"Huwag na nga lang natin pag-usapan 'yan. Gusto mong kumain na lang tayo?" Pag-iiba ng topic ni Menard. Nakagat ni Graciella ang kanyang bibig. Bakit pakiramdam ni Graciella ay umiiwas si Menard? Para itong pamangkin niya na si Leya. "Mr. Young, sorry," paghingi niya ng paumanhin dito. "Sa susunod, hihingi muna ako ng permiso bago labhan ang mga damit mo." "Hindi ka dapat nag-so-sorry. Hindi mo gawain ang paglalaba. Gawain ng katulong 'yan at hindi naman kita katulong," paliwanag na ni Menard. Bakas pa rin sa guwaping mukha ang hiya sa ginawa ng kaharap. Mapakla ang ngiti na sumilay sa labi ni Graciella. Wala naman silang katulong kaya sino ang gagawa ng mga gawaing bahay? Nagtataka siya kung may kinagisnanv katulong ba itong si Menard at halatang hindi sanay sa gawaing bahay. "Salamat at hindi ka pala galit. Sa sus
Walang umimik sa kanilang dalawa. Namula si Menard at basta na lang kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang silid. Ginaya niya ang ginawa ni Graciella na pagtakbo pabalik sa silid. Pati na rin ang pabagsak na pagsara ng pinto. Sa totoo lang, nawala talaga sa isipan niya na may asawa na siya. Kampante na siya na basta na lang maglakad na tuwalya lang ang suot sa katawan. Nakatutok kasi ang atensyon niya sa nakahain na almusal sa lamesa. Naalala niya ang kanyang katulong na si Zenaida. Ganun almusal din ang hinanda nito para sa kanya kaya nawala sa isipan niya na iba na pala ang status niya ngayon. Naglalakad na si Graciella na bitbit ang mga dalang pagkain. Natatawa siya sa inasal ni Menard para itong babae na takot masilipan. Ano kasi ang ginagawa nitong naglalakad na towel lang ang balabal sa katawan tapos ngayon nahihiya ito sa kanya?
Namilog ang mata ni Graciella sa ginawa ni Menard. Black card? Iilan ang may kakayahan na magkaroon ng ganung klaseng card. Napalunok siya. "Gamitin mo ito sa tuwing maimili. Ayokong gumastos ka ng sarili mong pera para sa mga gastusin dito sa bahay. Ako ang lalaki kaya responsibilidad ko ito," kaswal na saad ni Menard. "Napakagalante mo naman, Mr. Young. Paano kung gastusin ko ang pera mo sa luho ko?" Balik tanong ni Graciella. Gusto lang niyang malaman ang saloobin nito. "Hindi naman marami ang laman niyan. Sakto lang na panggastos for everyday expenses," paliwanag ni Menard. "Huwag na," tangi ni Graciella. Hindi naman niya alam hanggang kailan sila magsasama. Mahirap ng magkaroon ng utang na loob sa isang estranghero. Hindi niya rin ugali na maging mapagsamantala sa pinaghirapan ng ibang tao. Nakikita naman niya na mabait at honest na tao si Menard kaya hindi niya sasayangin a
Umupo si Graciella sa katapat ng tiyuhin. Nagtitinginan silang magpinsan. Gusto niyang malaman kung sinabi na ba ni Rowena na basta na lang siya nagpakasal pero mukhang wala pang alam ang mga ito. Kailangan na ba niyang magtapat? Pinag-iisipan nga niya kung sasabihin na niya o saka na lang. Ang dowry lang naman ang worry ng mga ito. Gusto lang ng mga ito na malaman kung ilan ang makukuhang pera. Pero wala rin namang panalo ang tiyuhin pagdating sa pamamahala sa bahay. ANg tiyahin pa rin ang nasusunod sa lahat ng bagay. "Naghanap ka sana ng tao seseryoso sayo. Huwag kang gumaya sa mga kabataan ngayon na parang naglalaro lang ng bahy bahayan. 'Pag nagkasawaan naghihiwalay din. Hindi ka na bumabata para maglaro pa sa ganyang aspeto ng buhay," sermon kaagad ni Roger sa pamangkin. Hindi umimik si Graciella. "Ano? Nagsasama na ba kayo?" Untag pa nito sa pamangkin na hindi sin
Malalim na ang gabi nang matapos ang hapunan sa bahay ng tiyahin ni Graciella. Paano ba naman inutusan pa nito ang huli para gawin ang paglilinis. Naiinis si Graciella sa bagal ng andar ng e-bike niya. Kulang iyon sa charge. Kung bakit kasi antagal dumating ng kanyang bagong sasakyan. Ang sarap ng ipatimbang sa junkshop[ ang bulok niyang e-bike! Sumagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan. Ang mga babae ay kawawa kung napaglilipasan ng panahon. Hinahabol kasi ng karamihan ang biological clock nila. Isa pa sa napag-usapan nila ang mga problema nito sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Papasok na si Graciella sa parking lot ng Midland Heights, hindi niya napansin ang itim na Audi sa harapan niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Napapikit siya lalo at halos isang dipa na lang mababangga na niya ang makintab na luxury car. Mahabaging langit! Kahit siguro ibenta niya ang isa niyang kidn
Dismayado si MMenard na kailangan pa pala ang laging pag refuel ng sasakyan. Pero, wala na siyang choice kaysa sa mabisto siya ni Graciella. Kailangan niyang pagtiyagaan ang bagong bili na minivan. Kanina nga ay muntikan na siyang makita ng asawa kung hindi lang siya naging alisto. Alam na ni Louie ang mga ayaw at gusto niya. Matagal na kasi itong naninilbihan sa kanya bilang kanang kamay at assistant niya. “Senyorito, binalik namin sa casa ang sasakyan. May modification akong pinagawa para sumakto sa panlasa niyo. Ang arrangement ng mga upuan pati na rin ang upholstery pinapalitan ko na rin,” paliwanag pa ni Louie sa amo mula sa kabilang linya. “Kaya dalawang araw pa bago natin makukuha ang unit mula sa shop,” dagdag pa nito. “Bumili ako ng sasakyan,” sabi pa ni Graciella. “Anong klaseng sasakyan?” Tanong ni Menard. “Minivan pero hinihintay ko pa kung kai
“Maraming mayayaman na pamilya siguro ang pagmamay-ari ng mga unit dito ano? Malay natin nakasalubong na natin ang isa sa mga bilyonaryo sa bansang ito pero hindi lang natin alam?” Komento pa ni Graciella. Tumango lang si Menard. “Pero alam mo ba? Parang isang malaking oso ang driver ng magarang sasakyan kanina. Ang tangkad kasi nito tapos medyo maitim at balbas sarado pa,” patuloy na kuwento ni Graciella. Bumunghalit ng tawa si Menard. Muntik tuloy siyang masamid sa tubig na iniinom. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya narinig na inihahambing ng ibang tao si Alberto sa isang oso. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kung malaman nitong mukha siyang oso sa paningin ni Graciella. Though, may katotohanan naman ang sinabi ng huli. Nagtataka naman si Graciella kung bakit tumawa si Menard pero pa tuloy lang siya sa kuwento niya. “Ang
“Lugi naman kung two thousand per night lang ang bayad,” reklamo pa ni Sheila. “Ano ba ang gagawin?” tanong ni Graciella. “Stand in waitress. Pero formal dress ang kailangan isuot while on duty,” paliwanag ni Jeron. “Alam ko may ganitong style eh. Kapag may malalaking event ang mga hotel ganito ang ginagawa nila. Ihahalo ng hotel ang mga naka formal dress na servers para mas maiwasan ang mga minor accidents,” singit ni Sheila. “Pwede kang kumain at uminom habang naka duty. Kailangan mo lang talaga humalo sa crowd para hindi halata na server ka talaga.” “Para lang silang nagtapon ng pera kung ganun?” naguguluhan na saad ni Graciella. Mayroon palang ganun na magbabayad sila ng mga tao para maging display lang. “Gusto kasi ng mga organizers na parang maraming tao ang pumunta. Additional publicity kasi ‘yon para sa kanila,” paliwanag naman ni Sheila sa kaibigan. “Ka
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya
Walang ideya si Graciella na may karibal pala siya kay Menard. Busy lang naman siya sa kanyang mga ginagawang painting sa kanilang pwesto ni Sheila. Tapos na mag-live si Sheila at may sinasagot lang na mga messages mula sa mga followers nito. “Ikaw ha, kaya pala ayaw mo ipakilala si Papa Menard mo kasi takot kang agawan kita?” Bungad ni Sheila sa kaibigan habang in-off ang ginamit na laptop. Medyo nagtatampo siya at late na niya na-meet ang asawa ng bestfriend. “Takot? Bakit naman ako matatakot? Busy siya, oy! At saka malay ko ba na nagsumbong pala si Trent sa kanya kaya napasugod tuloy ang pobre sa Camilla Cafe nang wala sa oras,” dahilan ni Graciella. “Hindi mo sinabi na gwapo ang asawa mo. Kaya magtatampo talaga ako sayo.” Tumulis ang nguso ni Sheila. “Para kang timang diyan. Gwapo nga si Mr. Young pero hindi naman ubod ng gwapo ang isang ‘yon. Kumbaga lamang lang siya ng dalawang paligo sa mga normal na lalaki,” napapakibit balikat na saad ni Grac
Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h
Nagmamaktol pa rin si Alyanna habang naglalakad sa lobby ng building. Mas lumakas pa ang lagatok ng kanyang sapatos sa sahig ng lobby. Hanggang sa may tumawag sa kanya. “Miss Alyanna.” Paglingon ng dalaga, nakita si Louie, ang assistant ni Menard. Bitbit nito ang puting tulips na nakatali na at ang isang kahon ng white chocolate. Ngumiti muna si Louie bago iabot ang mga dala. “Mr Young wants to return these to you.” Kaagad na tumalikod si Louie matapos magawa ang utos ng boss. Natigilan si Alyanna nang ilang sandali. In-absorb ng utak ang nangyari. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Feeling niya binigyan siya ng bulaklak ni Menard. Now, she can confirm. Menard likes her but is too prideful to admit it to her! In the end, alam niyang sa kanya pa rin babagsak si Menard. It might not happen now, but she is sure it will happen soon. Samantala, sa opisina ni Menard. . . Parang nilalamig na h
“ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann
Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa
“Mas mabuti na kayo na ang maghugas ng kawalai na ‘yan. Masyadong madikit ang siomai na niluto ng asawa ko kagabi,” saad naman ni Menard sa mga tauhan. Nag-uunahan ang mga tauhan ni Menard na humagilap kung ano ang gagawin. Si Alberto ang naghugas ng mga hugasin sa lababo. Ang ilan naman, mas pinili na magwalis at iayos ang ilang kasangkapan sa kusina. Wala pang sampung minuto, nagawa na nila ang lahat ng kailangan gawin. Pina-check pa ni Alberto ang mga kawali. Alam naman niya na maselan ang amo kaya hindi na siya nagdalawang -isip na patingnan muna ito. “We are done here. Let’s go.” Tumalima ang mga tauhan at umalis na nga sila sa unit ng mag-asawa. Todo alalay naman ang mga bodyguard habang palabas sila ng condo building. Alerto sila lalo at ayaw ng amo ni na mabisto ang pagkakakilanlan nito. Sumakay muna sila ng mini van at saka bumaba kung saan naka-park ang kanilang sasakyan. “Ano ang mga gagawin natin today?” tanong ni Menard kay Louie.