Umupo si Graciella sa katapat ng tiyuhin. Nagtitinginan silang magpinsan. Gusto niyang malaman kung sinabi na ba ni Rowena na basta na lang siya nagpakasal pero mukhang wala pang alam ang mga ito. Kailangan na ba niyang magtapat?
Pinag-iisipan nga niya kung sasabihin na niya o saka na lang. Ang dowry lang naman ang worry ng mga ito. Gusto lang ng mga ito na malaman kung ilan ang makukuhang pera. Pero wala rin namang panalo ang tiyuhin pagdating sa pamamahala sa bahay. ANg tiyahin pa rin ang nasusunod sa lahat ng bagay. "Naghanap ka sana ng tao seseryoso sayo. Huwag kang gumaya sa mga kabataan ngayon na parang naglalaro lang ng bahy bahayan. 'Pag nagkasawaan naghihiwalay din. Hindi ka na bumabata para maglaro pa sa ganyang aspeto ng buhay," sermon kaagad ni Roger sa pamangkin. Hindi umimik si Graciella. "Ano? Nagsasama na ba kayo?" Untag pa nito sa pamangkin na hindi sinMalalim na ang gabi nang matapos ang hapunan sa bahay ng tiyahin ni Graciella. Paano ba naman inutusan pa nito ang huli para gawin ang paglilinis. Naiinis si Graciella sa bagal ng andar ng e-bike niya. Kulang iyon sa charge. Kung bakit kasi antagal dumating ng kanyang bagong sasakyan. Ang sarap ng ipatimbang sa junkshop[ ang bulok niyang e-bike! Sumagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan. Ang mga babae ay kawawa kung napaglilipasan ng panahon. Hinahabol kasi ng karamihan ang biological clock nila. Isa pa sa napag-usapan nila ang mga problema nito sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Papasok na si Graciella sa parking lot ng Midland Heights, hindi niya napansin ang itim na Audi sa harapan niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Napapikit siya lalo at halos isang dipa na lang mababangga na niya ang makintab na luxury car. Mahabaging langit! Kahit siguro ibenta niya ang isa niyang kidn
Dismayado si MMenard na kailangan pa pala ang laging pag refuel ng sasakyan. Pero, wala na siyang choice kaysa sa mabisto siya ni Graciella. Kailangan niyang pagtiyagaan ang bagong bili na minivan. Kanina nga ay muntikan na siyang makita ng asawa kung hindi lang siya naging alisto. Alam na ni Louie ang mga ayaw at gusto niya. Matagal na kasi itong naninilbihan sa kanya bilang kanang kamay at assistant niya. “Senyorito, binalik namin sa casa ang sasakyan. May modification akong pinagawa para sumakto sa panlasa niyo. Ang arrangement ng mga upuan pati na rin ang upholstery pinapalitan ko na rin,” paliwanag pa ni Louie sa amo mula sa kabilang linya. “Kaya dalawang araw pa bago natin makukuha ang unit mula sa shop,” dagdag pa nito. “Bumili ako ng sasakyan,” sabi pa ni Graciella. “Anong klaseng sasakyan?” Tanong ni Menard. “Minivan pero hinihintay ko pa kung kai
“Maraming mayayaman na pamilya siguro ang pagmamay-ari ng mga unit dito ano? Malay natin nakasalubong na natin ang isa sa mga bilyonaryo sa bansang ito pero hindi lang natin alam?” Komento pa ni Graciella. Tumango lang si Menard. “Pero alam mo ba? Parang isang malaking oso ang driver ng magarang sasakyan kanina. Ang tangkad kasi nito tapos medyo maitim at balbas sarado pa,” patuloy na kuwento ni Graciella. Bumunghalit ng tawa si Menard. Muntik tuloy siyang masamid sa tubig na iniinom. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya narinig na inihahambing ng ibang tao si Alberto sa isang oso. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kung malaman nitong mukha siyang oso sa paningin ni Graciella. Though, may katotohanan naman ang sinabi ng huli. Nagtataka naman si Graciella kung bakit tumawa si Menard pero pa tuloy lang siya sa kuwento niya. “Ang
“Lugi naman kung two thousand per night lang ang bayad,” reklamo pa ni Sheila. “Ano ba ang gagawin?” tanong ni Graciella. “Stand in waitress. Pero formal dress ang kailangan isuot while on duty,” paliwanag ni Jeron. “Alam ko may ganitong style eh. Kapag may malalaking event ang mga hotel ganito ang ginagawa nila. Ihahalo ng hotel ang mga naka formal dress na servers para mas maiwasan ang mga minor accidents,” singit ni Sheila. “Pwede kang kumain at uminom habang naka duty. Kailangan mo lang talaga humalo sa crowd para hindi halata na server ka talaga.” “Para lang silang nagtapon ng pera kung ganun?” naguguluhan na saad ni Graciella. Mayroon palang ganun na magbabayad sila ng mga tao para maging display lang. “Gusto kasi ng mga organizers na parang maraming tao ang pumunta. Additional publicity kasi ‘yon para sa kanila,” paliwanag naman ni Sheila sa kaibigan. “Ka
Kinilabutan si Graciella. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Halos kadugo na ang turing ko sayo. Huwag mo na pangarapin na maging maghipag pa tayo. At saka isa pa may asawa na ako. Ang bait kaya ni Mr. Young sa akin,” rason pa ni Graciella. May asawa na siya at hindi nakikita ang sarili na nagkagusto pa sa ibang lalaki. “Nagmamadali ka kasi magpakasal hindi mo pa naman lubos na kilala si Mr. Young. Do you hear what you call him? You don’t even call him hubby,” dahilan pa ni Sheila. “Baka hindi naman totoo ang marriage certificate niyo?” Pinulot na ni Graciella ang kanyang paint brush at pinagpatuloy ang painting. Isa iyong tanawin na may bulubundukin at ilang uri ng colorful na ibon. Ayaw na niyang makipagtalo sa kaibigan. “Kailangan mo lang naman maghanap ng guwapo at mayaman,” pagpilit pa rin ni Sheila sa kaibigan. Nanghihinayang kasi siya sa kaibigan na basta na lang sa ordinaryong lal
Alas sais na ng gabi at sakay si Jeron ng kanyang magarang sasakyan. Susunduin niya ang dalawang magagandang dilag. Napaawang ang labi niyan nang makita si Graciella. Bagay sa mga ito ang napiling makeup at gown. Mas lumitaw ang ganda ng mga ito. Pero, mas naagaw ng atensiyon niya ang anyo ni Graciella. Maganda naman si Graciella kahit simple lang ito. Iyong tipo ng ganda na hindi pansinin sa una pero habang tumatagal mas gumaganda ito sa paningin. “Ano? Bilib ka na ba sa talent ko? Parang plastic surgery ang dating ano?” pagyayabang ni Sheila. Gusto niyang kantiyawan ang pinsan lalo at halos tumulo ang laway nito na nakamasid sa kaibigan. Namula si Jeron sa tanong ng pinsan. “Maganda naman si Ate Graciella. Bakit mo sasabihin na plastic surgery ang ginawa mo? Pinalitaw mo lang lalo ang ganda niya.” Umasim ang mukha ni Sheila. Inaasahan niyang pupurihin ng pinsan ang galing niya sa makeup. “Ma
Sumubo na na naman ng isang malaking hiwa ng cake si Graciella. Napapikit siya sabay sabi, “ang sarap din nito.” Nilingon niya ang mga tao sa paligid na pawang abala na sa kani-kanilang ginagawa. Nakakahiya din kaya ang kumain at malaki pa talaga ang subo. Wala naman pakialam ang mga naroon sa ginagawa nila magkaibigan. “Kaya nga ‘di ba? Tingnan mo doon sa kabilang side naroon ang mga seafood,” saad ni Sheila sabay turo sa king crab na malalaki ang mga sipt. Napaawang ang mga labi nila pareho. “Nakakahiya, Sheila. May sauce ang crabs at hindi bagay sa suot natin na gown na hahawak tayo ng ganyang klaseng pagkain,” bulong ni Graciella sa kaibigan. Nahagip ng kanyang paningin ang mga cherry at makuha nito ang atensiyon. Tila kasi kumakaway ito sa kanya at nag-aanyaya na tikman ito. At hindi siya nagkamali. Katulad ng dessert, napapikit siya nang matikman an
Naalerto si Alberto at Louie. Nakita kasi nila ang isang pamilyar na pigura. Nasa unahan sila at nagmamasid sa paligid. Strikto ang kanilang amo pagdating sa security at aaw nilang may isa man lang babae na halos ihagis na ang sarili sa kanilang Senyorito Menard. Samantala, nasa gitna si Menard at hindi komportable sa ingay ng mga naroon. Mabuti na lang at nakapalibot sa kanya ang kanyang mga tauhan. Highly trained at matatangkad ang mga bodyguard. Hindi rin nakangiti ang mga ito. Alerto ang mga ito lalo at maraming mga babae na ginagawa ang lahat makalapit lang sa kanilang amo. At ito ang pinakaayaw nilang mangyari. Sa lahat ng mga dinadauhang event ni Menard, kasama niya ang kanyang security team lalo at ayaw niya na masyadong lumalapit sa kanya ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae. He doesn’t want to deal with delusional girls who always do crazy things just to get his attention. He doesn’
“Lasing ang driver ng SUV. Buti na lang at nandun si Jeron. Kung hindi baka sinaktan na ako ng lalaking ‘yon. At kung sasabihin mo na may relasyon kami ni Jeron, diyan ka nagkakamali. Nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya lalo at pinsan siya ni Sheila.” Kinakalma ni Graciella ang sarili pero naiinis pa rin siya sa kaharap. “Kaya lang naman kami kumain sa barbecue house na iyon dahil may discount coupon na binigay si Sheila sa akin. At hindi kami nagkasundo ni Jeron na magkita. Tapos ngayon pag-uwi ko, aakusahan mo ako ng kung ano-anong malisyosong bagay?” bulalas ni Graciella. Hindi nakaimik si Menard sa sunod-sunod na mga sinabi ni Graciella. Paano ba naman ang bilis nitong magsalita. Hindi siya makasingit. Siya ang dapat na nagagalit pero bakit parang siya ang pinapagalitan sa ngayon? “Ang dumi ng isip mo. Mali na ang tingin mo sa paghatid ng isang kaibigan sa bahay nila dahil lang sa nabangga ang sasakyan ko. Nagmagandang loob lang naman si Jeron lalo at
Hinampas ni Graciella ang kanyang cellphone sa braso ni Menard. “Ang kapal ng mukha mo na pagbintangan ako na may ginagawang milagro! Ang dumi ng isip mo. Para kang walang pinag-aralan!” sunod-sunod na akusa ni Graciella sa asawa. Masakit din naman ang kamay niya nang hampasin niya ang braso ni Menard. Nabasag pa nga ang screen ng kanyang cellphone at nasugat ang kanyang palad dahil sa ginawa. Napaigik si Menard dahil sumakit ang braso na hinampas ng asawa ng cellphone nito. Sa tangkad niya, nagkasya na lang siya na ibaluktot ang mga braso para masangga ang mga atake ng asawa niya na namumula na sa galit. Hindi pa rin papipigil si Graciella. Ilang beses pa niyang hinampas si Menard na walang nagawa kundi ang umilag na lang. Ibinuhos niya ang inis sa asawa na walang pakundangan kung pag-isipan siya ng malalaswang bagay. “Stop it!” “Hindi ako titigil!” Umangat ang kamay ni Graciella at dahil sa pag-ilag ni Menard, tumama ang kamay nito sa bibig ni
Na-realize niya na hindi tama ang pagkakaintindi ni Menard sa relasyon nila ni Jeron. “Graciella, may pinarmahan tayong kasunduan at kailangan natin sundin ang mga nakasaad doon. Kung may iba ka palang gusto na lalaki, sabihin mo sa akin. Wala akong problema kahit makipaghiwalay ka na sa akin ngayon din. Kung gusto mo, tutulungan pa kita mag-file ng annulment. Wala akong pakialam!” bulalas ni Menard. Nag-iinit ang kanyang pisngi. “Mag-asawa na tayo ngayon. Dala ko ang pangalan ko at apelyido. Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin na may iba kang gusto?” Kahit wala silang nararamdaman sa isa’t isa, naapakan ang pride ni Menard na nakikipagdate at nakikipagkita sa ibang lalaki ang kanyang asawa. “Ano ba ang mga pinagsasabi mo?” Masama ang loob ni Graciella. Masamang babae pala ang tingin sa kanya ni Menard. “Ang lalaking naghatid sa akin, si Jeron Gonzales yon. Matanda ako sa kanya ng six years at matagal na naming kilala ni Sheila na kaibigan.
Iniisip pa lang ni Menard na pinagtataksilan siya ng asawa, kumukulo na ang dugo niya! Wala pang nangahas na gaguhin siya. Ang asawa pa lang niya ang may lakas ng loob na gawin ang kalokohan na pagsama nito sa ibang lalaki! Kung gusto pala nito si Jeron, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Graciella? Bakit kailangan pa niyang maging third wheel sa relasyon ng dalawa? Pakiramdam ni Menard, napakatanga niya para maniwala sa mga kwento ni Graciella. Napaniwala siya nito na kaya ito mag-aasawa ay para tumakas sa emotional blackmail ng adoptive aunt nito. “Anong oras ka ba umuwi ngayon, Mr. Young?” “Ano ba ang pakialam mo kung anong oras na ako umuwi?” malamig na sagot ni Menard. “Tinatanong lang naman kita.” Inabot ni Graciella ang isang wooden fork na kasali na binigay ng barbeque house. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang ginawa niya. Kaya binaba na lang niya ang tinidor. “Madaling araw na. Para ka na ring hindi umuw
Napailing na lang si Graciella. Hindi naman siguro masyadong babad sa TV si Jeron at kung anu anong kalokohan na lang ang pumasok sa utak nito? May asawa na siyang tao at mali kahit saang anggulo tingnan na umaasa pa rin ito na may pag-asa pa silang dalawa! “I’m happy with my choice, Jeron. Minsan kailangan natin tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi nakalaan sa atin,” seryosong saad ni Graciella. Ayaw niyang masaktan si Jeron pero wala siyang choice kundi putulin ang anumang iniisip nito na may posibilidad pa na may aasahan ito sa kanya. Siguro naman wala itong clue na nasa trial phase pa ang pagsasama nila ni Menard. Kung malaman ito ni Jeron, alam niyang lalakas lang ang loob nito at aasa ito sa kanya. Ayaw naman ni Graciella na ganun ang mangyari. Masa maraming babae ang mas deserve ang isang Jeron Gonzales. Isang babae na nababagay sa social class nito at kaedad pa nito. “Don’t push me away. Just because you are six years older than me, I’m not gonn
“Pwede ko sabihin sayo na para siyang artista o isang bathala na bumaba galing sa langit. Hindi siya pwedeng ihambing sa ordinaryong tao lang.” Kinuha ni Graciella ang isang hiwa ng pork belly at nilagay sa plato ni Jeron. “Gutom lang ‘yan. Kung i-describe mo siya para ka talagang nag-describe ng mga Greek gods.” Nag-blush nang bahagya si Jeron sa gesture ni Graciella. “Pero totoo ang sinasabi ko sayo. Iba ang dating niya. Hindi lang siya basta mayaman lang at gwapo. At saka nang magkita kami, na-appreciate niya ang ginawa kong OJT sa kanila.” “You mean to say siya ang may-ari ng hotel na pinagdaluhan ng event na pinuntahan natin?” Hindi makapaniwala si Graciella sa yaman ng hinahangaan ni Jeron. Out of touch nga ang yaman ng lalaki at ni sa hinagap hindi siya lingunin nito. Kahit pa siguro approachable itong si Mr. Young, hindi siya nito papansinin. Isa lang siyang ulila na lumaki sa poder ng kanyang adoptive parents. Lumaki din siya na salat sa
Kumunot ang noo ni Graciella. “Paano mo naman nalaman na dumaan siya?” Nagtataka na rin siya sa galing ni Jeron na kumalap ng impormasyon ngayon. “Hindi mo ba alam? Si Menard Tristan Young ay palaging nakasakay sa kanyang Rolls Royce na sasakyan. Hindi lang naman iisa ang dumadaan, tig dalawa pa. Palaging naka-convoy sila. Napansin ko kanina habang papasok tayo dito sa barbeque house.” “Oh.” Napatango na lang si Graciella. “Ang gastos pala maging mayaman. Hindi pwedeng umalis na walang nakabuntot na mga bodyguard. Hindi ba sila naghihinayang sa gasolina at sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan nila? Dapat maging environment conscious din sila.” Halata ang disgusto sa nalaman. Kahit kailan hindi siya naging interesado sa buhay ng mga mayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan. Para sa kanya, magkaiba ang mundo ng ginagalawan ng mayaman at mahirap. Samantala. . . . Maraming katanungan ang sumulpot sa isipan ni Menard. Anong ginagawa ni Graciella
Napatingin si Graciella sa labas ng bintana. Napayakap sa sarili dahil biglang nilamig siya na hindi mawari. Pakiramdam niya, may mga matang nakamasid sa kanya pero hindi niya matukoy kung saan. “What’s wrong?” Nag-aalala si Jeron sa nakikitang discomfort ni Graciella lalo at napayakap ito sa sarili. “Wala naman.” Hinaplos ang kanyang braso para mapawi ang kaba. “Bigla akong nilamig.” Napansin ni Jeron ang napunit na bag ni Graciella na nakalapag sa tabi nito. Magkatapat kasi ang kanilang upuan kaya kita niya ito. “Grabe ka pala mag-ingat ng gamit. Sa tingin ko four years mo ng gamit ang bag na ‘yan,” saad niya sabay turo sa bag. “Five years ko ng gamit ang bag na ito.”Matibay naman ang yari ng bag at palagi na gamit niya sa pagpasok sa trabaho. “Huwag mo ng pansininkung mura lang bili ko nito. Matibay ito at magagawan ko pa naman ng paraan para ma-repair.” Itinaas ni Jeron ang kamay. Amused siya sa kausap. As expected, kuripot nga tal
Isang SUV ang biglang bumundol sa minivan ni Graciella. Halos mabingi si Graciella sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng SUV sa kanyang sasakyan. Sapol ang tagiliran ng minivan at halos masilaw si Graciella sa lakas ng headlight ng nakaengkwentro. Nagmamadali na bumaba si Graciella sa sasakyan dahil na rin halos mabingi siya sa lakas ng busina ng SUV. Sumalubong sa kanya ang umaalingasawna amoy ng alak mula sa lalaking bumaba rin sa SUV. Malamang na ito ang driver. “Bulag ka ba? Hindi ka ba marunong magmaneho? Kita mo nasa highway ka at bawal ang mga sasakyan ng katulad sayo dito,” sunod sunod na saad ng lalaking mataba. Naningkit ang mata ni Graciella sa sinabi ng lalaki. Tinitingnan pa niya ang yupi ng gilid ng sasakyan at hindi matigil ang mabahong bibig ng lalaki. Pinipigilan ang sarili na baka masuntok ito. Pero sa huli, pinanatiling kalmado ang sarili. “Hindi ka lang pala bulag, pipi ka pa!” Akusa ng lalaki kay Graciella habang dinuduro- duro siya