HALOS WALANG NAGING gana ang buong pamilya na kumain nang sumapit ang hapunan. Ni hindi nila halos malunok ang kanilang pagkain na nasa bibig at inilagay sa kanilang mga plato. Hulog ang kanilang isipan sa suliraning iyon ng panganay ng kanilang pamilya. Mabilis din na natapos ang kanilang dinner. Umuwi na rin agad sina Gavin at Bethany sa kadahilanang may kailangan pa silang pag-usapang mag-asawa nang sila lang. Nagmukmok naman si Briel sa kanyang silid kasama ang anak matapos noon. Naghahanap ng makakausap tungkol sa kanilang negosyo at sa crisis na kinakaharap ng kanilang pamilya. Pati nga yata ang Law Firm ng kapatid ay gustong ipahawak sa kanila. Ano bang malay nilang dalawa doon ng kanyang hipag? Isiniksik na lang niya sa kanyang isipan na kung sakali man, may tutulong nga naman sa kanila ni Bethany. Gagabay upang magawa nila nang maayos ang kanilang trabaho na pag-aalaga sa kumpanya nila doon.
Ilang minuto niyang tinitigan ang numero ni Giovanni, matanda na ito sa larangan ng n