Home / Romance / The Fine Print of Falling in Love / Chapter 98 - Dark Tunnel

Share

Chapter 98 - Dark Tunnel

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-07-05 23:24:14

Sa pagpasok ng huling buwan ng pagbubuntis ni Alexis, akala nila ni Ralph ay nakalampas na sila sa lahat ng pagsubok. Halos kompleto na ang nursery. Kumpleto na rin ang gamit sa ospital, pati playlist ni Alexis para sa delivery room ay ready na. Pero ang buhay, laging may ibang plano.

Isang gabi, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng dokumento sa home office niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown number.

“Hello,” sagot niya.

“Ralph…”

Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang tinig. Ang babaeng minsang nagsampa ng reklamo laban sa kanya, na kalauna’y bumawi ng testimonya at humingi ng tawad.

“Anong kailangan mo?” malamig ang boses ni Ralph.

“May naghahanap sa’kin… Sinasabi nilang ako raw ay may utang sa’yo. Na ako raw ay binayaran mo para magsinungaling.”

“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako—”

“I know. But Ralph, please. Tinututukan na rin ang pamilya ko. They’re trying to use my past para sirain ka. Hindi pa rin tapos ang mga taong galit sa’yo.”

Pagkababa ng telepono, tila nanik
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 101 - Recovery State

    Sa kabila ng tila maayos na takbo ng buhay nila Ralph at Alexis, may mga gabing hindi matahimik. Madalas ay wala nang gatas si Anya sa bote, pero si Alexis gising pa rin. Hindi dahil sa bata—kundi sa hindi mapakali niyang dibdib. Ramdam ni Ralph ang bigat sa bawat buntong-hininga ng kanyang asawa, pero minsan, kahit yakap niya, hindi sapat.Minsan, mahuhuli niya itong nakatingin sa salamin habang kinakalong si Anya, bakas sa mga mata ang tanong: “Bakit ganito na ako?”Isang hatinggabi, ginising si Ralph ng hikbing pilit itinatago. Pagbukas niya ng ilaw, nadatnan niya si Alexis sa may kusina, nakaupo sa sahig at karga si Anya na noon ay tulog naman.“Love…” marahang sabi ni Ralph habang lumapit.Hindi agad nagsalita si Alexis. Nang lumapit si Ralph, doon lang siya nagpakawala ng iyak.“Bakit parang hindi ako sapat? Bakit parang… kahit ginagawa ko na lahat, parang kulang pa rin?”Muling bumigat ang dibdib ni Ralph. Inilapit niya ang katawan ni Alexis sa kanya at dahan-dahang niyakap.“H

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 100 - Through Every Storm

    Mula nang isinilang si Anjo, parang unti-unting nag-iba ang mundo ni Alexis. Sa labas, mukhang buo ang lahat. Masayang pamilya, dalawang anak, at isang mapagmahal na asawa. Ngunit sa loob, may piraso sa kanya na parang nawawala. Madalas siyang mapatitig sa kisame habang nagpapadede. Madalas siyang matahimik habang inaakay si Ayesha sa silid. At sa gabi, habang tulog na ang lahat, napapaluha na lang siya nang walang dahilan.Isang umaga, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng mga gamit para sa trabaho, lumapit si Alexis sa pintuan ng banyo—bitbit si Anjo, hawak sa isang kamay ang bag ng mga bata, at tila maglalakad palabas.“Lex…” tawag ni Ralph, agad napansin ang kaba sa mga mata ng asawa. “Saan ka pupunta?”Napalingon si Alexis, nangingilid ang luha. “Hindi ko alam. Gusto ko lang… umalis. Huminga. Parang hindi ko na alam kung sino ako.”Napakunot ang noo ni Ralph. Nilapitan niya ito at marahang inalis ang bag mula sa balikat ng asawa.“Pagod ka lang, Love. Please, ibigay mo sa akin si

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 99 - Bouncing Baby Boy

    Kahit ilang buwan na nilang inihahanda ang sarili sa araw na ito, walang makapaghahanda talaga kay Alexis at Ralph para sa mismong araw ng panganganak.Ika-siyam ng gabi, tahimik na nakahiga si Alexis sa kama. Si Ralph naman ay nasa tabi niya, binabasahan siya ng isa sa mga paborito nilang baby books. Naroon pa rin ang mga alaala ng mga araw na tila imposible ang lahat—ang pagkakaroon ng pangalawang anak, ang muling pagtitiwala, at ang muling pagbuo ng isang tahimik na mundo. Pero ngayon, andiyan na ang lahat.“Oo nga pala,” bulong ni Alexis habang tinatamaan ng antok, “naka-pack na ba yung hospital bag?”“Of course,” sagot ni Ralph sabay pisil sa kamay niya. “Tatlong beses ko pa ngang chineck kung kompleto.”“Hmm, good,” mahinang ngiti ni Alexis. “Sana hindi pa ngayon. Gusto ko pa matulog…”Pero tila sinagot ng tadhana ang kabaligtaran.Alas-diyes ng gabi, nagising si Alexis sa mainit na pakiramdam sa may hita. Pagtingin niya, basa ang bedsheet.“Ralph…” tawag niya, bahagyang nanging

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 98 - Dark Tunnel

    Sa pagpasok ng huling buwan ng pagbubuntis ni Alexis, akala nila ni Ralph ay nakalampas na sila sa lahat ng pagsubok. Halos kompleto na ang nursery. Kumpleto na rin ang gamit sa ospital, pati playlist ni Alexis para sa delivery room ay ready na. Pero ang buhay, laging may ibang plano.Isang gabi, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng dokumento sa home office niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown number.“Hello,” sagot niya.“Ralph…”Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang tinig. Ang babaeng minsang nagsampa ng reklamo laban sa kanya, na kalauna’y bumawi ng testimonya at humingi ng tawad.“Anong kailangan mo?” malamig ang boses ni Ralph.“May naghahanap sa’kin… Sinasabi nilang ako raw ay may utang sa’yo. Na ako raw ay binayaran mo para magsinungaling.”“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako—”“I know. But Ralph, please. Tinututukan na rin ang pamilya ko. They’re trying to use my past para sirain ka. Hindi pa rin tapos ang mga taong galit sa’yo.”Pagkababa ng telepono, tila nanik

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 97 - A Little Prince

    Mommy, may baby ka na sa tummy?” tanong ni Ayesha habang nakaupo sa lamesa, bitbit ang kanyang mini spoon at stuffed unicorn.“Oo, anak,” nakangiting sagot ni Alexis habang hinahaplos ang buhok ng anak. “May magiging baby brother or sister ka na.”Napabilog ang mga mata ni Ayesha. Tuwang-tuwa ito na parang nanalo ng laruan sa toy store. Tumalon ito sa upuan at niyakap ang tiyan ng ina, marahang-marahan, para bang alam niyang kailangang ingatan ang bagong buhay sa loob ni Alexis.“Yey! I’m going to be an ate!”Napatingin si Ralph mula sa kusina habang naglalagay ng prutas sa maliit na bowl. Nilapitan niya ang mag-ina at niyakap ang dalawa.“Family of four na tayo,” bulong niya habang hinahalikan ang sentido ni Alexis.Simula nang makumpirma ang pagbubuntis, naging mas maingat si Alexis. Ngunit kasabay ng pag-iingat ay ang pagbabago rin sa kanyang katawan, emosyon, at araw-araw na routine. Sa una, tila hindi siya makapaniwala. Sa kabila ng mga panahong sinubok sila ng PCOS at miscarriag

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 96 - Made in Boracay

    Boracay had a way of stopping time. Pagbaba pa lang nila ng eroplano, ramdam na ni Alexis ang kakaibang ginhawa. The sun, the salt, the sea—parang sinasabing, “Forget the world for a while.” At iyon nga ang ginawa nila ni Ralph.Walang kaso. Walang kliyente. Walang deadlines.Walang iba kundi sila.“Parang dati,” bulong ni Alexis habang magkaakbay silang naglalakad sa puting buhangin.“Mas maganda ngayon,” sagot ni Ralph, huminto para halikan siya sa sentido. “Kasi ngayon, wala na tayong kailangang itago.”And they made the most of it.Every sunset, every swim, every whispered “I love you” sa ilalim ng bituin—parang kinukumpirma lang na tama silang dalawa. At sa pagitan ng mga halakhak, halik, at tahimik na yakap—may bagong kwentong unti-unting binubuo ang tadhana.Pagbalik nila sa Maynila, may isang bagay na hindi bumalik sa dati.Ang buwanang bisita ni Alexis.Akala niya stress lang. Baka pagod. Baka dahil sa biyahe. Pero nang hindi pa rin siya dinatnan sa ikalawang linggo, may sumu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status