Don’t fall for me, Alexis.”
Tahimik ang sinabi ni Ralph, ngunit ang epekto ay parang bigla siyang nilubog sa malamig na tubig. Hindi niya alam kung bakit iyon ang babala. Hindi niya rin alam kung bakit… mas nasaktan siya kaysa dapat.
Napatingin siya kay Ralph, na tahimik lang, nakatingin sa kanya na para bang may alam ito sa kung anong mas malalim na hindi niya pa kayang tuklasin.
Bago pa siya makapagtanong, biglang tumigil ang kanyang paghinga.
“Alexis?”
Isang pamilyar na tinig. Peke ang galak, pilit ang lambing.
Pagharap niya, naroon na sina Julio at Mica.
Nakasuot ng pulidong tux si Julio. Si Mica naman ay naka-eleganteng silk dress, may kasamang ngiting hindi mawari kung insulto o pagbati.
“Nabalitaan namin. Congratulations,” ani Julio, habang nakatitig kay Alexis, diretso sa mga mata. “Engaged ka na pala.” tila may pag uyam sa tinuran nito.
Napangiti si Alexis, ‘yung tipong ginagawang sandata ang ngiti para itago ang bawat kirot.
“Surprise, no?”ganting sagot ni Alexis.
“Very,” sagot ni Mica. Tila sinusukat siya mula ulo hanggang paa. “But I guess love works in strange ways.”
Tahimik lang si Ralph. Hindi umiimik. Pero bahagya siyang humakbang palapit kay Alexis, at marahan siyang hinawakan sa bewang—hindi para ipagyabang, kundi para alalayan. Para ipaalala sa kanya na hindi siya mag-isa sa harap ng mga multo ng kahapon.
“Ralph,” sabat ni Julio, sabay abot ng kamay. “Congratulations, man.”
Dahan-dahang tinanggap ni Ralph ang pakikipagkamay. Mahigpit ang hawak ni Julio. Matatag din ang sagot ni Ralph—pero malamig, maiksi.
“Thanks.”
Muli, katahimikan.
“So when’s the wedding?” tanong ni Mica, habang pinipigil ang isang mapait na ngiti.
“Two weeks,” sabay na sagot nila Alexis at Ralph.
Nagkatinginan sila sandali. Walang rehearsed cue, pero magkapareho ang sagot. Tuloy ang palabas. Tuloy ang kasinungalingan na parang mas totoo na kaysa sa katotohanan.
“That’s fast,” ani Julio, pilit ang tawa. “But hey, some things are meant to happen that way. Right, Alexis?”
Hindi sumagot si Alexis. Sa halip, ngumiti siya—mahina, malamig, at marahas sa ilalim ng kontrol.
“Some endings are blessings in disguise, Julio.”
May saglit na katahimikan. Si Ralph, kahit hindi nagsasalita, hindi inaalis ang mata kay Julio. Tahimik pero dama ang tensyon.
Pagkaalis nina Julio at Mica, saka lamang nakahinga si Alexis.
“That was… intense,” bulong niya.
Ngunit si Ralph, tahimik pa rin. Inabot nito ang kanyang kamay, at dahan-dahang hinaplos ang likod ng palad ni Alexis gamit ang hinlalaki.
“Okay ka lang?”
Napatingin siya. Naramdaman niya ang sincerity sa tanong. Walang drama, pero may lalim.
“Hindi ko alam,” sagot niya. “Pero salamat sa pagkakapit. I thought I’d lose balance or faint.”
“I said I’d protect you,” bulong ni Ralph, habang pinapanood ang paglayo nina Julio.
“Even if this is just pretense?”
Hindi siya sinagot ni Ralph. Tumalikod ito, uminom ng natitirang champagne.
Nasa sasakyan pa lang sila pauwi, ramdam pa rin ni Alexis ang init ng ballroom lights at ang nanunuot na tensyon ng gabing iyon.
Tahimik si Ralph sa buong biyahe. Nakatitig sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung pagod ito o sadyang ganoon lang talaga—laging mahirap basahin.
Pero bago sila makarating sa gusali, bumulong ito, halos walang emosyon:
“You were good tonight.”
Napalingon si Alexis. “Good?”
“Convincing.” Saglit na tumingin ito sa kanya. “The way you looked at me when Mica started talking? If I didn’t know better, I’d think you meant it.”
Nag-init ang pisngi ni Alexis. “Wow. Compliment ba ’yan o babala?”
Hindi na nagtaka si Alexis nang sabihin ni Ralph na sa condo na niya siya ihahatid. Pagod na rin siya—sa heels, sa ngiti, sa paninindigan ng kwento nilang hindi totoo.
“Kailangan mong maging familiar dito,” sabi ni Ralph habang binubuksan ang pinto ng kanyang unit. “Mas madali kung dito tayo magmi-meeting minsan. Mas private. Mas ligtas.”
Hindi niya alam kung ‘ligtas’ ang tamang salita—dahil habang naglalakad siya sa loob ng condo, pakiramdam ni Alexis ay mas exposed siya ngayon kaysa sa buong ballroom kanina.
“How did it feel? Seeing him again with another girl.”
Why are you asking me that?” balik tanong ni Alexis.
Hindi sumagot si Ralph agad. Pinagmasdan lang siya, walang ekspresyon. Tahimik, pero para bang may hinahanap.
“You’re a good actress, Alexis. Pero hindi ko nakuha ‘yon sa eksena. Nakuha ko sa reaksyon mo pagkatapos. No one fakes that kind of look.”
Pinilit niyang ngumiti. Pero alam niyang hindi aabot ang biro sa ganitong klaseng usapan.
“It surprised me,” sagot ni Alexis, mahinang-mahina.
“Na nandun siya?”
“Na hindi na ako nasaktan nang makita siya. Or… na mas interesado akong makita kung ano ang gagawin mo kaysa sa kung ano ang ginagawa nila.”
Nagkatitigan sila. Wala nang script. Wala nang rehearsal. Wala nang kahit anong acting.
“Alexis…” mahinang sabi ni Ralph, halos pabulong. “Don’t confuse this with something it’s not.”
“And what is this, exactly?”
“A lie.That is what it is.”
Malinaw naman yun kay Alexis pero matigas ang ulo niya.
“Didn’t I just warn you?” malamig, ngunit mababa ang tono. Para bang nilalagyan ng pader ang nararamdaman pero hindi rin matagal mapanatili.
“Hypothetical nga lang eh,” biro ni Alexis, pinilit na matawa, pero may bahid ng kaba ang kanyang tinig.
Sa muling pagbabalik nila kina Andrea, sinalubong sila nito sa sala, bitbit ang isang lumang journal na pag-aari ni Mateo. Doon, nakasulat ang buong salaysay—hindi lang ng kanyang pagmamahal kay Lucia, kundi pati ang dahilan kung bakit nanatiling tahimik ang bahay ng mga Luna sa loob ng maraming taon.“Matapos siyang mawalay kay Lucia dahil sa kaguluhan ng panahon,” panimula ni Andrea habang hawak ang journal, “nanirahan si Mateo nang mag-isa sa bahay na ito. Dito niya isinulat ang lahat ng hinanakit at alaala niya. Dito niya piniling manatili habang buhay. Ngunit higit pa roon… may isang lihim siyang itinago.”Napatigil si Ralph. “Anong klaseng lihim?”“Si Mateo,” sagot ni Andrea, “ay may iniwang anak—na hindi niya kailanman nakilala.”Sumikip ang dibdib ni Alexis. “Paanong…?”“Ang ina ay si Lucia. Ngunit bago pa man niya maipahayag kay Mateo ang pagbubuntis, pinilit siyang ilikas ng kanyang pamilya. Pinaniwala siyang patay na si Mateo.”Lumambot ang mukha ni Ralph habang dahan-dahan
Habang abala ang ibang kaklase sa pagliligpit ng mga bag, nagkuwentuhan sina Ayesha, Marga, at Iya sa sulok ng classroom habang hinihintay ang sundo. “Uy Ayesha,” sabay lapit ni Marga, “dun ka na ba talaga nakatira sa malaking bahay sa kanto? Yung puti na may matataas na bintana?” Tumango si Ayesha. “Oo, dun na kami. Malaki tapos tahimik..” “Ang laki ng gate nun!” sabat ni Iya. “Sabi ni Kuya, luma na raw yun. Di raw tinirahan ng matagal.” “Ha? Bakit?” tanong ni Ayesha, nagulat. Nagkibit-balikat si Marga. “Di ko sure. Pero sabi ni Mama, dati raw may mga nakatira dun na mayaman. Yung apelyido, parang… Luna?” “Luna?” ulit ni Ayesha. “Narinig ko na yun… sa isang sulat na nakita nina Mommy sa attic.” “Attic? May ganun kayo? Ang saya!” sabay kaway ni Iya. “Pero… wala bang multo?” “Wala! Hindi scary!” mabilis na sagot ni Ayesha. “Tahimik lang. Tapos may mga kwaderno at sulat. Parang matagal nang walang tao.” “Eh bakit daw walang nakatira ng matagal?” tanong ni Marga. “Sabi ni Lolo,
Habang ipinapaayos pa rin nina Ralph at Alexis ang kanilang bagong tahanan, nadiskubre nila sa likod ng lumang aparador sa silong ang isang antigong kahon na may sulat-kamay na mga dokumento—mga titulo, lumang larawan, at isang diary. Sa pamagat pa lamang ng journal: “Para sa anak na di ko nakilala—Mateo.” Nabigla si Ralph. Hindi si Mateo ang sumulat. Isa itong lihim na isinulat ng ama ni Mateo, si Severino Luna.Habang binabasa nila ang laman ng diary, unti-unting lumilinaw ang masalimuot na kasaysayan ng pamilya Luna. Ipinapakita nitong may yaman at kapangyarihan ang angkan noon, ngunit nasira ito dahil sa digmaan, pagtataksil, at pag-aagawan sa mana. Si Mateo, ang anak na dapat ay tagapagmana ng lahat, ay itinakwil hindi dahil sa pag-ibig niya kay Lucia, kundi dahil sa hindi ito ang anak ng legal na asawa ni Severino.Ang bagong twist? Ipinapahiwatig ng diary na may ikalawang pamilya si Severino na pinagmulan ni Ralph.Sa isang pahina ng journal, may sketch ng isang antique necklac
Tahimik ang biyahe nila Alexis at Ralph pauwi matapos ang pakikipagkita sa matandang historian na tumulong sa kanilang tukuyin ang pinaghimlayan ni Mateo Luna. Sa likod ng sasakyan, nakalagay sa kahon ang kwintas—isang simpleng palawit na may inukit na letra: L.“Lucia,” bulong ni Alexis habang hawak ang kwintas. “Ang kasintahan ni Mateo.”Dumiretso sila sa isang liblib na bayan sa Laguna, sa tulong ng mga dokumento at tala ng simbahan. Ayon sa nakalap nilang impormasyon, si Lucia ay matagal nang namayapa, ngunit iniwan nito ang isang anak na babae, si Rosario. Si Rosario naman ay may anak—isang guro sa pampublikong paaralan na kasalukuyang nakatira sa parehong bayan.Dahil sa mabuting pakikitungo ng mga taga-roon, natunton agad nila ang bahay ng apo ni Lucia. Isang simpleng bahay-kubo sa gilid ng ilog, puno ng tanim at halatang alaga.Lumabas ang isang babae, mga trenta’y singko anyos, naka-tsinelas at may hawak na pamaypay.“Magandang hapon po. Kayo po ang naghahanap kay Gng. Rosari
Natahimik ang buong bahay nang tumambad sa kanila ang matandang lalaki. Matagal na nagkatitigan sina Ralph at Mateo Luna, tila parehong naghahanap ng sagot sa mata ng isa’t isa.Si Alexis, bagamat gulat at may bahagyang kaba, ay kusa ring lumapit.“Kayo po si Mateo Luna?” tanong niya, hindi pa rin makapaniwala.Tumango ang matanda. “Oo. At sa huling pagkakataon, nais kong humingi ng tawad sa tahanang ito. Maraming alaala ang naiwan dito—at mga lihim na dapat ko nang ilabas bago pa ako tuluyang mawala.”Ipinatuloy nila si Mateo sa loob. Doon sa mismong silid sa ilalim ng hagdan sila nagtungo—ang tagong lugar na naglalaman ng mga larawan at sulat nina Mateo at Lucia. Nang pumasok siya, para bang bumagal ang mundo sa paligid. Lumuha siya agad pagtingin sa larawan ni Lucia sa dingding.“Akala ko, kaya ko siyang kalimutan. Akala ko, matatakasan ko ang sakit. Pero saan man ako magpunta, siya pa rin ang tahanan ko,” mahinang bulong niya habang hawak ang lumang litrato.Tahimik na nakikinig s
Nang gabing iyon, hindi mapakali si Alexis. Habang nakahiga sa tabi ni Ralph, patuloy na naglalaro sa isip niya ang imahe ng matandang lalaking nakita niya kanina sa may bakod. Hindi niya ito binanggit agad kay Ralph—baka kasi guni-guni lang dulot ng pagod at dami ng nangyari kanina.Pero bago siya tuluyang makatulog, hindi na niya natiis.“Ralph,” mahina niyang sabi, sabay dikit sa dibdib nito, “kanina ba, may napansin kang matandang lalaki sa may likod ng bakod?”“Hmm?” bulong ni Ralph habang pupungas-pungas pa. “Hindi. Bakit?”“May nakatayo. Nakatingin sa atin. Nakangiti. Para siyang… hindi estranghero, pero hindi rin ako sigurado.”Agad na bumangon si Ralph. “Dapat sinabi mo agad, Lex.”“Baka kasi na-imagine ko lang,” saad niya. “Pero… Ralph, kabado ako. Baka may may-ari pa ng bahay na ‘to? O may nagbabalik?”Hindi na sila nakatulog agad. Kinabukasan, sinimulan nilang tanungin ang ilang kapitbahay. Lumaon, may isang matandang babae ang lumapit sa kanila habang nagdidilig ng halama