“Malapit na ako ma-promote. Ibibigay ko lahat ng gusto mo.” Nagyayabang na si Harry kay Stella.
“Alam mo, Harry sayang ka. Bakit kasi maaga kang nag-asawa. Nakita ko nga ang picture ng asawa mo. Ang bata pa naman niya pero bakit parang kuwarenta na siya,” panghahamak ni Stella sa asawa ng kaharap.
“Sabihin mo lang sa akin, kung gusto mo iiwanan ko na si Rowena para libre na tayong dalawa,” alok ni Harry.
Ngumisi si Stella. Kahit naman medyo mataba si Harry, gwapo din naman ito plus masipag pa. Malapit na rin itong ma-promote bilang department head nila.
“Saka mo na ako ligawan kung kaya mo ng hiwalayan ang pangit mong asawa.”
Ngayon pa lang iniisip na ni Harry ang sarili na sila ang bagay ni Stella. Dangan kasi at natali na siya kay Rowena na walang alam gawin kundi ang gumastos at maniwala sa mahadera nitong ina.
*********
Samantala naiiyak na si Rowena sa gilid. Gusto niyang bilhin ang mga pinili pero wala siyang choice. Ayaw siyang big