Masakit ang ulo ni Alexis. Parang may nakapasak na martilyo sa sentido niya, at ang ilaw mula sa bintana ay tila ba nanunuyang spotlight sa isang eksenang ayaw niyang maalala.
Pero mas masakit pa rito ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang cellphone.
“BREAKING: ELIGIBLE BACHELOR Atty. Ralph Santillan, may wedding proposal na agad sa mysterious girl na hinalikan sa fashion event kagabi!”
At ang litrato? Walang kahihiyang full-page close-up ng kanila mismong halikan.
Kasunod noon, isa pang headline:
“Pakakasalan ko siya.” — Atty. Santillan confirms romantic intentions after viral kiss”
Napabalikwas siya ng bangon. “Anong… anong ginawa ko kagabi?”
Hindi pa siya lubusang nakakabawi mula sa pagkabigla nang sunod-sunod nang dumating ang mga mensahe.
Nag-init ang pisngi niya, hindi lang sa hiya kundi sa kalituhan.
Pumasok siya sa opisina na parang artista sa premiere night—lahat nakatingin, lahat may tanong. Ang ilang katrabaho, tuwang-tuwa. Ang iba, halatang naninibugho. Pero ang mas nakakayanig: may ilang kliyente na nagpa-resched lang para lang siya makita.
“Ikaw ba talaga ‘yung nasa video girl?”
“How did it happen? Totoo bang engaged ka na? Akala ko ba heartbroken ka?”
“Is this a PR stunt o totoong love story?”
Totoong hindi niya maalala ang buong pangyayari. Pira-piraso lang: halik, init, ang malamig na boses ni Ralph habang sinasabi ang… pakasal na tayo.
Pero bakit nga ba sinabi ‘yon ni Ralph?
At mas mahalaga—bakit sa lahat ng tao, kailangang malaman ng buong Pilipinas bago pa man siya makasagot?
Habang naglalakad siya sa hallway, bigla siyang natigilan sa harap ng isang pamilyar na boses.
“Akala ko mahirap kang hanapin. Buti na lang front page ka na ngayon.”
Si Ralph. Nakatayo sa dulo ng corridor, suot ang simpleng puting polo, ngunit parang kasing-tikas ng headline ng dyaryo.
Ngumiti ito. Kalma. Walang bahid ng panghihinayang.
“Handa ka na bang sagutin ang tanong ko, Alexis?” umpisa ni Ralph, “Let’s find a more private place.”
Nagpaunlak naman si Alexis na maghanap ng pribadong lugar para makapag usap sila ng masinsinan.
Alam at dama ni Alexis na parang may hindi tama at nakumpirma niya ang hinala nang may inilabas si Ralph mula sa kanyang messenger bag—isang folder na kulay navy blue.
“Ito na ang draft ng kasunduan natin.”
Tahimik, diretso, parang isa lang itong normal na business proposal.
Ibinaba niya ito sa lamesa. Kumalabog iyon nang bahagya, para bang sinelyuhan na ang tanong sa pagitan nila.
Napalunok si Alexis.
“May kontrata?”
“May legalities, Alexis. Dalawa tayong parehong public figures ngayon—ikaw, dahil viral ka na, at ako, dahil abogado’t involved sa corporate cases. Hindi ito basta-basta.”
Binuklat niya ang folder. Nakita ni Alexis ang mga pahinang puno ng pormal na salita: confidentiality, non-disclosure, terms of dissolution after three months, mutual consent, no romantic obligation.
At sa dulo—isang tentative date ng kasal:
Two weeks from now.
“Dalawang linggo?”
Tumaas ang boses niya, hindi dahil sa galit—kundi sa pagkabigla.
“Iyon lang ang time frame na puwedeng galawin bago umalis si Mica patungong London. Kung makikita niya tayong kasal bago siya lumipad, it will be enough. She’ll know she lost me.”
Napakuyom si Alexis sa palad. Mahal pa rin ni Ralph si Mica sa kabila ng lantarang pagtanggi nito sa alok na kasal para sa pangarap.
Totoo, galit pa rin siya kay Julio. At oo, parte sa kanya ang gustong makita itong masaktan. Gusto niyang malaman ni Julio kung anong klaseng babae ang binitawan niya. Pero pekeng kasal? Talaga bang gusto niyang magpatali dahil lamang sa kagustuhang makaganti?
May mga kondisyon sa papel na ito—pero paano niya kokontrolin ang sarili niyang damdamin? Ang mundo? Ang media? Ang mga taong paulit-ulit magtatanong: “Totoo ba?” “Paano kayo nagkakilala?” “Mahal mo ba siya?”
At ang tanong na siya mismo ay hindi kayang sagutin: Handa ba si Alexis na pumasok sa isang pekeng kasal na baka tuluyang maging totoo sa puso nya?
“Walang pipilit sa ‘yo,” sabi ni Ralph, mas mahina ang boses ngayon. “Pero kung papayag ka, simula bukas, rehearsal na tayo sa pagiging mag-asawa.”
Rehearsal.
Parang pelikula.
Pero sa pagkakataong ito, hindi lang puso niya ang maaaring masira—kundi pagkatao, dignidad, at ang kakaunti na lang na tiwala niya sa sarili.
Tumitig siya sa kontrata, sa tinta, sa pirma ni Ralph na nandoon na. Tila hinihintay lang ang kanya.
At bago siya muling makapagsalita, isang linya ang pabulong niyang nasabi sa sarili:“Ito na ba ang simula ng isang peke… o ang dulo ng natitirang totoo sa akin?”
Nabigla siya ng biglang gagapin ni Ralph ang kamay niya.“Please help me.” pagsusumamo ni Ralph.
Sa di kalayuan, may ilaw pang bukas sa opisina—at alam niyang naroon si Mica.Hindi inaasahan ni Alexis na muling haharapin si Mica sa opisina ni Ralph. Ngunit nang bigla siyang ipatawag ni Ralph para iabot ang ilang papeles at mga gamit, hindi niya inakala na daratnan niyang naroon muli si Mica—nakatayo sa may desk ni Ralph, bahagyang nakasandal habang nakangiting kausap ito.Sa unang tingin ay tila inosente. Pero sa mata ni Alexis, malinaw ang intensyon.“Ralph, eto na ‘yung pinadala mong files,” malamig niyang bati.Napalingon si Ralph, ngumiti at tumayo. “Salamat, love. Tamang-tama. Tapos na rin kami ni Mica sa review ng draft.”Napatingin si Mica kay Alexis. “Hi, Alexis. Mabuti’t dumaan ka. Ang saya naman—parang laging may spark kapag magkasama kayo.”Ngumiti si Alexis, pilit. “Ganun ba? O baka ikaw lang ang nakakapansin.”Hindi alam ni Ralph kung napansin niya ang bahagyang sarcasm sa tinig ni Alexis, pero nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga papel. “I’ll just file these. Saglit
Sa pag-alis ng mga bata papunta sa school kinabukasan, tahimik lang si Alexis habang inaayos ang mga papeles sa shared workspace nila ni Ralph. Maaliwalas ang umaga, pero mabigat ang pakiramdam niya mula sa nadiskubreng folder kagabi — “ESGUERRA CASE FILES” na tila ikinubli ni Ralph sa ilalim ng personal drawer nito. Hindi niya pa ito binubuksan. Hindi dahil natatakot siya sa laman nito, kundi dahil sa kung anong maaari nitong ipahiwatig. Ngunit habang tahimik si Ralph na nagtitimpla ng kape, hindi niya na rin napigilan ang sarili. “Ralph,” mahinahon niyang simula, “bakit ‘yung folder ni Mica… parang tinatago mo?” Natigilan si Ralph. Napalingon, kita sa mata niya ang gulat. “Anong folder?” “’Yung Esguerra Case Files. Nasa ilalim ng drawer mo. Bakit nandoon, at bakit parang hindi mo binabanggit sa akin na… may laman pala itong kaso niya na tila mas malalim kaysa sa ordinaryong business dispute?” Tahimik na uminom si Ralph ng kape bago tumugon. “Lex, hindi ko siya tinatago. Co
Mainit ang sikat ng araw nang dumating si Mica sa law firm kung saan nagtatrabaho si Ralph. Nakasuot siya ng corporate dress na halatang pinag-isipan, maayos ang ayos ng buhok at may halimuyak ng pamilyar na pabango. Agad siyang sinalubong ng receptionist, na agad namang tinawag si Ralph sa telepono. “Sir, may bisita po kayo sa lobby. Si Miss Mica daw po.” Saglit na katahimikan ang sumunod sa linya bago sumagot si Ralph. “Pakisabi, susunod ako. Pasalubungan niyo muna ng tubig.” Tahimik na pinakiramdaman ni Ralph ang sarili. Matagal na rin mula nang huli silang magkita ni Mica—ang babaeng minsang minahal niya, ang dahilan kung bakit pumasok siya sa kontratang kasal kay Alexis. Ngunit iba na ngayon. Mahal na niya si Alexis. Mahal na mahal. Ilang saglit pa’y pumasok siya sa conference room. Tumayo si Mica at ngumiti. “Ralph,” bati nito. “Long time no see.” Tahimik siyang tumango. “Anong kailangan mo, Mica?” Hindi na siya nagpaligoy-ligoy. “Ralph, kailangan ko ng tulong. May legal
Sa muling pagbabalik nila kina Andrea, sinalubong sila nito sa sala, bitbit ang isang lumang journal na pag-aari ni Mateo. Doon, nakasulat ang buong salaysay—hindi lang ng kanyang pagmamahal kay Lucia, kundi pati ang dahilan kung bakit nanatiling tahimik ang bahay ng mga Luna sa loob ng maraming taon.“Matapos siyang mawalay kay Lucia dahil sa kaguluhan ng panahon,” panimula ni Andrea habang hawak ang journal, “nanirahan si Mateo nang mag-isa sa bahay na ito. Dito niya isinulat ang lahat ng hinanakit at alaala niya. Dito niya piniling manatili habang buhay. Ngunit higit pa roon… may isang lihim siyang itinago.”Napatigil si Ralph. “Anong klaseng lihim?”“Si Mateo,” sagot ni Andrea, “ay may iniwang anak—na hindi niya kailanman nakilala.”Sumikip ang dibdib ni Alexis. “Paanong…?”“Ang ina ay si Lucia. Ngunit bago pa man niya maipahayag kay Mateo ang pagbubuntis, pinilit siyang ilikas ng kanyang pamilya. Pinaniwala siyang patay na si Mateo.”Lumambot ang mukha ni Ralph habang dahan-dahan
Habang abala ang ibang kaklase sa pagliligpit ng mga bag, nagkuwentuhan sina Ayesha, Marga, at Iya sa sulok ng classroom habang hinihintay ang sundo. “Uy Ayesha,” sabay lapit ni Marga, “dun ka na ba talaga nakatira sa malaking bahay sa kanto? Yung puti na may matataas na bintana?” Tumango si Ayesha. “Oo, dun na kami. Malaki tapos tahimik..” “Ang laki ng gate nun!” sabat ni Iya. “Sabi ni Kuya, luma na raw yun. Di raw tinirahan ng matagal.” “Ha? Bakit?” tanong ni Ayesha, nagulat. Nagkibit-balikat si Marga. “Di ko sure. Pero sabi ni Mama, dati raw may mga nakatira dun na mayaman. Yung apelyido, parang… Luna?” “Luna?” ulit ni Ayesha. “Narinig ko na yun… sa isang sulat na nakita nina Mommy sa attic.” “Attic? May ganun kayo? Ang saya!” sabay kaway ni Iya. “Pero… wala bang multo?” “Wala! Hindi scary!” mabilis na sagot ni Ayesha. “Tahimik lang. Tapos may mga kwaderno at sulat. Parang matagal nang walang tao.” “Eh bakit daw walang nakatira ng matagal?” tanong ni Marga. “Sabi ni Lolo,
Habang ipinapaayos pa rin nina Ralph at Alexis ang kanilang bagong tahanan, nadiskubre nila sa likod ng lumang aparador sa silong ang isang antigong kahon na may sulat-kamay na mga dokumento—mga titulo, lumang larawan, at isang diary. Sa pamagat pa lamang ng journal: “Para sa anak na di ko nakilala—Mateo.” Nabigla si Ralph. Hindi si Mateo ang sumulat. Isa itong lihim na isinulat ng ama ni Mateo, si Severino Luna.Habang binabasa nila ang laman ng diary, unti-unting lumilinaw ang masalimuot na kasaysayan ng pamilya Luna. Ipinapakita nitong may yaman at kapangyarihan ang angkan noon, ngunit nasira ito dahil sa digmaan, pagtataksil, at pag-aagawan sa mana. Si Mateo, ang anak na dapat ay tagapagmana ng lahat, ay itinakwil hindi dahil sa pag-ibig niya kay Lucia, kundi dahil sa hindi ito ang anak ng legal na asawa ni Severino.Ang bagong twist? Ipinapahiwatig ng diary na may ikalawang pamilya si Severino na pinagmulan ni Ralph.Sa isang pahina ng journal, may sketch ng isang antique necklac