Hindi mawaglit sa isip ni Menard ang pigura ni Graciella. Sa totoo lang, sexy nga ito. Well-proportioned ang katawan. Malapad ang balikat at makipot ang waistline.
Gusto na sana niyang tawagan ang asawa at tanungin ito kung nasaan na pero narinig ang pagbukas ng electronic door. Pumasok si Graciella bitbit ang dalawang malalaking paper bag.
Hindi na ito nakasuot ng gown pero hindi pa natatatanggal ang makeup nito. Loose na tshirt at tattered jeans na ang suot nitong damit.
Napansin naman ni Graciella na kararating lang din ni Menard. Suot pa kasi nito ang damit nito na pangtrabo at hindi pa nagpapalit ng pambahay.
“Sorry at late na ako nakauwi. Kararating mo lang din ba?” tanong ni Graciella habang nilalapag sa kitchen counter ang mga dalang paper bag.
Akala niya tulog na si Menard pero nadatnan pa niya ito sa sofa. Nakabukas na ang TV.
Nawala naman ang k