Share

Chapter 93: Ayaw na umandar

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-05-13 23:39:20

Nanibago siya sa pagiging tahimik ni Graciella. Kagabi, matapos itong magwala, akala niya parati na itong bad trip. Pero, bilib din siya sa asawa at mukhang okay na kaagad ito ngayong umaga.

Pababa na sila ng building. Inilabas pa kanina ni Menard ang isang malaking plastic bag ng basura habang ang asawa naman, dinala ang garlic bread.

Naiinis pa rin si Menard at hindi nakain ang gustong kainin.

“Ibibigay ko ito sa kaibigan ko. Huwag ka na magtampo kasi. Ang haba ng nguso mo, pwedeng isabit ang palanggana,” saad pa ni Graciella habang pinagmamasdan ang asawang nakasimangot. “Bibilhan kita nito once gumaling na ang bibig mo.”

Tuluyan ng sumimangot si Menard. Gusto niyang basta na lang sana hablutin ang pagkain pero bayolente ang asawa. Baka madagdagan lang ang kanyang sugat. Napahawak siya sa kanyang labi at napangiwi.

Nasa baba na sila at si Menard, sumakay na ng kanyang sasakyan. Si Graciella naman napapailing na lang habang pinagmamasdan ang yupi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 95 Tanggapin mo na

    Naiinis si Graciella. Tawagin ba naman na toycar ang kanyang minivan. Umalis na si Menard matapos ihatid ang asawa. ******* Lunch break na ni Graciella at Sheila. Nagkasundo ang magkaibigan na bumaba at kumain sa isang food stall. Nasa bungad pa lang sila ng building lobby nang may isang lalaki na humarang sa kanila. Nagtataka si Graciella kung bakit may lumapit sa kanya kahit hindi naman niya ito kilala. “Excuse me, ikaw ba si Miss Graciella?” tanong ng matabang lalaki. Napaatras ang magkaibigan lalo at hindi naman niya kilala ito. Biglang naalala na ito pala ang mayabang na driver ng SUV kagabi. Bakit siya natunton ng lalaki? Ambilis naman nito nakalaya samantalang dinala ito sa presinto kagabi lang. Kinakabahan si Graciella. “Kilala mo ba siya, Graciella?” Umiling si Graciella at akmang aalis na sana sabay hila sa braso ni Sheila. Pinuwesto si Sheila sa likuran at dinukot ang pepper spray mula sa kanyang bag

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 94: How sweet

    Napahawak sa seatbelt si Graciella at pinindot ang cellphone para sagutin ang tawag. “Oo, papunta na ako sa shop. HUwag kang mag-alala may yupi pero maliit lang naman,” mahinang saad ni Graciella sa kausap. Nakikinig lang si Menard sa usapan ng asawa at ng kausap nito. “‘Di ba nga nakauwi pa ako kaninang madaling araw. Basta bigla na lamng ayaw umandar ng sasakyan ko. Baka sa weekend ko na dalhin ito sa shop. Naalala ko may kailangan pa akong gawin na project this week.” Binaba na kaagad ang tawag matapos magpaalam ng kausap. Napako ang tingin sa mukha ang asawa. Nakapaskil na naman ang poker face nito na madalas niyang mapansin kay Menard. May problema ba ito? “May iniisip ka ba?” “Ang sweet pala ng boses mo ‘pag may kausap ka sa phone. I’m thinking, instead of talking to you directly, might as well, tawagan kita sa cellphone. So that I get to hear your sweet voice,” malamig nitong saad. Napatiim ang bagang ni Menard. Siya ang asawa pero

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 93: Ayaw na umandar

    Nanibago siya sa pagiging tahimik ni Graciella. Kagabi, matapos itong magwala, akala niya parati na itong bad trip. Pero, bilib din siya sa asawa at mukhang okay na kaagad ito ngayong umaga. Pababa na sila ng building. Inilabas pa kanina ni Menard ang isang malaking plastic bag ng basura habang ang asawa naman, dinala ang garlic bread. Naiinis pa rin si Menard at hindi nakain ang gustong kainin. “Ibibigay ko ito sa kaibigan ko. Huwag ka na magtampo kasi. Ang haba ng nguso mo, pwedeng isabit ang palanggana,” saad pa ni Graciella habang pinagmamasdan ang asawang nakasimangot. “Bibilhan kita nito once gumaling na ang bibig mo.” Tuluyan ng sumimangot si Menard. Gusto niyang basta na lang sana hablutin ang pagkain pero bayolente ang asawa. Baka madagdagan lang ang kanyang sugat. Napahawak siya sa kanyang labi at napangiwi. Nasa baba na sila at si Menard, sumakay na ng kanyang sasakyan. Si Graciella naman napapailing na lang habang pinagmamasdan ang yupi

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 92: Awkward

    Kinaumagahan. . . Maaga pa rin nagising si Graciella kahit maikli lang ang naging tulog. Nilinis pa rin niya ang living room at nagluto na rin ng almusal. Sino pa ba ang aasahan niya kundi ang sarili lang din. Dapat sana hindi niya ipagluluto ang asawa pero dahil nasaktan niya ito at nasugatan pa nga ang labi nito, at least man lang may pang peace offering siya. Nag-sorry din ito sa kanya kay mas gusto niyang kalimutan na lang ang nangyari kaninang madaling araw. Bumukas ang pinto ng master’s bedroom at lumabas na si Menard. Nakasuot na ng damit pang trabaho at hawak ang kurbata sa kaliwang kamay. “Gusto mo tulungan na kita diyan?” tanong ni Menrad habang sinusuot ang kurbata. “Good morning, Mr. Young. Malapit na itong maluto ang agahan natin. Maupo ka na lang at ikaw na magtapon ng basura mamaya.” Dumulog na sa dining table si Menard habang sinasalin ni Graciella ang nilutong almusal. Fried pork dumplings at may nakahanda na oatmeal sa hapa

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 91: Gaano ba kaselan?

    “Ano?” agresibo pa rin ang tanong ni Graciella. Napahilamos na ng kanyang mukha si Menard. Ang tapang talaga ng kanyang asawa; para itong isang mabagsik na librarian na ayaw makarinig ng kahit anong paliwanag. Nakita ni Graciella na namumula ang mga tainga ni Menard. Naawa naman siya lalo at wala na itong mabato sa kanya. Hindi na siya umimik pa. Ayaw naman niyang matulog na may galit sa asawa. Dinampot na lang ni Graciella ang barbeque na hinain pa niya at binalik sa refrigerator. Sayang din iyon at libre pa naman sa kanya ni Jeron ang mga iyon. Lalong nanghinayang si Menard. Akala niya para sa kanya ang dalang barbeque ng asawa. Bakit nito nililigpit ang mga ito? Gusto niyang pigilin ang asawa pero ayaw naman ng pride niya na gawin iyon. “Gustong maging sa ating dalawa ang lahat. Hindi man ako pasok sa pamantayan mo pero may prinsipyo akong tao. Habang kasal tayo, hindi ako gagawa ng anumang bagay na magkukumpromiso ng pangalan mo. Gusto ko lang ma

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 90: Mahirap humingi ng tawad

    “Lasing ang driver ng SUV. Buti na lang at nandun si Jeron. Kung hindi baka sinaktan na ako ng lalaking ‘yon. At kung sasabihin mo na may relasyon kami ni Jeron, diyan ka nagkakamali. Nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya lalo at pinsan siya ni Sheila.” Kinakalma ni Graciella ang sarili pero naiinis pa rin siya sa kaharap. “Kaya lang naman kami kumain sa barbecue house na iyon dahil may discount coupon na binigay si Sheila sa akin. At hindi kami nagkasundo ni Jeron na magkita. Tapos ngayon pag-uwi ko, aakusahan mo ako ng kung ano-anong malisyosong bagay?” bulalas ni Graciella. Hindi nakaimik si Menard sa sunod-sunod na mga sinabi ni Graciella. Paano ba naman ang bilis nitong magsalita. Hindi siya makasingit. Siya ang dapat na nagagalit pero bakit parang siya ang pinapagalitan sa ngayon? “Ang dumi ng isip mo. Mali na ang tingin mo sa paghatid ng isang kaibigan sa bahay nila dahil lang sa nabangga ang sasakyan ko. Nagmagandang loob lang naman si Jeron lalo at

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 89: Masakit

    Hinampas ni Graciella ang kanyang cellphone sa braso ni Menard. “Ang kapal ng mukha mo na pagbintangan ako na may ginagawang milagro! Ang dumi ng isip mo. Para kang walang pinag-aralan!” sunod-sunod na akusa ni Graciella sa asawa. Masakit din naman ang kamay niya nang hampasin niya ang braso ni Menard. Nabasag pa nga ang screen ng kanyang cellphone at nasugat ang kanyang palad dahil sa ginawa. Napaigik si Menard dahil sumakit ang braso na hinampas ng asawa ng cellphone nito. Sa tangkad niya, nagkasya na lang siya na ibaluktot ang mga braso para masangga ang mga atake ng asawa niya na namumula na sa galit. Hindi pa rin papipigil si Graciella. Ilang beses pa niyang hinampas si Menard na walang nagawa kundi ang umilag na lang. Ibinuhos niya ang inis sa asawa na walang pakundangan kung pag-isipan siya ng malalaswang bagay. “Stop it!” “Hindi ako titigil!” Umangat ang kamay ni Graciella at dahil sa pag-ilag ni Menard, tumama ang kamay nito sa bibig ni

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 88: Isang salita pa.

    Na-realize niya na hindi tama ang pagkakaintindi ni Menard sa relasyon nila ni Jeron. “Graciella, may pinarmahan tayong kasunduan at kailangan natin sundin ang mga nakasaad doon. Kung may iba ka palang gusto na lalaki, sabihin mo sa akin. Wala akong problema kahit makipaghiwalay ka na sa akin ngayon din. Kung gusto mo, tutulungan pa kita mag-file ng annulment. Wala akong pakialam!” bulalas ni Menard. Nag-iinit ang kanyang pisngi. “Mag-asawa na tayo ngayon. Dala ko ang pangalan ko at apelyido. Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin na may iba kang gusto?” Kahit wala silang nararamdaman sa isa’t isa, naapakan ang pride ni Menard na nakikipagdate at nakikipagkita sa ibang lalaki ang kanyang asawa. “Ano ba ang mga pinagsasabi mo?” Masama ang loob ni Graciella. Masamang babae pala ang tingin sa kanya ni Menard. “Ang lalaking naghatid sa akin, si Jeron Gonzales yon. Matanda ako sa kanya ng six years at matagal na naming kilala ni Sheila na kaibigan.

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 87; Aamin ka ba o hindi?

    Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status