Share

The Principal's Affair
The Principal's Affair
Author: ElizaMarie

Chapter 1

Author: ElizaMarie
last update Last Updated: 2025-03-10 12:20:41

Pagkatapos ng limang taong pagsisikap sa kolehiyo, sa wakas ay natanggap na rin ni Bella ang kanyang diploma. Hindi siya ang pinakamatalino sa klase, pero ipinagmamalaki niya ang sarili dahil nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Isang selebrasyon ang pinagkasunduan nilang magkakaibigan, kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang bago umalis.

"Ma, Pa, pupunta lang po kami ng bar nila Erica. Celebration lang po ng graduation namin," paliwanag ni Bella habang tinatali ang kanyang buhok sa harap ng salamin.

"Bar? Ikaw?" Napataas ang kilay ng kanyang ina. "Hindi ka naman mahilig sa ganyan."

"Minsan lang naman po, Ma," sagot niya. "Tsaka hindi ako magtatagal."

Bagaman nag-alangan ang kanyang mga magulang, pumayag na rin sila. Pagkatapos magpaalam, naghintay siya sa labas ng bahay habang hinihintay si Erica na sumundo sa kanya.

"Aba, dalagang Pilipina, naghihintay ng sundo," biro ni Erica habang bumaba ng sasakyan. "Ready ka na bang magwala?"

"Ano ka ba? Wala akong balak magwala, natatawang sagot ni Bella.

Pagdating nila sa bar, agad nilang sinalubong ang ingay ng musika at ang makukulay na ilaw na pumapalibot sa dance floor. Sa simula, hindi mapakali si Bella. Hindi kasi siya sanay sa ganitong lugar. Ngunit nang matikman ang unang baso ng alak, unti-unti siyang nagrelax.

"Okay ka lang?" tanong ni Erica nang makitang tahimik lang siya.

"Oo naman," sagot ni Bella habang umiiling. "Pero parang gusto kong sumayaw."

Hinila siya ni Erica papunta sa dance floor, at sa simula, kinakabahan pa siya. Ngunit nang maramdaman niya ang ritmo ng musika, hinayaan na niya ang sarili niyang sumabay.

Habang sumasayaw, biglang may lumapit na lalaki sa likod niya. Hindi niya ito nakita, pero dama niya ang presensya nito. Nang lumingon siya, isang matangkad at gwapong lalaki ang nakangiti sa kanya

“Mukhang nag-eenjoy ka," aniya, ang boses niya ay malalim at mapanukso.

"Bakit? Bawal ba?" sagot ni Bella na may halong pang-aasar.

"Hindi naman," sagot ng lalaki habang dahan-dahang inilapit ang mukha niya. “Pero mas masaya kapag may kasayaw ka."

Nagulat siya nang biglang hawakan nang lalaki ang kanyang baywang, sapat lang para ipadama ang init ng katawan nito. Nag-aalangan si Bella, pero dahil sa alak at sa mapanuksong tingin ng lalaki, hindi niya nagawang tumanggi.

"Hindi ba nakakailang sumayaw nang ganito sa isang estranghero?" tanong ng lalaki sa kanya bahagyang iniikot siya sa saliw ng musika.

"Depende," sagot ni Bella, nakatitig sa mga mata nito. “Kung ang estrangherong iyon ay marunong sumayaw at hindi ako tinatapakan."

Napangiti naman ang lalaki at nag salita "Mukhang mataas ang standards mo."

"Siyempre naman," sagot niya, bahagyang ngumiti. "Bakit? Pasado ka ba?"

Hinapit siya ni Rafael palapit sa katawan nito. "Bakit hindi natin alamin?"

Sa sandaling iyon, hindi na niya alintana ang ibang tao sa paligid. Wala na siyang pakialam kung sino ang lalaki sa harap niya ang mahalaga lang ay ang sandali nilang dalawa.

Matapos ang sayaw, bumalik siya sa kanilang table, pero dama pa rin niya ang kakaibang init na iniwan ng lalaki. Nagpaalam siyang pupunta sa CR. Ang hindi niya alam na ang desisyon na iyon ang magdadala sa kanya sa isang hindi malilimutang gabi.

Sa halip na CR, isang VIP room ang napasukan niya—at doon na muli silang nagtagpo ng lalaki. Ngunit sa pagkakataong ito, wala nang distansya sa pagitan nila.

Pagpasok ni Bella sa VIP room, agad siyang napatigil. Ang ilaw ay dim, at may isang lalaking nakaupo sa sofa, bahagyang nakasandal habang umiikot ang baso ng alak sa kamay niya.

Hindi niya ito kilala. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi rin niya kayang alisin ang tingin dito.

"Hindi ito CR," bahagyang nakangiting sabi ng lalaki, ang boses ay mababa at may halong pagod. Ito ang lalaki kanina sa dance floor

"Mukha ngang hindi," sagot ni Bella, ngunit hindi siya agad lumabas.

Ang lalaki ay matangkad, may matipunong pangangatawan, at ang tingin nito sa kanya ay para bang alam niyang magtatagal siya roon.

"Mukhang hindi ka sanay sa ganitong lugar," dagdag ng lalaki, itinulak papunta sa kanya ang isang basong may alak. "Pero gusto mong subukan."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kinuha ni Bella ang baso at uminom.

Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa, nag-aalangan. Hindi niya alam kung bakit hindi siya agad umalis. Pero may kakaiba sa presensya ng lalaking ito isang pakiramdam na parang hindi sila estranghero sa isa't isa.

"Alam mo 'yong pakiramdam na parang matagal mo nang kakilala ang isang tao kahit ngayon mo lang siya nakita?" tanong ng lalaki, bahagyang nakangiti.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Bakit? Ganun ba ang pakiramdam mo sa akin?" tanong ni Bella, bahagyang tumatawa upang itago ang bilis ng tibok ng puso niya.

Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ni Bella at marahang hinila ito patayo.

"Halika," bulong nito.

"Saan?" tanong ni Bella, pero hindi niya binawi ang kamay niya.

"Sayaw tayo ulit pero hindi na sa maraming tao dito na lang tayo sa loob."

Sa malambot na tunog ng musika, unti-unting lumapit ang katawan nila sa isa't isa. Mainit ang kamay ng lalaki sa bewang ni Bella, at ang bawat galaw nila ay parang sinasabayan ng sariling ritmo ng damdamin nila.

"Hindi pa tayo nagkakilala nang maayos," bulong ni Bella, kahit na sa isip niya, hindi na iyon mahalaga. Hindi na rin siya na hiya siguro ay dahil ito sa alak, iba talaga ang tama ng alak nag iibang anyo siya.

"Sa ngayon, hindi naman mahalaga 'yon, 'di ba?" sagot ng lalaki.

Hindi siya makasagot. Dahil totoo sa gabing ito, wala nang ibang mahalaga kundi ang sandaling ito.

"Kapag nagkita tayo ulit… baka doon natin alamin ang pangalan ng isa't isa," bulong ng lalaki, dahan-dahang inilapit ang mukha niya kay Bella.

At bago pa man makapag-isip si Bella kung tama ba ito, naramdaman na lang niya ang mainit na labi ng lalaki sa kanya.

At sa isang iglap, tuluyan na silang nilamon ng gabing hindi nila inaasahang babago sa buhay nila.

Nagising si Bella sa isang hindi pamilyar na kwarto. Masakit ang ulo niya, at ramdam pa rin niya ang init sa balat niya.

Nang lingunin niya ang tabi niya, nakita niyang mahimbing pang natutulog ang lalaking kasama niya kagabi.

Hindi niya alam ang pangalan nito.

At hindi niya alam kung gusto pa niyang alamin.

Dali-dali siyang bumangon, nagbihis, at lumabas ng kwarto nang hindi nag-iiwan ng bakas… maliban sa isang bagay—ang kwintas na bigay ng kanyang ina na naiwan sa bedside table.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Nice story🩷
goodnovel comment avatar
Eliza Martinez
nice one. galing naman
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
okay namanaganda umpisa pa lang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Principal's Affair    Special Chapter

    Ang araw ay sumilip na sa malalawak na bintana ng kanilang bagong bahay. Hindi ito mansyon, pero sapat ang laki para mapuno ng tawanan, kwento, at alaala. Modernong disenyo ngunit may pusong probinsya — may malawak na bakuran, tanim na mga bulaklak ni Bella, at duyan sa likod na gawa sa kahoy at lubid, kung saan madalas tumambay si Rafael habang karga ang kanilang bunso. Sa kusina, abala si Bella sa pagluluto ng agahan. Amoy sinangag, itlog, at hotdog ang buong bahay. May suot siyang simpleng apron habang sinisilip ang nasa kawali. Nilingon niya ang orasan, 7:00 AM na. “Princess! Halika na, kakain na tayo!” tawag ni Bella sa anak nilang si Natnat, na abalang naglalaro ng mga barbie sa kwarto. “Saglit lang po, Mommy!” sagot ng batang babae. Lumabas naman si Rafael mula sa kwarto, may hawak na batang lalaki, mga tatlong taon pa lang. Medyo antok pa ito, nakasandal sa dibdib ng ama. “O, halika na rin, little man,” bulong ni Rafael habang hinahalikan ang bunso sa pisngi. “Tayong mga l

  • The Principal's Affair    Epilogue

    Isang buwan ang lumipas mula nang muling mabuo ang pagkakaibigan nina Bella, Erica, at Noah. Ang dating mga sugat ay hindi na singhapdi—bagkus ay naging paalala kung gaano sila katatag, at kung gaano kalalim ang pagmamahal na kayang lumaban sa unos ng nakaraan. Okay na din si Bella at ang pamilya ni Rafael ganun din si Rafael okay na rin sila ng pamilya ni Bella Sa probinsya, tila mas maliwanag ang araw. Mas tahimik ang hangin. At mas mabango ang umaga, lalo na sa maliit na hardin sa likod ng subdivision na tahanan nina Bella, kung saan siya madalas tumambay tuwing madaling-araw. Nasa tabi niya si Natnat, na mas lalo nang maging masigla at masayahin mula nang dumating muli sa kanilang buhay ang taong matagal niyang hinintay—ang kanyang tunay na ama.Dahan-dahan, ngunit buong puso, bumawi si Rafael. Hindi siya dumaan sa dramatikong pamimilit. Hindi siya gumamit ng grand gestures sa simula. Nagpapakumbaba siya. Nagpaabot ng liham. Nagpadala ng meryenda sa eskwelahan. Tahimik siyang na

  • The Principal's Affair    Last Chapter

    Sabado ng umaga. Ang liwanag ng araw ay unti-unting sumisilip mula sa bintana ng bahay nina Bella. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng kanyang paghahanda ng almusal sa kusina. May lungkot sa kanyang mga mata habang hinihiwa ang tinapay—malayo ang tingin, tila naglalakbay sa alaala ng nangyari kahapon. Masakit pa rin. Hindi pa humuhupa ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya akalaing si Noah, ang matagal na niyang kaibigan at isa sa naging haligi ng kanyang buhay sa panahong pinaka kailangan niya ng suporta, ay may tinatagong lihim na ganoon kabigat. Kasabwat pala ito ni Albert. Isang tusong plano para sirain ang relasyon nila ni Rafael. At hindi lang basta kaibigan si Noah. Simula nang dumating siya sa probinsya, si Noah ang tumayong pangalawang ama ni Natnat—kasama ni Vincent. Kaya hindi siya makapaniwala na isa pala ito sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Rafael noon. Muling tumulo ang luha sa kanyang pisngi, ngunit mabilis niya itong pinahid. Ayaw niyang makita ng a

  • The Principal's Affair    Chapter 131

    Tila kay bilis nga ng pag-ikot ng mundo. Parang kahapon lang nang mangyari ang eksena sa mall—na para bang isang himalang tinahi ng tadhana. Ngunit ngayon, sa araw na ito, mas masigla, mas makulay, at mas ramdam ang saya sa paligid. Dumating na ang party para kay Natnat.Isang maliit ngunit eleganteng handaan ang inihanda ni Amieties sa malaking garden ng bahay nila Rafael. May mga palamuti ng pastel pink at lavender na tila sumasayaw sa hangin. Sa gitna ng hardin ay may inflatable castle na hindi halos mawalan ng bata. Ang mga lobo ay parang ulap sa paligid, at may isang malaking tarpaulin sa may bandang entablado na may nakasulat: “Happy Birthday, Princess Natnat!”Isa-isang dumarating ang mga bisita—mga kaibigan ni Bella, ang kanyang mga co-teachers na may kasamang anak, pati ang mga business partner ni Rafael na bihis na bihis at may dala pang mga regalo. Naroon si Vincent, kasama si Erica na masigla at nagkukuwento sa isang grupo. Hindi rin nagpa-huli si Noah, na tahimik lang sa

  • The Principal's Affair    Chapter 130

    “Ma? Anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Rafael habang bahagyang sumikip ang dibdib niya, isang halong gulat at kaba ang bumalot sa boses niya.Nasa gitna pa rin nila si Natnat, bitbit ang kahon ng bagong Barbie doll, habang si Bella ay nananatiling tahimik sa kanyang kinatatayuan—kalmado sa panlabas, pero ang puso’y tila may tambol na walang humpay sa loob.Saglit na katahimikan. Sapat para maramdaman ang bigat ng tensyon sa paligid. Hanggang sa tumugon si Amieties, nakatingin lamang kay Natnat, hindi kay Rafael.“Narito lang kami upang mamasyal, anak… pero hindi ko inaasahan na dito rin namin kayo makikita.” Bahagyang nanginginig ang boses niya, hindi sa galit kundi sa damdaming matagal nang kinikimkim.At sa unang pagkakataon, tumitig siya ng diretso sa bata.“Rafael… siya na ba ang iyong anak?” tanong niya, mababa at maingat ang boses, tila takot masira ang isang napakagandang panaginip.Hindi agad nakapagsalita si Bella. Nanginginig ang palad niyang hawak ang strap ng shoulder b

  • The Principal's Affair    Chapter 129

    Pagdating ng SUV sa harap ng main gate ng paaralan, agad bumaba si Rafael at tinulungan si Natnat na buhatin ang maliit niyang backpack na may design ng mga bituin at unicorn. Nakalugay ang buhok ni Bella, bitbit ang laptop at lesson plan folder, habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid.Marami nang estudyanteng naglalakad sa pathway. Ilan sa mga guro ay naroon na rin, may bumabati, may nakatingin lang. Hindi maiiwasang may mga matang mausisa. At bagamat tahimik si Bella, hindi maitatago sa mga mata niyang may alinlangan pa rin—ngunit pilit isinusubside ng ngiti.Si Erica ang unang bumaba sa sasakyan ng huminto ito. Tila ba siya ang pinaka-kampante sa kanilang tatlo.“Bes, mauna na ako ha. Baka abutan pa ako ni Ma’am Rowena sa attendance log,” sabi niya habang inilalagay sa balikat ang bag. Saka siya yumuko at hinalikan sa pisngi si Natnat. “Good girl ka sa class natin, ha? I’ll see you inside.”“Okay po, Tita Erica!” tugon ni Natnat na parang may bitbit pang saya mula kagabi.Tuma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status