“Ano ang bibilhin natin ngayon?” In-open ni Menard ang app para makita kung saan banda ang palengke na pupuntahan nila. “Mga gulay at isda lang. Nakabili na ako ng mga karne na gagamitin natin. Walong putahe ang ihahanda ko.” Isda? Ibig sabihin ba kailangan pa katayin ni Graciella ang isda na buhay? It’s too troublesome and yet his wife is doing extra just to please her family. And eight dishes? How can she possibly prepare those in a short notice? “Pwede mo naman ako tulungan. Saan ka ba magaling para doon kita i-assign?” Tanong ni Graciella. “Well, I’m quite good at eating.” Humagalpak ng tawa si Graciella. Na-surprise siya sa sagot ni Menard. Kahit naman malamig medyo ito makitungo sa kanya, may humor din naman pala ito. Sa lahat ng pwede isa got nito bakit iyon pa? Kumunot ang noo ni Menard. Wait, does his wife think he knows how to cook? “Hindi ko akalain marunong ka pala magpatawa.” Napailing na lang si Graciella. Diret
"Hello?" Menards’ voice is cold. Kinakabahan na si Trent sa kabilang linya dahil sa boses ng pinsan. “Kuya, nasa unit niyo na ba kayo? Nandito ako sa baba ng building,” saad ni Trent. Nakasimangot si Menard. He clearly said dinner. What is his younger cousin doing? It’s not barely three thirty in the afternoon! Sanay na si Menard na mabagal kumilos ang pinsan. Nilagay nito ang bilis sa maling pagkakataon. The nerve! “Kuya, naghanda ako ngayon. Hindi ka mapapahiya sa pamilya ng asawa mo,” pagmamalaki ni Trent. Needless to say, he is excited to meet his ordinary sister-in-law. May gagampanan lang naman siyang isang role. “Saan ka na kasi? May mga dala akong supply dito.” Lalong nalukot ang gwapong mukha ni Menard. “You still need to wait. Pauwi pa lang kami ng ate mo. We went to the market.” Halos lumuwa ang mata ni Trent. What news! Menard Tristan Young, the heir to the Young Group of Company is in the market. Kung malalaman ng iba niyang pinsan
Nasa loob na sila ng sasakyan ni Menard. “Don’t ever call me Mr. Young in front of my cousin. Baka magduda siya at magsumbong sa nanay ko,” sabi ni Menard. Pababa na sila ng sasakyan nang may narinig silang sigaw. “Kuya Menard!” Sumilay ang ngiti sa labi ni Trent. Gusto niyang pagtawanan ang minivan na sasakyan ng pinsan. Talagang tinodo nito ang pagpapanggap na mahirap. Kung anong amusement ang naramdaman ni Trent, siya namang disappointment ni Menard. Paano at nakasuot ng branded sportswear ang pinsan. Neon green naman na sapatos ang suot nito. Masyadong masakit sa mata ang mga suot ni Trent. Hindi nito sinunod ang gusto ni Menard. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Graciella. Mukha kasing approachable ang pinsan ng asawa. Dumungaw ito sa bintana ng sasakyan. “Kuya Menard, hipag,” bati nito sa dalawa. Natawa na lang si Graciella lalo at namaluktot ito sa pagbati sa kanilang mag-asawa. “Hello,” nahihiyang saad ni Gra
Kinagat na lang ni Trent ang kanyang dila. Matalas nga pala ang pandinig ng kanyang pinsan at nakalimutan iyon. Bakas sa mukha ang takot na baka bigla na lang siyang sakalin ng pinsan. Napatingin si Graciella sa reaksyon ni Trent nang tumikhim ang asawa. Bumulong sa kawawang si Trent. “Ganyan ba palagi si Menard? Bakit parang pinaglihi siya sa sama ng loob?” Nakikita ni Graciella na palaging binu-bully ang asawa ang pinsan nito. Halata naman na takot nga si Trent sa asawa niya. Kumawala ang isang pilyong ngiti sa labi ni Trent. Lumapit sa hipag at gumanti ng bulong. “Oo, ate. Daig pa niya ang babaeng nag-me-menopause. Very fierce.” Kahit paano natutuwa siya na mabait at approachable ang asawa ng pinsan. Para siyang nakatagpo ng isang kapatid na babae sa katauhan nito. Si Oliver Trent Young ang pinakabata sa mgapipinsan na Young. Walong taon na mas bata ito kaysa sa kay Menard. Kaka-graduate niya lang mula sa college at ine-enjoy ang buhay. Though, isang s
Itinabi ni Trent ang hinuhugasan na carrots. “Ah, yan ba ate? Mga marinated na chicken wings at thighs ang mga ‘yan.” “Kailangan ko pala itong ilagay sa freezer para hindi masira.” Nagmamadali na binuksan ang supot at nilabas ang mga karne na nasa mga plastic containers. Isalansan ni Graciella ang mga iyon sa loob ng freezer. Na-impress siya nang makita na may label pa ang mga iyon kung kelan ito mag-e-expire. Halos lumuwa ang mata niya nang may makita pa siyang tomahawk steak. Ano at ang mahal ng mga cuts ng karne na dala ng pinsan ng asawa? “Binili ko ang mga ‘yan, ate nang sinabi ni kuya na pupunta ako dito,” saad ni Trent. Nakita niyang mukhang nahalata ng hipag na mamahalin ang mga ‘yon. “Don’t worry, affordable lang ang mga ‘yan since naka sale iyan nang binili ko,” paliwanag niya. “Oh, akala ko mamahalin. Naku, ang hirap kumita ng pera, Trent. Kailangan maging praktikal ka sa lahat ng bagay.” “Gusto ko lang matikman mo ang mga natikman ko na
Nagpakilala si Harry kay Menard. “Ako pala ang bayaw ni Graciella.” Inabot ang kamay nito at malugod naman na tinanggap ni Menard. Isang simpleng hello lang ang sagot ni Menard. Inoobserbahan ang kaharap lalo at nalaman niyang ito ang nagsasabi sa asawa nito na naghihirap ang Spectron. Bumaling kay Rowena si Menard. “Ikaw pala ang pinsan ni Graciella. Rowena, right?” Nahiya si Rowena lalo at kalong ang anak na si Leya. Saglit niyang binaba ang anak para tanggapin ang nakahandang kamay ni Menard. “Hello, kuya Menard,” mahinang usal ni Rowena. Si Leya naman ay kumapit sa mga binti ni Menard. Nagtataka ang mga naroon lalo at takot lumapit sa mga tao ang bata. Pero, komportable ito kay Menard. Nagsasalita si Leya pero hindi nila maintindihan. Tila binabati nito ang matangkad na si Menard. Hindi mahilig sa bata si Menard pero magaan ang loob sa pamangkin ng asawa. Yumuko siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Inilagay iyon sa munting kamay ni Leya. Napasi
“Kailangan niyo magtipid para sa kinabukasan. Magastos magpakasal pero kailangan niyo pag-ipunan. Kailangan niyo pa bumili ng sasakyan at bahay bago man lang isipin na magkaroon ng anak. At saka nasaan ba ang mga magulang mo at ano ang mga trabaho nila?” Sunod sunod ang mga tanong at pangaral ni Roger sa dalawa. Gusto niyang ipakita sa mga ito na may karapatan siya na pangaralan ang dalawa lalo at siya ang mas nakatatanda. Napailing si Menard. Baka ma-stroke ang tiyuhin ng asawa kapag nalaman nito na nagkalat sa buong Pilipinas ang mga mansion nila. “May bahay naman ang pamilya ko at doon ako nakatira bago ako nag-umpisa magtrabaho,” saad ni Menard. “Dito na muna kami sa unit na ito ni Graciella ngayon na magkasama na kami.” Umarko ang kilay ni Lupita. Akala niya parehas lang sila ng sitwasyon ng nobyo ng pamangkin. “Bakit kailangan sa abroad pa manirahan ang mga magulang mo?” Tanong pa rin ni Roger. “Kailangan na rin nila magpahinga at ayaw
“Ilang beses na nagkaroon ng salary increase ang Skeptron kaya huwag mo sabihin na nalulugi na ang kumpanya,” sabi pa ni Menard. Ayaw niya sa taong sinungaling. Kung hindi lang siya nagpapanggap sa harapan ng asawa baka kanina pa niya pinakaladkad sa mga bodyguard ang bayaw. Speechless si Harry. Tiningnan ang mga kasama kung nakikinig sa usapan nila. Mabuti na lang mahina ang boses ni Menard dahil pag nagkataon, mabubuking siya ng asawa na hindi niya sinasabi ang totoong sahod niya. Busy ang asawa na sundan ang anak. Kung malalaman nito na tumaas na ang sahod niya, kukulitin naman siya nito na dagdagan ang binibigay niya. “Hindi naman din madali sa akin na ako lahat ang umaako ng gastusin sa pamamahay ng asawa ko,” pagmamayabang pa ni Harry kay Menard. “So, sinasabi mo hindi nagbibigay si Graciella noon?” Tumaas ang kilay ni Menard sa pagmamayabang ni Harry sa kanya. Ayaw niya sa mga mayabang na credit grabber. “Easy lang, bayaw. Ang sabi ko malaki ang am
Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw
Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa! “I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella. Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya. Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito. “Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn
“Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.” Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.” Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.” “You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito. Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin. Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa
Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya
Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac
Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h