Share

CHAPTER 80

Author: MissThick
last update Last Updated: 2024-02-09 20:08:31

Natigilan si Daniel. Kanina pa niya gustong mamagitan, pigilan si Irish na aminin ang tungkol sa nararamdaman nito sa kanya ngunit alam niyang kung gagawin niya iyon ay lalo lang magkagulo. Wala siyang karapatan magsalita nang hindi siya tinatanong. Dahil sa narinig niya ay wala na siyang iniisip kundi ang panindigan na din lang ang kung ano ang sasabihin ni Irish. Harapin ang parusang ibibigay ng Pangulo sa kaniya. Hindi na siya magsasalita pa. Hindi na niya kailangang magsinungaling tulad ng mga kasinungalingang hinabi niya kanina.

"Anak naman. Napakaraming ibang lalaki diyan, baka nagkakamali ka lang." tumayo ito sa kaniyang kinauupuan. Naglakad. Paikot-ikot. Nanginginig ang kaniyang kamao.

"Dad, nasa edad na ho ako. Kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na kung sino ang tinitibok ng puso ko, hindi na ako bata para magkamali sa kung sino ang mahal ko at sa hindi."

"Hindi puwede."

"Dad, bakit hindi puwede? Nandito na 'to. Hindi ko ginusto, hindi ko hinangad. Minahal ko si Daniel."

"Ir
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 100

    CHAPTER 100 Christmas Eve. December 24.Abala si Janna sa paghahanda ng kanilang Noche Buena habang tinutulungan siya ng anak na si Raymond. Alam niyang gabi pa darating ang asawa dahil sa pagiging abala nito dahil siya na ang naatasang Chief Commanding Officer ng lahat nga mga PSG ng bansa. Kasabay ng pag-angat ng posisyon nito ang maraming responsibilidad ngunit bilang isang mabait at responsableng maybahay. Lagi niya itong inuunawa. Mahal niya ang kaniyang asawa. Hinding-hindi siya magsasawang pagsilbihan ito at intindihin lalo pa't ramdam din naman niya ang tunay na pagmamahal sa kaniya ni Daniel.Hindi niya inakalang magiging maayos din ang lahat. Akala niya tuluyan na noong mawawala si Daniel sa kaniya at siya lang ang tatayong magulang ng kaniyang ipinagbubuntis. Dahil nagdesiyosn siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon si Daniel, nilawakan niya ang kaniyang isip na intindihin na lahat ay puwedeng magkamali kaya ngayon, nagkatotoo din ang pangarap niyang magkaroon ng buo at

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 99

    CHAPTER 99Nakita niya ang mga rosas malapit kay Irish. Mabilis siyang kumuha ng tatlo. Lumapit siya. Hinawakan niya ang bisig ni Irish saka niya ipinahawak dito ang tatlong pulang rosas, bumaba ang hawak niya hanggang sa nagtagpo ang kanilang palad. "Akin na ba talaga ito?" tanong ni Irish. Tumango lang si Christian. Umagos pa rin ang luha sa kaniyang pisngi. Itinaas ni Christian ang kamay ni Irish.Natigilan si Christian nang makita niya ang dugong umagos sa daliri ni Irish dahil siguro sa pagkakatusok niya sa tinik ng rosas na ibinigay niya.Kinuha na muna muli ni Christian ang tatlong rosas sa kamay ni Irish.“Akala ko ba akin na ‘yan?”“Sa’yo lang ito. Kinuha ko lang sandali para mawala yung pagdurugo ng kamay mo. Ibabalik ko rin naman sa’yo kapag nasigurado kong hindi ka na nasasaktan, hindi na dumudugo.”“Hmmmnnn ang lalim naman. Parang yung nangyari lang sa atin ah. Sinabi mong mahal mo ako nang dumudugo pa ang puso ko at binawi mo agad ako kung kailan mahal na kita ngunit h

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 98

    CHAPTER 98Sumabay ang Nanang niya sa pag-iyak pati na rin ang mga kapatid na pinatapos at pinapaaral niya. Ngunit pagkatapos ng sabik nilang yakapan sa isa't isa ay nauwi sa walang tigil na kuwentuhan at tawanan. Ipinaghanda siya ng mga paborito niyang pagkain. Simple lang naman ang gusto niya. Tinolang native na manok, pinakbet at pritong bangus na mataba ang tiyan. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng paghihirap at pagod niya sa ibang bansa. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka na kasama ng buong pamilyang tunay na nagmamahal.Maaga siyang gumising sa umagang iyon. Nasanay kasi siyang mag-jogging sa umaga. Marami sa mga nakasalubong niya sa daan ang titig na titig sa matikas at maskulado niyang katawan na binagayan pa ng kanyang maputing balat. Lalong tumingkad ang kanyang sobrang kaguwapuhan. Isang parang prinsipe na hindi nababagay sa purok. Hindi na siya yung moreno ngunit may makinis na kutis na medyo patpatin noon kabataan niya. Nakadagdag ng kapogian ni

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 97

    Dumating ang araw na umuwi siya ng Pilipinas. Paglabas na paglabas niya sa immigration ay sinalubong na siya ng familiar na mukha. Nakangiting itong sumaludo sa kanya. Nang una hindi niya ito agad nakilala dahil sa uniform nito at bahagyang lumaki pa ang katawan. Nagiging yummy daddy na ang minsan ay minahal niya na bodyguard niya. Tinanggal niya ang malaking sunglasses niya. Ang pigil niyang ngiti ay naging tawa hanggang sa hindi na lang niya mapigilan ang sariling hindi mapaluha. Luha ng kagalakan. Luha ng pagkasabik. Hindi niya alam kung yayakapin niya si Daniel dahil sa na-mimiss din naman niya ito o panatilihin niya ang agwat ng estado nila- si Daniel bilang bodyguard at siya bilang kagalang-galang na President’s Princess.Mabilis ang mga hakbang ni Daniel na lumapit sa kaniya. Ganoon din ang kaniyang mga hakbang. Napansin niya ang pamumula ng kaniyang mga mata tanda rin ng pinipigilang pagluha. Kumilos ang kamay niya para yakapin sana ito ngunit bigla niyang binawi. Patay-malisy

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 96

    "Sayang naman" Huminga nang malalim si Kurt. "Akala ko ba hindi ka madaling sumuko? Akala ko talaga may paninindigan ka?" inulit niya ang sinabi niya kanina baka lang iyon ang magpabago sa desisyon ni Christian."Ewan ko ba? Para kasing gusto kong tulungan muna si Irish na harapin ang buhay niya nang di ako nanggugulo pa." Hinawakan ni Christian ang balikat ni Kurt. "Paano, kailangan ko nang umalis. Sana huwag mo na lang mabanggit pa kay Irish na dumating ako pero hindi ko siya nakausap. Ayos na sa akin yung nakita ko siya bago ako aalis. Sapat na sa akin iyon para lalong magpursigi sa buhay. Kung sakaling kayo ni Irish ang magkasama sa US, sana Bob, alagaan mo siya. Tulungan mo sa mga problema niya. Sana may masasandigan siyang kaibigan."“Hindi ka natatakot na mabuo muli ang pagmamahalan sa pagitan namin? Na maaring maging kami pala sa huli?”“Kung ganoon man ang mangyari, masaya ako para sa’yo, para sa inyo pero naniniwala ako na mapupunta si Irish sa tamang lalaki. Yung lalaking k

  • The First Daughter's Bodyguard   CHAPTER 95

    Kinabahah si Irish."Mag-usap? Bob, ano to? Sino ang kakausapin ko?""Well, I think it's time na magharap muna kayo baka mabago pa ang isip mo at hindi ka na aalis pa."Lumingon si Irish sa noon ay nakangiting pinagmamasdan ni Kurt na naglalakad papasok ng restaurant. Mag-isa lang ito.Napalunok siya.Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang lalaking palapit sa kanila.Tumayo si Kurt. Sinalubong niya at kinamayan ang bagong dating."I have to go. Mag-usap kayo ha. Mauna na ako sa airport bestfriend. Maaring hindi ka na doon aabot pero ako, I have to go."Tumayo si Irish.Nanlalamig ang kaniyang mga kamay.Nangangatog ang kaniyang tuhod dahil hindi niya alam kung paano siya magrere-act dahil sa pagkagulat."See you at the airport." pabulong niyang sinabi kay Kurt."Okey see you there kung hindi na mababali pa ang desisyon mo. Gusto ko lang makabawi sa inyo at sa mga maling nagawa ko. So, paano, bye guys!" nakangiting paalam ni Kurt.Umupo si Irish. Itinungga niya ang laman ng kaniyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status