Naalerto si Alberto at Louie. Nakita kasi nila ang isang pamilyar na pigura. Nasa unahan sila at nagmamasid sa paligid. Strikto ang kanilang amo pagdating sa security at aaw nilang may isa man lang babae na halos ihagis na ang sarili sa kanilang Senyorito Menard.
Samantala, nasa gitna si Menard at hindi komportable sa ingay ng mga naroon. Mabuti na lang at nakapalibot sa kanya ang kanyang mga tauhan.
Highly trained at matatangkad ang mga bodyguard. Hindi rin nakangiti ang mga ito. Alerto ang mga ito lalo at maraming mga babae na ginagawa ang lahat makalapit lang sa kanilang amo. At ito ang pinakaayaw nilang mangyari.
Sa lahat ng mga dinadauhang event ni Menard, kasama niya ang kanyang security team lalo at ayaw niya na masyadong lumalapit sa kanya ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae. He doesn’t want to deal with delusional girls who always do crazy things just to get his attention. He doesn’