Search
Library
Home / Romance / Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire / Chapter 59 Naririnig mo ba ang sinasabi mo?

Chapter 59 Naririnig mo ba ang sinasabi mo?

Author: Gala8eaGreen
2025-03-15 17:48:36

Gusto na lang ni Graciella na bumuka ang sahig at lamunin siya nito. Ano ang pinagsasabi ng mahadera niyang tiyahin? At sa harapan pa talaga ng asawa niya ito sinabi.

Tumayo si Graciella at nilapitan ang tiyahin. Binulungan ito. “Ano ba ang pinagsasabi niyo, tiyang?” Bakas sa boses niya ang pagtitimpi sa kinikilalang kamag-anak.

Madalas naman na pinagbibigyan niya ang mag-asawa dahil na rin sa respeto bilang mga kumupkop sa kanya. Pero, ang hayagan siyang itulak sa mayamang kamag-anak ay kalabisan na para kay Graciella. Hindi na siya nakatiis.

“Ano ba ang sinabi ko?” Patay malisya na tanong ni Lupita. Nasa isip niya na kaya naman niyang manipulahin ang isipan ng pamangkin lalo at mabait naman si Graciella.

“Hindi pwede ang sinasabi niyo sa akin. Ano naman mapapala ng mayayaman sa akin? Alam ko sa sarili ko na pinagsikapan nila ang pagyaman nila. At saka isa pa kaya namin umangat ni Menard na magkasama. Wala na akong intensyon na maghanap pa ng iba.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP