Underground third person POV
“Va te faire foutre!” malakas na sigaw ni Leon, nanginginig sa galit, habang dinuduro ang bawat isa sa mga miyembro ng organisasyon.
Walang ni isa mang kumibo. Walang nagulat. Lahat sila, alam na kung bakit nag-aalab si Leon. Maraming mga transaksyon ang nahuli.
Mabibigat ang hakbang ni Leon habang palakad-lakad sa gitna ng silid. Matalas ang kanyang tingin, parang blade na kayang sumugat kahit walang galaw. Isa-isa niyang tinitigan ang mga kasamahan, tila binabasa ang laman ng kanilang mga isipan.
“Paano nangyari ang lahat ng ito?”
“Anong nangyayari sa inyo?”
“Nagiging inutil na ba kayo lahat?!”
Sunod-sunod, parang kidlat ang kanyang mga tanong.
Walang sumagot. Walang may lakas ng loob.
“Tsk!”
Napailing si Leon, nilingon ang malaking monitor sa dingding. Nanliit ang kanyang mga mata. Halos kalahati ng mga miyembro, wala sa meeting.
Isang mapait na tawa ang binitawan niya.
“Ahaha… hahahaha!”
Mabilis ang pagbago ng emosyon, mula sa galit, sa tawa, papunta