Kinaumagahan. . .
Maaga pa rin nagising si Graciella kahit maikli lang ang naging tulog.
Nilinis pa rin niya ang living room at nagluto na rin ng almusal. Sino pa ba ang aasahan niya kundi ang sarili lang din. Dapat sana hindi niya ipagluluto ang asawa pero dahil nasaktan niya ito at nasugatan pa nga ang labi nito, at least man lang may pang peace offering siya.
Nag-sorry din ito sa kanya kay mas gusto niyang kalimutan na lang ang nangyari kaninang madaling araw.
Bumukas ang pinto ng master’s bedroom at lumabas na si Menard. Nakasuot na ng damit pang trabaho at hawak ang kurbata sa kaliwang kamay.
“Gusto mo tulungan na kita diyan?” tanong ni Menrad habang sinusuot ang kurbata.
“Good morning, Mr. Young. Malapit na itong maluto ang agahan natin. Maupo ka na lang at ikaw na magtapon ng basura mamaya.”
Dumulog na sa dining table si Menard habang sinasalin ni Graciella ang nilutong almusal. Fried pork dumplings at may nakahanda na oatmeal sa hapa