Namilog ang mata ni Graciella sa ginawa ni Menard. Black card? Iilan ang may kakayahan na magkaroon ng ganung klaseng card. Napalunok siya.
"Gamitin mo ito sa tuwing maimili. Ayokong gumastos ka ng sarili mong pera para sa mga gastusin dito sa bahay. Ako ang lalaki kaya responsibilidad ko ito," kaswal na saad ni Menard.
"Napakagalante mo naman, Mr. Young. Paano kung gastusin ko ang pera mo sa luho ko?" Balik tanong ni Graciella. Gusto lang niyang malaman ang saloobin nito.
"Hindi naman marami ang laman niyan. Sakto lang na panggastos for everyday expenses," paliwanag ni Menard.
"Huwag na," tangi ni Graciella. Hindi naman niya alam hanggang kailan sila magsasama. Mahirap ng magkaroon ng utang na loob sa isang estranghero. Hindi niya rin ugali na maging mapagsamantala sa pinaghirapan ng ibang tao. Nakikita naman niya na mabait at honest na tao si Menard kaya hindi niya sasayangin a