NAGKASALUBONG NA ANG mga kilay ni Giovanni dahil awtomatiko ng napaharap sa banda niya ang mga camera ng mga journalist na kanina lang ay naka-focus pa ang buong atensyon kay Margie. Kulang na lang ay mapakamot sa kanyang ulo ang Gobernador nang dahil sa panibagong usok ng isyu na muli pang sinindihan ni Margie. Bingyan pa nitong panibagong cravings ang ang mga media na naroroon. Ngumisi pa ang babae dahil napagtagumpayan nitong pagtakpan ang kasamaang ginawa niya kay Giovanni. Ganun kabilis na naibaling ni Margie ang atensyon ng lahat mula sa babae patungong muli kay Giovanni na ang buong akala ay matatapos na doon ang lahat. Lihim na naikuyom na ng Gobernador ang kanyang mga kamay. Sobrang pagtitimpi na ang kanyang ginagawa huwag lang siyang sumabog dito.
“Bakit ba ayaw mong ilabas ang tungkol sa mag-ina mo? Nagsisinungaling lang ba ako? Patunayan mo. Hindi ba at ito ang totoo? Patunayan mo, Governor Bianchi. Sige, itanggi mo pa sila…” lantarang hamon pa rin sa kanya ni Margie.
Kumi