Share

chapter 24: tsismis

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-02-03 10:00:26

      “Tsismis lang naman ‘yan eh. Wala pa akong confirmation. At saka isa pa, never ko pa naman siya na-meet. Unfair naman sa kanya kung i-judge natin siya with us knowing him,” paliwanag ni Sheila. “Malay natin, mabait pala talaga siya at kaya siya hinuhusgahan ng iba dahil hindi rin nila siya ganun kakilala.”

     “Mayaman na plus gwapo pa. Malamang sa malamang habulin ng mga babae itong si Mr. Young. May asawa na kaya siya? Ano sa palagay mo, Sheila?” Hindi tuloy maiwasan ni Graciella na ma-curious.

      Normal sa mga mayaman na pamilya na pumili din ng galing sa mayaman na pamilya kung mag-aasawa ang mga apo ng mga ito. Kaya minsan ang hirap din intindihin ang mundo ng mga mayayaman.

       “Ano nga pangalan ng herederong si Mr. Young?” tanong ni Graciella.

       Kinalkal muna ni Sheila ang sagot sa kanyang isipan bago sinagot ang kaibigan. “Tristan. Tristan Young ang pangalan ni Mr. H
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 25 Pinilit ka ba?

        Malalim na ang gabi pero hindi pa rin tapos ang event. Sa sobrang kabusugan, nakakaramdam na rin ng antok si Graciella kahit paano. Pero kahit ganun man ang nangyrai masaya siyang kumain at uminom habang may kita.     “Tapos na ba ang event?” Tanong niya kay Jeron habang pinagmamasdan ang ilang tauhan na nagliligpit na. “Kailangan pa ba natin tumulong?”     “Hindi na sabi, ate,” sagot ni Jeron. “Masaya na ako at satisfied ka ngayong gabi. Kaya yayain ko ulit kayo dito ni Ate Sheila.”     “Suntok sa buwan. Tigilan mo nga ang ambisyon na ‘yan, Jeron,” supla ni Sheila sa pinsan. Ang alam niya nagpapalapad ng papel si Jeron kasi gusto nitong magtapat sa kaibigan.   Naalala niya na dapat tapatin na ng kaibigan ang pinsan para hindi na ito umasa pa. “May sasabihin si Graciella sayo.”      Pinanlakihan ng mata ni Graciella ang kaibigan. Bakit kasi kailangan pa sabihin kay Jeron na nag asawa na siya? May relevanc

    Last Updated : 2025-02-03
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 26 Ang lalaki sa dilim

          “Galing naman siya sa maayos na pamilya. Nakapagtapos ng pag-aaral at may itsura din. I am more than sure na makakita ng mas babagay sa kanya si Jeron,” sabi ni Graciella.      Naaalala pa niya nang unang nakilala si Jeron. Pumunta sila ni Sheila sa bookstore dahil may binili silang libro. High school pa lang si Jeron noon. Kay bilis talaga ng panahon. Ngayon ang tangkad na nito at nasa wastong edad na. Hindi niya kailan an nilagyan ng Mali sya angvpakikipaglapit nito sa kanya.        “Uuwi na ba tayo? Maaga pa naman,” saad ni Sheila habang hinahaplos ang tiyan. “May bakante pa oh,” natatawa niyang sabi.       “Tumigil ka na nga. Baka maimpatso na tayo. Tama na ‘yong kinain natin. Ang dami na kaya,” reklamo ni Graciella. “At saka bumalik muna tayo sa shop at magpalit ng damit. Hindi pwedeng ganito ang suot ko pauwi. Magtataka ang asawa ko.”     “Huwag ka na magpalit ng damit. Umuwi ka na

    Last Updated : 2025-02-03
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 27: parehong sasakyan

          Tinanaw pa rin ni Jeron ang papalayong taxi na sinakyan ni Graciella at Sheila. Hindi pa rin niya lubos maisip na ora orada na nagpakasal si Graciella. Na- bad trip siya ngayong gabi na wala na siyang pag-asa sa babaeng tinatangi ng kanyang puso.      Pero kung madalian ang kasal ng mga ito, malaki ang chance na maghiwalay din ang mga ito. Iyon na lang ang pinagkukunan niya ng lakas. May pag-asa pa siyang mapasakanya si Graciella.     Nang lumingon siya naroon pala ang special guest ng gabi, si Menard Tristan Young.  Masyadong okupado ng kanyang isip ang pag-uwi ng dalawa kaya nakalimutan niyang nasa parking area pala siya. Tumabi siya at binigyan daan ang sasakyan ni Mr. Young. Huminto ito sa kanyang tapat.      “Sir Jeron,” bati sa kanya ng assistant na si Louie. Sumungaw ito sa bukas na bintana ng sasakyan.Kilala niya ang assistant ni Menard. Kalmado itong tao kahit palagi itong busy sa pagsunod sa mga utos ng boss

    Last Updated : 2025-02-04
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 28: Kilala mo ba si Tristan Young?

         Hindi mawaglit sa isip ni Menard ang pigura ni Graciella. Sa totoo lang, sexy nga ito. Well-proportioned ang katawan. Malapad ang balikat at makipot ang waistline.       Gusto na sana niyang tawagan ang asawa at tanungin ito kung nasaan na pero narinig ang pagbukas ng electronic door. Pumasok si Graciella bitbit ang dalawang malalaking paper bag.      Hindi na ito nakasuot ng gown pero hindi pa natatatanggal ang makeup nito. Loose na tshirt at tattered jeans na ang suot nitong damit.      Napansin naman ni Graciella na kararating lang din ni Menard. Suot pa kasi nito ang damit nito na pangtrabo at hindi pa nagpapalit ng pambahay.     “Sorry at late na ako nakauwi. Kararating mo lang din ba?” tanong ni Graciella habang nilalapag sa kitchen counter ang mga dalang paper bag.      Akala niya tulog na si Menard pero nadatnan pa niya ito sa sofa. Nakabukas na ang TV.      Nawala naman ang k

    Last Updated : 2025-02-04
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 29: Tristan Young, what’s the matter with him?     

          Ilang beses na pinindot ni Menard ang remote control ng TV. Naghahanap siya ng matinong channel pero wala siyang makita.      “Na-meet mo ba ang richest man of the night?” Tanong ni Menard.       “Hindi. At wala akong plano na ma-meet siya. Pero, I’m curious, pareho kayo ng last name,” saad ni Graciella. “Hindi ba nakapagtataka?     Nabitin ang pagpindot ni Meanrd ng remote control ng TV. Pinatay na lang niya ito lalo at wala naman siyang magustuhan na palabas. Napako ang kanyang tingin sa sariling reflection sa screen ng TV.     Napatitig si Graciella sa matangos na ilong ni Menard. Sa tingin niya parang isang sculptured masterpiece ang nasa harapan niya.      “Are you done staring at me?” Tanong ni Menard sa asawa. “You have a problem?”      “Naisip ko since magkalapit lang ang opisina niyo at ang head office ng Young Group. Hindi kaya magkamag-anak lang din ang may-ari ng kumpanya na pinagtatrab

    Last Updated : 2025-02-05
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   CHapter 30 Delivery app

                 Kaya kumuha siya ng jacket sa kanyang silid at lalabas na sana para bumili ng cold cream sa baba ng building.     “Where are you going? It’s past midnight,” sita ni Menard kay Graciella.      “Wala na akong cold cream. Hindi ako pwede matulog na hindi nagtatanggal ng makeup,” sagot ni Graciella.      “Delikado para sa isang babae na lumabas disoras na ng gabi,” ani Menard.      “Diyan lang naman sa baba. At saka may security guard naman itong building,” rason pa rin ni Graciella.     “I insist. Don’t go out. I will handle it,” saad ni Menard.      “Bababa ka para bumili?” Gilalas na tanong ni Graciella.     “No. We can let someone buy it for you. Merong apps na pwede ka magpabili sa kanila and they can deliver it to your doorsteps,” ani Menard.      “Kumunot ang noo ni Graciella. “Sa ganitong oras? May mga rider pa ba na available para mag-deliver?” Nagtataka niyang

    Last Updated : 2025-02-05
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 31: hurry

    Chapter 31: I Have a Friend      “Ang sabi ko, gwapo ka. Kung ikukumpara sa mga nireto ng tiyang sa akin, pang artista ang itsura mo,” saad ni Graciella.       Habang tinitigan nga si Menard mas lalo niyang nasabi sa sarili na maswerte siya kahit ‘di sila magka-level  ni Menard, siya ang pinakasalan nito. Marami sigurong nagkagusto sa asawa pero ang siya ang mapalad na pinili.     “Mr. Young, ang sinasabi ko mismatched tayo when it comes to physical attributes. Kahit gaano ko isipin, you are too good to be true para lang mag-settle sa isang katulad ko.”     “Why? What’s wrong with you? May criminal record ka ba? Have you ever been involved with prostitution? Illegal gambling? I don’t like it when you belittle yourself, Graciella.”     Naumid ang dila ni Graciella sa mga sinabi ni Menard. Kahit isa walang tumugma sa hinala ni Menard.     Naningkit ang mata ni Menard. He realized it is actually her pointing out ther

    Last Updated : 2025-02-06
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 32: Masamang Pangitain

    Nagkukumahog siyang pumunta sa kusina. Para siyang simbilis ng kidlat na nagpakulo ng itlog at isang minuto lang, tapos na iyon. “Inumin mo ito.” Inabot niya kay Menard ang isang mangkok na may pinakuluan itlog. Atubili sanang tatanggapin ang bigay ni Graciella. But Menard has no choice. The taste wasn’t that pleasant or bad either. “Ito ang secret ko kaya hindi ako nalilipasan ng gutom,” pagmamalaki ni Garciella. Ngayon lang nakatikim si Menard ng ganun. Palabas na siya nang inabot pa sa kanya ang isang pirasong mangga. “Kainin mo ito mamaya para hindi ka magutom.” Hindi man lang umimik si Menard at umalis na. Habang nasa elevator, tinitigan ang mangga na bigay ng asawa. His heart feels warm knowing that someone cares for him. Nasanay siyang mamuhay nba siya lang. His employees serve him but it feels different when your wife serves you. It’s their first weekend together. And it’s not that bad. Pagbaba niya, nakaabang na ang sasakyan

    Last Updated : 2025-02-06

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 84: Round Face?

    Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 83: Dumaan si Menard Tristan Young!

    Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 82 Danger

    Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 81: Karibal

    Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 80: I’m not the reason

    Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 79: Ang galit ni Alfred

    Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 78: Pwede ba siyang rendahan?

    Nagmamaktol pa rin si Alyanna habang naglalakad sa lobby ng building. Mas lumakas pa ang lagatok ng kanyang sapatos sa sahig ng lobby. Hanggang sa may tumawag sa kanya. “Miss Alyanna.” Paglingon ng dalaga, nakita si Louie, ang assistant ni Menard. Bitbit nito ang puting tulips na nakatali na at ang isang kahon ng white chocolate. Ngumiti muna si Louie bago iabot ang mga dala. “Mr Young wants to return these to you.” Kaagad na tumalikod si Louie matapos magawa ang utos ng boss. Natigilan si Alyanna nang ilang sandali. In-absorb ng utak ang nangyari. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Feeling niya binigyan siya ng bulaklak ni Menard. Now, she can confirm. Menard likes her but is too prideful to admit it to her! In the end, alam niyang sa kanya pa rin babagsak si Menard. It might not happen now, but she is sure it will happen soon. Samantala, sa opisina ni Menard. . . Parang nilalamig na h

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 77: Sino ang babaeng ‘yon?

    “ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 76: Ang itinadhana

    Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status