Share

chapter 27: parehong sasakyan

Penulis: Gala8eaGreen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-04 10:01:59

      Tinanaw pa rin ni Jeron ang papalayong taxi na sinakyan ni Graciella at Sheila. Hindi pa rin niya lubos maisip na ora orada na nagpakasal si Graciella. Na- bad trip siya ngayong gabi na wala na siyang pag-asa sa babaeng tinatangi ng kanyang puso.

      Pero kung madalian ang kasal ng mga ito, malaki ang chance na maghiwalay din ang mga ito. Iyon na lang ang pinagkukunan niya ng lakas. May pag-asa pa siyang mapasakanya si Graciella.

     Nang lumingon siya naroon pala ang special guest ng gabi, si Menard Tristan Young.  Masyadong okupado ng kanyang isip ang pag-uwi ng dalawa kaya nakalimutan niyang nasa parking area pala siya. Tumabi siya at binigyan daan ang sasakyan ni Mr. Young. Huminto ito sa kanyang tapat.

      “Sir Jeron,” bati sa kanya ng assistant na si Louie. Sumungaw ito sa bukas na bintana ng sasakyan.Kilala niya ang assistant ni Menard. Kalmado itong tao kahit palagi itong busy sa pagsunod sa mga utos ng boss
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 138: Huwag padalos-dalos

    Saglit na nag-isip si Menard. Ano nga ba ang ireregalo niya kay Leya? “Ikaw na ang bahala mag-isip. Mas kilala mo naman ang pamangkin mo. Ano ba ang gusto ng bata?” tanong ni Menard sa asawa. Wala pa siyang pamangkin kaya clueless siya. Napaisip tuloy si Graciella. Gusto niya na bigyan ng magandang regalo ang anak ng paboritong pinsan. Natutuwa siya kay Leya lalo at mukha itong manika. Napakainosente ng mukha nito at mas lumilitaw ang ganda ‘pag binibihisan nang maayos. Ayaw naman ni Graciella na gumastos ng mahal lalo at marami pa siyang bayarin kay Menard. Ayaw niyang abusuhin ang generosity ng asawa lalo at hindi pa naman sila totally nagkakaigihan. Sa isip naman ni Menard. Pwedeng gold item ulit pero baka sermunan na naman siya ng asawa. Napakakuripot pa naman ni Graciella at masyadong mainit sa mata ng lola nito ang alahas. “Pupunta na lang ko ng mall bukas. Maglilibot ako at maghahanap ng abot kayang panregalo,” saad ni Graciella. Si

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 139: Ano ang ireregalo mo?

    “Just tell me what exactly happened. And also give me the full details about them. Pwede rin bigyan mo ako ng picture nilang dalawa para may reference ang management office para sa ban notice ng mag-ina na ‘yon,” paliwanag ni Menard. He doesn’t want his wife to suffer from abusive distant adoptive relatives. Tama na ang pagiging kawawa nito sa immediate adoptive family nito. At least up until they are married he is bound to protect her. Walang sinuman ang pwedeng umapi sa asawa niya. Though he knows that she is not easily bullied. He knows that she is hurt deep inside by the treatment from her relatives. “Obvious naman sa itsura nila na hindi sila gagawa ng mabuti,” komento ni Menard. “Nakita mo sila?” Gulat na sambit ni Graciella. “Mabuti at namukhaan mo?” “May dala siyang tray ng itlog at isang basket, right?” Saad ni Menard habang inaalala ang saktong dala ni Roberta kanina. Sa tagal na niyang nakakahalubilo ng mga tao, isang tingin pa lang niya, alam

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 136: Kanino ibibigay ang pulang sobre?

    Binaling ni Rowena ang atensyon sa mga tinutuping damit. “Sinabi ko na sayo para sa tuition ni Hannah. Bakit ayaw mo mangutang kay Graciella eh mayaman naman ang boyfriend niya. Aba, oras naman na makinabang tayo sa swerte niya,” maangas na saad ni Harry. “Hindi ka ba nahihiya kay ate? Nang nandito siya, malaki din ambag niya sa gastusin sa bahay. Nang nagkasakit si Leya, pera niya ang ginamit para mapagamot ang anak natin. Tapos ngayon uutangan mo siya tapos wala ka pang intensyon na bayaran siya?” matigas na saad ni Rowena. Naiinis sa ito sa asawa at halata iyon sa tono ng boses niya. “Kahit wala akong ambag dito sa bahay, hindi naman makapal ang mukha ko.” “Obligasyon niya na tulungan ang anak natin, Rowena! Pamangkin niya si Leya at siya naman may pera. At saka ikaw lang nag-iisip na nahihiya ka. Alam ko naman na hindi ka kayang tiisin ng pinsan mo,” giit pa ni Harry. Kailangan niya ang pera lalo at mahal ang tuition sa university na papasukan ni Hannah.

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 135: Pasensya ka na, pinsan

    Alam naman ni Graciella na hindi pa rin susuko ang mag-ina. Naitaboy man niya ang dalawa, alam niya sa sarili na bubuwelo lang ang mga ito at kukuha ng tiyempo para pestehin na naman siya. Pero, handa siya na harapin ang mga ito. Hindi na siya papayag na pati silang mag-asawa ay maperwisyo ng mga walang kwenta niyang kamag-anak. Sutil ang pinsan na si Rupert at alam niyang pinagpaplanuhan na nito na okupahin ang unit nila mag-asawa. Pero, handa siya sa lahat ng mga gagawin nito. Sana lang talaga, hindi madamay si Menard sa sigalot nila na magkamag-anak. Nakakahiya sa asawa na kahit ito, madadamay sa kawalang hiyaan ng mga ito. Wala na siyang pakialam sa dalawa. Makagawa man ito ng kasalanan sa ibang tao, nunca niyang isasalba ang mga ito. Mas gusto na lang niya na gumawa ng masama ang mga ito para tuluyan na lang na makulong. Samantala, kanina pa nag-aalala si Menard sa kalagayan ng asawa. Nakita niya sa mukha ng lalaki kanina pati na sa tiyahin ng asawa

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 134: Emotional blackmail

    Dinampot ni Rupert ang isang mug na nasa kitchen counter at ubod lakas na pinukol sa sahig. Basag ang mug at nagkalat ang bubog. “Hindi mo naman kami kinikilala na kamag-anak. Pwes, ipapakita ko sayo kung gaano ako ka walang hiya,” nakangising saad ni Rupert. “Akala mo, masisindak mo ako sa pagbasag mo ng mug?” matigas na saad ni Graciella. “May mga kamag-anak naman kayo dito sa ciudad bakit ako pa ang pinepeste niyo? Walang kahit isang patak ng dugo niyo ang nasa katawan ko. Bakit ko kayo tutulungan kung ganyan niyo ako itrato?” “”Graciella, alam mo, nakakawa ka kaya noong bata ka pa. Isa kang ulila at walang nag-alaga sayo. Sino ba ang kumupkop sayo?” panunumbat ni Roberta sa nalumanay na boses. “Hindi kayo ang nag-alaga sa akin kaya wala akong dapat ikabahala,” matigas na saad ni Graciella. Akala ng tiyahin nito, kaya pa nila manipulahin si Graciella. “Tingnan mo, nay! Napakaingrata talaga,” galit ng sigaw ni Rupert. “Hindi naman kayo ang k

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 133: Ang bahay

    “Aba, sumosobra ka na ah!” Asik ni Rupert at lalapit sana kay Graciella pero pinigilan ito ng ina. “Pag-isipan mo ang sinabi ko, pamangkin,” malumanay na saad ni Roberta. Hindi siya pwedeng magmatapang lalovatcmayvpabor itong hihingin. Nagkiskisan na ang mga ngipin ni Graciella sa sinabi ng tiyahin. Ano ang feeling ng mga ito, pabor ang gagawin nito sa kanya imbes na perwisyo? “Walang dapat pag-usapan tiyang. Hindi na sana kayo nagsinungaling sa babae. Napasubo pa kayo nang wala sa oras,” matigas na saad ni Graciella. Hindi na siya nagtataka. At sinongvmatinong babae ang magpapakasal sa pinsan niyang walang silbi?Not unless susuhulan nila ito. “Paano mag-aasawa ang pinsan mo kung hindi kami magbibigay ng demand ni Amor?” Paliwanag ni Roberta. “Sana naging tapat kayo kay Amor. Paano ‘pag nalaman niya na wala naman talagang maibibigay si Rupert sa kanya? Pwede pa niya kayo kasuhan ng panloloko,” naiiritang saad ni Graciella. Kahit kailan talaga a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status