SAGLIT PANG NATULALA at nangunot na ang noo ni Bethany nang pag-angat niya ng mga mata ay hindi niya na matagpuan sa pwesto sina Zac at Audrey na naroon lang kanina sa harapan niya. Naikiling na niya ang kanyang ulo. Isang guni-guni lang ba ang kanyang mga nakita? Imposible. Naroon ang dalawa. Upang patunayan na hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata ay pinasadahan niya ng tingin ang mga picture na nakunan niya at naroon naman iyon sa kanyang cellphone. Malinaw ang pagkakakuha. Isang sulyap lang ay agad itong makikilala ng titingin sa larawan.
‘Talaga naman, sinubukan pa talaga nilang takasan ako? Well, hindi nila alam may mga ebidensya naman ako.’
Malamang nakita na siya nito at nagawa ng magtago sa pag-aakalang makakaligtas siya sa kanya sa paraang iyon. Napangisi na siya ng hilaw. Tawang-tawa sa pagiging tanga at gaga na naman ni Audrey sa kanyang harapan.
“Miss Guzman may kailangan pa po ba kayo? I mean may mga iba pa po bang mga katanungan?”
Umiling si Bethany at ibinalik niya