“Magpahinga ka na kaya, Mr. Young. Hayaan mo na ako dito sa kusina,” sabi ni Graciella. Napailing na lang siya sa nagkalat na mga basag na plato.
Alam naman ni Menard na mabuti ang intensyon ni Graciella pero halata sa boses ng asawa na naiirita ito sa nadatnan na kalat. Hindi siya mapalagay. Kailangan kahit paano may itulong din siya.
“Hindi lang ako maingat. At isa pa madulas ang mga plato,” paliwanag ni Menard.
Napangiti na lang si Graciella. Ang cute lang kasi tingnan ni Menard na tila batang nagkasala sa ina. “Okey lang sabi. Ako na rito. Mabuti pa mag-mop ka na lang sa living room.”
“Sinabi mo eh.”
Iniisip na ni Menard kung paano pakintabin ang sahig. Ayaw naman niya mapahiya sa asawa lalo at siya mismo ayaw sa makalat.
Namilog na lang ang mata ni Graciella nang makita na halos mangalahati ang dishwashing liquid. Napailing na lang siya. Kaya pala nadulas sa kamay ng asawa ang mga plato. Literal na wala itong alam na gawaing bahay!
Bum