Ang unang liwanag ng umaga ay pumasok sa kwarto, banayad na tumama sa mukha ni Rafael. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, inaayos ang magulong buhok habang pilit inaalala ang nangyari kagabi.
Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa kama. Wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Agad niyang nilibot ang tingin sa kwarto, at doon, sa ibabaw ng bedside table, may naiwan siyang hindi inaasahang bagay—isang kwintas. Pinulot niya ito at tiningnan ang maliit na pendant. Simple pero elegante. Tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. "Iniwan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam... pero may iniwan ka namang alaala," mahinang bulong niya, may bahagyang ngiti sa labi. Bumangon siya, nagsimulang magbihis, at kinuha ang kwintas bago inilagay sa kanyang bulsa. Hindi siya madalas mag-isip tungkol sa mga panandaliang relasyon, pero bakit parang may kakaiba sa gabing iyon? Kinuha niya ulit ang kwintas "Sino ka ba? Muli tayong magkikita," bulong niya habang hawak ang kwintas. "Sigurado ako.” Samantala, sa loob ng isang taxi, si Bella ay tahimik na nakaupo, mahigpit na hawak ang bag habang pilit na hindi nagpapahalata ng anumang emosyon. "Kuya, paki bilisan po," mahina niyang sabi sa drayber. "Mukhang puyat ka, iha. Galing party?" tanong ng drayber na may halong biro. Mabilis siyang ngumiti kahit kinakabahan. "Ah, Nag-celebrate kami ng graduation,” sagot na lang ni Bella. Tumango lang ang drayber, at napabuntong-hininga si Bella. Dapat normal lang ang kilos niya. Walang dapat makahalata. LPagkarating sa malapit sa bahay nila, maingat siyang bumaba ng taxi. Inayos niya ang suot para siguradong walang makikitang kakaiba. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahang naglakad papasok sa kanilang bakuran. "Dapat hindi halata..." bulong niya sa sarili. Tahimik niyang hinubad ang sapatos sa tapat ng pinto at sinubukang dumiretso sa kanyang kwarto nang— "Bella?" Napapitlag siya. Nakatayo ang kanyang ina sa may kusina, nakatawid ang mga braso, at nakatingin sa kanya ng matalim. "Kararating mo lang?" tanong nito, hindi mawari kung galit o nag-aalala na tono. Mabilis niyang inayos ang sarili at pilit ngumiti. "Ah… opo ma galing lang po ako sa apartment. Doon na lang ako nagpahinga pagkatapos ng party." Hindi agad sumagot ang kanyang ina, tila inaaral kung nagsasabi siya ng totoo. Naramdaman ni Bella ang panlalamig ng kanyang palad. Hanggang sa bumuntong-hininga ito. "Next time, mag-text ka naman. Alam mong hindi ako sanay na hindi ka umuwi. At saka malaki kana bella ha? Ka ga-graduate mo lang." Agad siyang tumango. "Opo, Ma. Sorry po, hindi ko na namalayan ang oras." Pagkahiga ni Bella sa kama, ramdam pa rin niya ang pagod sa buong katawan. Ngunit kahit pilit niyang ipikit ang mga mata, hindi niya maiwasang maalala ang gabing nagdaan—ang misteryosong lalaki na iyon, ang pakiramdam na para bang matagal na niya itong kilala, kahit hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito. Nag-vibrate ulit ang cellphone niya. Isang tawag mula kay Erica. "Naku, patay!" Bulong niya sa sarili bago ito sinagot. "Bella!!" Halos pasigaw na bungad ni Erica. "Akala ko kung na paano ka na! Bakit hindi ka nag-text kagabi? Ang sabi mo magka-CR ka lang, tapos bigla kang nawala!" Napangiti si Bella habang bumaling sa kisame. "Erica… ang dami mong tanong." "Hoy, wag mo akong ginaganyan! Alam mo bang hinahanap kita?! Akala ko kinidnap ka!" Umiling si Bella kahit hindi siya nakikita ng kaibigan. "Tanga, bakit naman ako kikidnapin? Tapos na ang graduation natin, wala na silang makukuhang ransom." "Huy, seryoso ako! Saan ka ba pumunta? Nakita kitang sumasayaw, tapos biglang nawala ka. Tapos nung tinatawagan kita, hindi ka na sumasagot!" Bulyaw ni Erica. Huminga nang malalim si Bella at pinilit na huwag matawa. "Okay, okay… Bago ako mawala, may nakasayaw akong lalaki sa dance floor." "Anong lalaki?! Sino ‘yon? Kilala mo ba? Gwapo ba? OMG, Bella, ‘wag mong sabihing—" "Hindi ko siya kilala, Erica. Ni pangalan niya, hindi ko alam." "HA?! Pwes, anong nangyari?" Ungot pa ng kaibigan niya. Napakagat-labi si Bella. Hindi siya sigurado kung dapat niyang ikuwento ang lahat. Pero knowing Erica, hindi ito titigil hangga’t hindi siya umamin. "Nagkataon lang na nagkasabay kami sa isang kwarto. Pareho kaming lasing… and then… one thing led to another." Kwento ni Bella sa kaibigan. "ANO?! BELLA?! ISA ITONG MAJOR TEA!" sigaw ni Erica sa kabilang linya. "Gusto ko ng full details! Wait lang, may hawak akong popcorn!" Napatawa si Bella. "Ano ba, Erica! Hindi ito pelikula!" "Girl, halos buong college life mo tahimik ka sa mga ganitong bagay, tapos ngayon na graduate ka na, saka ka pa may pasabog? Hindi ko kinaya!" “Hay naku, tigilan mo ako…” Inikot ni Bella ang kanyang mga mata, pero hindi niya maiwasang matawa rin. "Pero seryoso, anong pakiramdam?” biglang tanong ni Erica, pero this time, may halong pag-aalala ang boses nito. "I mean… okay ka lang ba?" Muling napatingin si Bella sa kisame. Sa totoo lang, hindi pa rin niya alam ang sagot. Hindi naman siya nagsisisi, pero hindi rin niya alam kung tama ba ang nangyari. "Okay naman ako, Erica. Hindi ko naman ito plano, pero… hindi ko rin pinagsisihan. Basta… parang may kakaiba lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag." "Kakaiba? How? Like… feeling mo ba may connection kayo?" "Oo, parang ganun." "Hala! Bella, baka siya na ‘yon! Alam mo namang love at first sight is real!" Napa hagikgik si Bella. "Love at first sight agad? One-night stand lang ‘yon, Erica." "One-night stand? O isang simula?" pabirong sagot ni Erica. Umiling si Bella, kahit may bahagyang ngiti sa labi. "Baliw ka talaga." "Hoy, seryoso ako! Imagine, hindi mo siya kilala, hindi mo alam pangalan niya, pero na-feel mong may something kayo? Girl, parang W*****d lang!" Kinikilig na wika ni Erica.Natahimik si Bella. Hindi niya man gustong aminin, pero may punto si Erica. "Bella, sigurado ka bang hindi mo na siya makikita ulit?" tanong ni Erica matapos ang ilang segundo ang katahimikan. Napatingin si Bella sa maliit na lamat sa kisame ng kanyang kwarto. "Sigurado na ako, Erica. At mas mabuti na rin siguro ‘yon." "Tsk, sayang. Pero sige, ikaw bahala. Basta, kung may nararamdaman kang hindi mo maintindihan, nandito lang ako, okay?" Wika ni Erica. "Alam ko ‘yon, Erica. Salamat." Pagkababa ng tawag, ipinikit ni Bella ang kanyang mga mata. Isang gabi lang ‘yon. Isang pagkakamali na kailangan kalimutan. Pero bakit parang may kulang? At bakit hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ang init ng yakap ng lalaking iyon?