Isang araw, nagmamadaling sumugod si Zephyrine sa opisina ni Azriel. Halos mapatid siya sa pagmamadali, at hindi man lang niya ininda ang mga sekretaryang pilit siyang pinipigilan.
"Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok nang basta-basta—"
Pero hindi siya nakinig. Mabilis niyang tinulak ang pinto at dumiretso sa loob.
“What the heck are you up to? Why are you dragging Zarraeah into your crap?!” sigaw niya, hindi na alintana kung may ibang nakakarinig.
Nagulat ang mga empleyado sa labas, pero sa loob ng opisina, nanatiling kalmado si Azriel. Nakatitig lang siya sa hawak niyang mga dokumento, saka dahan-dahang inangat ang tingin kay Zephyrine. Bahagyang ngumiti siya, tila hindi nagulat sa presensya nito.
"Whoa there, Zephyrine. Calm down. What makes you think I’m dragging her into anything?" tanong niya, nakasandal sa kanyang upuan, ang isang kilay ay nakataas.
“Don’t play dumb with me, Azriel!” galit na sagot ni Zephyrine, habang mariing nakatingin sa kanya. “You know exactly what I