PARA MATAHIMIK NA si Albert ay pinagbigyan na lang siya ni Bethany. Magkaharap silang naupo sa isang coffee shop sa loob ng kanyang kumpanya. Nakikita ni Bethany ang panaka-nakang tingin sa kanya ng mga empleyado na nakakakilala sa kanya ngunit hindi niya na lang iyon pinag-ukulan pa ng pansin. Siguro naman hindi na masama kung agad niyang iwanan. Ang mahalaga ay pinagbigyan niya kahit na hindi niya ubusin ang kanyang kape.
“Ano pa bang kailangan natin pag-usapan?”
Humalukipkip si Bethany at sumandal na ang likod ng upuan. Mataman niyang pinagmasdan si Albert na mas mukhang nabawasan pa yata ng timbang ang kanyang katawan. Kung dati, aligaga na siyang nagbabawas ito ng timbang nang dahil sa stress, ngayon ay balewala na lang iyon sa kanya. Parang normal na lang na tanawin at wala na siyang pag-aalalang nadarama pa.
“Ilang cubes ng sugar ang gusto mo?” sa halip ay balik-tanong nito.
“One.”
Pinagmasdan ni Bethany na lagyan ni Albert ng sugar ang kanyang kape. Hinalo-halo niya ito. Ma