Malalim na ang gabi pero hindi pa rin tapos ang event. Sa sobrang kabusugan, nakakaramdam na rin ng antok si Graciella kahit paano. Pero kahit ganun man ang nangyrai masaya siyang kumain at uminom habang may kita.
“Tapos na ba ang event?” Tanong niya kay Jeron habang pinagmamasdan ang ilang tauhan na nagliligpit na. “Kailangan pa ba natin tumulong?”
“Hindi na sabi, ate,” sagot ni Jeron. “Masaya na ako at satisfied ka ngayong gabi. Kaya yayain ko ulit kayo dito ni Ate Sheila.”
“Suntok sa buwan. Tigilan mo nga ang ambisyon na ‘yan, Jeron,” supla ni Sheila sa pinsan. Ang alam niya nagpapalapad ng papel si Jeron kasi gusto nitong magtapat sa kaibigan. Naalala niya na dapat tapatin na ng kaibigan ang pinsan para hindi na ito umasa pa. “May sasabihin si Graciella sayo.”
Pinanlakihan ng mata ni Graciella ang kaibigan. Bakit kasi kailangan pa sabihin kay Jeron na nag asawa na siya? May relevanc