Share

Chapter 233

Author: Real Silient
last update Huling Na-update: 2025-06-19 20:33:42

Nick’s POV

Bumalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumunog ang cellphone ko, sabay putol sa mga alaala ng huling usapan namin ni Jessica.

“Hello, kumusta po, General Reyes?”

“Magandang balita, Nick,” sagot niya, bakas ang sigla sa tinig.

“Nagamit namin lahat ng impormasyong naibigay mo. Lima sa mga transaksyon ng organisasyon ay aming napigilan. Nahuli ang mga taong sangkot.”

Napangiti ako, hindi ng saya, kundi ng muling nabuhay na determinasyon.

“Bilyon-bilyon ang nawala sa kanila. Masasabi kong yumanig ang pundasyon ng organisasyon dahil sa mga nabunyag na transaksyon,” sabi ni General, malalim ang tinig.

“Masaya po ako sa balita,” sagot ko, malamig ang boses at matalim ang titig ko sa kawalan.

Kulang pa 'yan… kulang pa 'yan sa ginawa nila sa daddy ko.

Sa pagkitil nila sa buhay ng taong pinakamahalaga sa amin ni Jessica.

“Mabubuwag na po kaya ang organisasyon dahil sa nangyari?” tanong ko, bahagyang may pag-asa.

“’Yan ang hindi ko pa masabi,” sagot niya, biglang bumigat ang tono.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Feny
Kaya cguro wla ng mga comment
goodnovel comment avatar
Feny
Ang gulo nman ng story na ito
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Unstoppable Desire    Chapter 233

    Nick’s POVBumalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumunog ang cellphone ko, sabay putol sa mga alaala ng huling usapan namin ni Jessica.“Hello, kumusta po, General Reyes?”“Magandang balita, Nick,” sagot niya, bakas ang sigla sa tinig. “Nagamit namin lahat ng impormasyong naibigay mo. Lima sa mga transaksyon ng organisasyon ay aming napigilan. Nahuli ang mga taong sangkot.”Napangiti ako, hindi ng saya, kundi ng muling nabuhay na determinasyon.“Bilyon-bilyon ang nawala sa kanila. Masasabi kong yumanig ang pundasyon ng organisasyon dahil sa mga nabunyag na transaksyon,” sabi ni General, malalim ang tinig.“Masaya po ako sa balita,” sagot ko, malamig ang boses at matalim ang titig ko sa kawalan. Kulang pa 'yan… kulang pa 'yan sa ginawa nila sa daddy ko. Sa pagkitil nila sa buhay ng taong pinakamahalaga sa amin ni Jessica.“Mabubuwag na po kaya ang organisasyon dahil sa nangyari?” tanong ko, bahagyang may pag-asa.“’Yan ang hindi ko pa masabi,” sagot niya, biglang bumigat ang tono.

  • Unstoppable Desire    Chapter 232

    Nick’s POVMag-isang buwan na ang lumipas mula nung huli kaming mag-usap ni Jessica. Umalis siya papuntang abroad kasama si Scarlett. Hindi ko na siya ginulo. Gusto ko kasing igalang ang kahilingan niya, ang hiling niyang magkaroon ng oras para sa sarili. May mga update naman akong naririnig kay George tungkol sa kanya, kaya kahit papaano, panatag ako.Pero... namimiss ko siya.Gusto kong malaman kung ayos na ba siya. Kung mas gumaan na ba ang loob niya. Kung napapatawad na ba niya ang lahat, kasama ako. Ang dami kong tanong… at ang dami ko ring takot.Hindi ko makalimutan ang huli naming pag-uusap sa condo ni George.~~Flashback – George’s Condo~~Pagkagising ni Jessica, hinayaan nila kaming mag-usap sa sala. Tahimik na pumasok sa kwarto sina George at Scarlett. Naiwan kaming dalawa, kami lang. Walang ibang tunog kundi ang kaba sa dibdib ko.Tahimik. Mabigat ang paligid. Ramdam ko ang tensyon sa hangin.Jessica was fidgeting, playing with her fingers, halatang kinakabahan.Mahabang

  • Unstoppable Desire    Chapter 231

    George’s POVHabang pababa ng elevator, paulit-ulit kong tinatawagan si Nick, pero hindi siya sumasagot. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, hindi ako mapakali. I am so worried.Bigla kong naalala, madalas sa labas lang ng condo nagpa-park si Jessica. Kaya agad akong dumiretso sa parking area. At ayun nga, boom!, nandoon pa ang kotse niya. Ibig sabihin, andito lang siya. Nasa paligid lang.“Jes… where are you?” bulong kong puno ng pag-aalala. “I hope you’re okay.”Takbo-lakad ang ginawa ko sa buong paligid ng condo. Sumasabay na ang ulan, palakas na nang palakas. Pero wala pa rin si Jessica. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan, wala pa rin. Hindi siya sumasagot.Bigla kong naalala ang CCTV. Agad akong tumakbo papunta sa security office ng building. Mabuti na lang at kilala nila ako kaya pinapasok agad ako.“Sir, anong oras po natin hahanapin?” tanong ng guwardiya.“Start tayo sa tapat ng unit ko. Mga ilang minuto pagkatapos kong umalis.”Nag-rewind sila ng CCTV at doon ko nakita ang pagd

  • Unstoppable Desire    Chapter 230

    Jessica’s POVHalos di ko na makita ang dinadaanan ko. Malabo na ang paningin ko, hindi dahil sa ulan , kundi sa dami ng luhang walang tigil na pumapatak mula sa mga mata ko. Sumasabay ito sa pagbuhos ng langit, tila bang pati ito ay nakikiramay sa pighating nararamdaman ko.“HUHUHU” Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng condo ni George. Para akong robot na walang direksyon. Nanginginig ang buo kong katawan. Mabigat. Parang may nakapatong na bato sa dibdib ko. Paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang narinig ko, parang sirang plaka na ayaw tumigil.“I know... kapag nalaman ni Jessica na magkapatid kami, masasaktan siya. Lalo na kapag nalaman niyang kaya ako lumayo, kaya ako nagpanggap na wala akong maalala, ay dahil sa nalaman kong katotohanan tungkol sa aming dalawa…”“Waaaahh… huhuhu!”Napaluhod ako sa damuhan. Di ko alam kung saan na ako napadpad. Ang paligid ko naging malabo. Mga aninong gumagalaw, mga matang nakatitig , may awa, may pagtataka, may takot. Pero wala akong pakia

  • Unstoppable Desire    Chapter 229

    Scarlett’s POV Lumundag ang puso ko sa nakita kong reaksyon nina Nick at George. Parang lumipad si Nick sa sobrang bilis niyang pag-alis. Bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Nick at George nung nalaman na maaaring si Jessica ang bisita. "What’s going on?" tanong ko agad, may kaba sa boses ko.Naglalakad si George paikot-ikot, hindi mapakali. Tila nawawala sa sarili. Bigla siyang huminto sa harapan ko, mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. "We need to find Jessica." "Baka... baka narinig niya ang usapan namin kanina ni Nick."Ramdam ko ang pag-aalala sa tinig niya. "Bakit? Ano bang nangyayari, George?""Baka narinig niya... lahat." "Anong narinig niya?" muli kong tanong, ngayon ay puno na ng kaba at gulo ang isip ko. Nagsalubong na ang aking kilay.Napatingin siya sa akin. Kita sa mukha niya ang guilt. "I’m sorry, Bhabe... hindi ko agad nasabi sa'yo."Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko na mapigilang uminit ang ulo. "Tungkol saan, George?"Nanghihinang napaupo siya sa sofa h

  • Unstoppable Desire    Chapter 228

    George’s POV Hindi ako makapagsalita. Walang salitang lumalabas sa bibig ko.Yes, galit pa rin ako kay Nick. Lalo na sa lahat ng sakit na pinagdadaanan ni Jessica dahil sa kanya. Pero habang nakikita ko siya ngayon, mag-isa, tahimik, basag na basag ang itsura, may bahagi sa’kin na naaawa.Hindi ko alam kung anong meron, pero habang tinititigan ko siya, ramdam kong may mas malalim pa siyang pinagdadaanan. Kahit di niya sabihin, andito kame lagi ni Scarlett para kay Jessica. Ngayon pa lang, nag-aalala na ako sa magiging reaksyon niya.Huminga ako nang malalim."The damage has been done," mahina kong sabi. "And I can see… naka-move on na si Jessica sa’yo."Pero bakit parang may kirot pa rin sa mata niya? Bakit parang... hindi pa siya tapos?At doon ko nakita, hindi lang sakit ang laman ng mata niya. Kundi pagmamahal. Pagmamahal ng higit pa sa isang kapatid."Nagpa-DNA test ka ba? Sa inyo ni Jessica?" tanong ko, halos wala sa sarili.Napatingin siya sa akin, parang natigilan, parang bin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status