"Huwag na nga lang natin pag-usapan 'yan. Gusto mong kumain na lang tayo?" Pag-iiba ng topic ni Menard.
Nakagat ni Graciella ang kanyang bibig. Bakit pakiramdam ni Graciella ay umiiwas si Menard? Para itong pamangkin niya na si Leya.
"Mr. Young, sorry," paghingi niya ng paumanhin dito. "Sa susunod, hihingi muna ako ng permiso bago labhan ang mga damit mo."
"Hindi ka dapat nag-so-sorry. Hindi mo gawain ang paglalaba. Gawain ng katulong 'yan at hindi naman kita katulong," paliwanag na ni Menard. Bakas pa rin sa guwaping mukha ang hiya sa ginawa ng kaharap.
Mapakla ang ngiti na sumilay sa labi ni Graciella. Wala naman silang katulong kaya sino ang gagawa ng mga gawaing bahay? Nagtataka siya kung may kinagisnanv katulong ba itong si Menard at halatang hindi sanay sa gawaing bahay.
"Salamat at hindi ka pala galit. Sa sus