LIMANG BUWAN ANG matuling dumaan mula sa gabing una at huling beses na bumisita si Gavin sa bahay nina Bethany. Sa loob ng mga buwan na iyon ay marami ang mga nangyari. Naging successful ang pagbubukas ng music center nina Miss Gen at Bethany. Naging matunog ang pangalan ng kanilang training center at iyon ang naging #1 na malaking training music center sa lugar wala pang kalahating taon ang nakakalipas. Nakilala pa si Bethany na magaling na teacher at the same time ay may-ari ng music center. Dumagsa ang mga students na nais matuto sa ilalim ng pagtuturo niya na mostly ay violin at piano, saka voice lesson ang kinukuha na mula pa sa mga kilalang pamilya sa buong kapuluan. Humaba ang reseverved ng line up na nagnanais na mapabilang sa mga estudyante ng music center. Marami na rin ang mga lumahok sa patimpalak at hindi nabibigo na mag-uwi ng karangalan nang dahil sa husay.
“Grabe ang talentado mo talaga, Miss Guzman. Wala na akong masabi pa sa iyo.” pumapalakpak na turan ni Miss Gen na