Nginuya na lang ni Menard ang waffle. Masarap din naman kahit paano. Wala na siyang choice kundi kainin iyon.
“By the way, huwag mo ng pabayaran kay Rowena ang nasirang suit. Ako na ang bahala doon. Kliyente namin ang lalaking ‘yon.”
“Paano mo nalaman na kliyente mo nga ‘yon?” Curious si Graciella. Ang lakas naman ng radar ni Menard kung ganun.
“Tumawag kasi ang pinsan ko at nakwento niya ang tungkol kay Rowena. Doon ko napagtagpi na pinsan mo nga ang nakasamaluha ng kliyente ko.”
“Kailangan pa rin bayaran ni Rowena ang two thousand na sinabi ng mama,” matigas na saad ni Graciella. “Saan nga ba nagtatrabaho ang pinsan mo?”
“Assistant siya ni Lambert Alferez.”
Napatango na lang. Napakaliit lang pala ng mundo. At nakakatakot pala ng boss ng pinsan ni Menard ayon na rin sa kwento ni Rowena.
“Si Lambert Alferez ba ang tinutukoy ng pinsan ko na may ari ng suit?”
Tumango si Menard.
“Salamat at napakiusapan mo pala ang boss