahaplos ang buhok ng anak. “May magiging baby brother or sister ka na.”Napabilog ang mga mata ni Ayesha. Tuwang-tuwa ito na parang nanalo ng laruan sa toy store. Tumalon ito sa upuan at niyakap ang tiyan ng ina, marahang-marahan, para bang alam niyang kailangang ingatan ang bagong buhay sa loob ni Alexis.“Yey! I’m going to be an ate!”Napatingin si Ralph mula sa kusina habang naglalagay ng prutas sa maliit na bowl. Nilapitan niya ang mag-ina at niyakap ang dalawa.“Family of four na tayo,” bulong niya habang hinahalikan ang sentido ni Alexis.Simula nang makumpirma ang pagbubuntis, naging mas maingat si Alexis. Ngunit kasabay ng pag-iingat ay ang pagbabago rin sa kanyang katawan, emosyon, at araw-araw na routine. Sa una, tila hindi siya makapaniwala. Sa kabila ng mga panahong sinubok sila ng PCOS at miscarriag
Boracay had a way of stopping time. Pagbaba pa lang nila ng eroplano, ramdam na ni Alexis ang kakaibang ginhawa. The sun, the salt, the sea—parang sinasabing, “Forget the world for a while.” At iyon nga ang ginawa nila ni Ralph.Walang kaso. Walang kliyente. Walang deadlines.Walang iba kundi sila.“Parang dati,” bulong ni Alexis habang magkaakbay silang naglalakad sa puting buhangin.“Mas maganda ngayon,” sagot ni Ralph, huminto para halikan siya sa sentido. “Kasi ngayon, wala na tayong kailangang itago.”And they made the most of it.Every sunset, every swim, every whispered “I love you” sa ilalim ng bituin—parang kinukumpirma lang na tama silang dalawa. At sa pagitan ng mga halakhak, halik, at tahimik na yakap—may bagong kwentong unti-unting binubuo ang tadhana.Pagbalik nila sa Maynila, may isang bagay na hindi bumalik sa dati.Ang buwanang bisita ni Alexis.Akala niya stress lang. Baka pagod. Baka dahil sa biyahe. Pero nang hindi pa rin siya dinatnan sa ikalawang linggo, may sumu
Habang tumatakbo ang pelikula, nagkulong ang mundo nila sa yakapan. Si Ralph, panay ang halik sa ulo at balikat ng asawa. Si Alexis, nakapulupot ang braso sa bewang nito.At nang matapos ang pelikula, tumingin si Ralph sa mga mata ni Alexis. “You know… I was so close to losing your trust. And that’s one thing I never want to risk again.”Alexis smiled. “You never really lost it. But I’m glad you fought to keep it.”Pilit ni Ralph na ikinubli ang pag-iyak. Umiling siya. “You deserve someone who never lets anyone come close to hurting you. That’s my job.”Nagulat si Alexis nang may iabit na envelop si Ralph."Ano naman 'to?"Bumulong naman si Ralph sa tenga niya. "Just open it."Pack light. Bring your favorite book. Leave your worries.” – RNapakunot ang noo ni Alexis habang binubuksan ang sobre. Doon ay may printed itinerary—no hotel name, no specific location. Just a note at the bottom:“You, me, and the weekend that we deserve.”She smiled, shaking her head. “What is this man plannin
Gabi na nang makauwi si Ralph, ngunit hindi siya agad pumasok sa condo unit nila. Tumigil muna siya sa labas ng pintuan, huminga ng malalim, at inayos ang hawak—isang bouquet ng peonies, paborito ni Alexis, at isang maliit na kahon ng dessert mula sa bakery kung saan sila unang nag-date.Pinikit niya ang mga mata, binalikan ang mga huling linggo—ang selos, ang katahimikan, at ang tahimik ngunit ramdam na tensyon sa pagitan nila. At sa wakas, ito na ang pagkakataong bumawi.Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Alexis sa couch, suot ang simpleng pambahay na oversized shirt at may hawak na baby monitor para kay Ayesha.“Hey,” sambit ni Ralph, hawak ang mga bulaklak. “Sorry I’m late… but I hope I’m not too late for this.”Tumingin si Alexis, saglit na nagulat, ngunit agad din siyang napangiti. “Peonies,” sabi niya habang tinatanggap ang bulaklak. “My favorite.”“Alam ko. Hindi kita nakakalimutan.” Kumindat si Ralph, sabay abot ng kahon. “Tsaka itong salted caramel cake. Remember nung d